Chapter 11

597 20 0
                                    

Cliff Tyron's POV

Ngiting ngiti ako na pauwi sa bahay.  Syempre kailangan kong maghanda para sa date namin ng angel ko. 

Kanina nga, akala ko hindi pumayag ang angel ko kasi pagbalik ni Fier sa room eh sobrang putla nya na parang nakakita ng multo. 

Buti nalang sinabi nya na kaya sya ganun dahil nakita daw sya ni angel ko.  At ang sabi nya,  pumapayag daw ang angel ko sa date namin mamaya. 

Hihi.  Kinikilig ako.  Hindi naman kasi papayag agad si angel kung hindi nya din ako type diba?

Kaya nga maaga akong uuwi ngayon para makapag ayos. 

Kailangan kong magpapogi pa kahit na pogi nako dati.

------

"Hmmm.. Hmmmm... Hmmmm... " inaayos ko ngayon ang buhok ko. 

Tapos na akong maligo at simpleng jeans at long sleeve lang ang suot ko. 

In the end ay iniwan ko nalang na messy ang buhok ko bago ako nagpasyang umalis ng bahay. 

Kinuha ko na din ang boquet ng flowers na binili ko kanina. 

Wala akong sasakyan.  Pagkagraduate ko nalang daw sabi ni erpats. 

Kaya naman,  magtatricy lang ako. Sana lang di makabawas points sa angel ko. 

"Manong para! " para ko sa tricy na dumaan. 

Agad naman syang tumigil sa tapat ko. 

"San ka boy? " tanong nya. 

"Sa may plaza nong" masaya kong sabi at sumakay na. 

-------

Serena Hope's POV

Kinakabahan ako.

Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa plaza. 

Actually 2 hours early ako sa usapan.  Pero kasi hindi ako mapakali eh.  Eto ang first time na pupunta si Cliff sa pagkikita namin. 

Although di nya alam na ako kikitain nya.  Pero kasi,  masaya pa rin ako kahit papano. 

Kung bulagin ko nalang kaya si Cliff? Para pwede akong magpanggap na yung angel na yun. Kailangan ko lang syang itumba mwahahahaha. 

"Mommy may witch!"

I snapped out of my thoughts nang may sumigaw ng witch. 

Huh,  witch talaga?  Sobrang panget siguro nun. 

I looked around para sana hanapin yung witch na sinasabi nung bata pero napatigil ako nang mapagtantong sa direksyon ko nakatutok yung hintuturo ng bata. 

Tumingin pa ako kung may tao sa likod ko pero wala. 

Lumaki ang butas ng ilong ko sa inis. 

Langyang batang to,  di marunong tumingin ng maganda!  -.-

"Sinong witch?" tanong ko at ngumiti ng matamis. 

Tignan natin kung hindi ka mahulog sa charms kong bata ka. 

Pero nagulat ako ng umiyak sya at yumakap sa mama nya.

"Mommy,  para syang si Joker ngumiti huhu. I need batman! "

Gigil kong tinikom ang bibig ko. 

Lalo na nang samaan ako ng tingin nung nanay saka sila umalis. 

Leche!  Di man lang nagsorry. 

"Pfft. "

Napatingin ako sa gumawa ng tunog at agad nawala ang inis ko. 

A gangster's loveWhere stories live. Discover now