Chapter 9

660 23 2
                                    

Sorry for the long wait.  Nawala yung unang draft ko kaya kailangan ko ulitin huhu. 

Anyways,  enjoy po!  Happy 292 reads thanks to all of you guys hihi.

Serena Hope's POV

Pagtapak ko palang sa school ay sari sari nang ingay ang naririnig ko.  Meron yung mga nagchichismisan tungkol sa mga lalake,  meron yung nagpapayabangan, meron din tungkol daw sa magandang transferee. 

Transferee?  Huh. Nadagdagan na naman ang makikipagchismisan at whatever sa mayonaka. 

Napabuntong hininga nalang ako.  I wonder kung ilang galon ng laway ang nasasayang nila araw araw sa pagsasalita ng nonsense?  Psh. 

Binilisan ko nalang ang lakad ko kahit na para akong zombie ngayon dahil sa eyebags at sobrang bigat na pakiramdam ko. 

Wala pa kasi akong tulog.  Gumawa kasi ako ng report kagabi tungkol sa ginawa ni Grey dahil yung damuhong yon,  talagang gusto ng gera. Sinugod ba naman nya ang isa sa mga pinamumunuan kong pasugalan?  Tsk. 

Mabuti nalang walang nahuli ang mga parak.

Iniisip nyo siguro ang taray kasi may pa report report pa no?  Ewan ko ba sa kaartehan ng systema ngayon.  Wala naman akong magagawa kundi sumunod nalang. 

Baka mamaya si Cliff pa ang pagdiskitahan pag di ako sumunod eh. 

Ang systema kasi ay ganito. 

May 13 district dito sa pilipinas at kaming mga leaders ang namumuno nuon.  Sa isang district,  20 pataas ang mga gang group na nakabase.  Above us are the elders.  Sila ang kilala ko dahil sila lagi ang humaharap sa mga meetings at nagbibigay parusa. 

Above them is the bigboss.  Sya ang pinakamataas samin.  Maski ako na may privelages ay hindi pa sya nakikita kahit kailan. 

Puro elders nalang. Mga beterano kumbaga. 

Minsan nga napapaisip ako eh.  Bakit kaya hindi pa nagpapakita yung bigboss?  Gurang na siguro yun no?  Yung tipong sobrang laki ng tyan tapos panot or kalbo. 

Damn,  iniimagine ko palang natatawa na ako.

Balik tayo kay hinayupak na grey.  Diko alam kung san nanggagaling ang lakas ng loob ng gunggong na yon eh. Pero sige,  ginusto nya to eh. 

Ngayon, nadagdagan na ang rason ko para patayin ang gagong yon.

Napatigil ako sa paglalakad nang may tumamang bola sa harapan ko. 

Napataas ang kilay ko.

"Hi.. And uhm sorry.." I looked up at kumunot ng todo ang kilay at noo ko.

Transferee?  And she's wearing a soccer uniform. Weird lang kasi walang namang girls soccer ang school.  Or baka meron na hindi lang talaga ako updated psh -.-

"I'm not a transferee and I'm certainly not a mind reader" sabi nya. 

I raised a brow. 

"Wala pa akong sinasabi" sabi ko nalang. 

Badtrep to ah, pinangungunahan ako -.-

"Well,  sorry then" she chuckled. 

Lakas ng loob ah.  Kilala ba ako neto?  Tsk. 

I'm annoyed but at the same time,  amused.  Sya lang ang taong kaya akong kausapin ng ganito.  Ang iba kasi ay takot na lumapit sakin na kala mo ambaho baho ko.  Tsk. 

"Yeah whatever" sabi ko nalang. 

We stayed quiet for a second at nagtitigan lang. 

Then,  we chuckled.  Nagulat pa ako kasi sabay kami. 

A gangster's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon