Chapter 5

650 30 0
                                    

Serena Hope's POV

Nagising ako dahil sa tumatamang init sa aking mukha.

I groaned then sat up. 

Inilibot ko ang paningin ko at napansing nandito pa rin ako kung saan ako nawalan ng malay. 

Nagkalat din ang mga nasirang gamit mula sa nangyari sa amin kagabi. 

I sighed. 

Hinawakan ko ang ulo ko at naramdamang tumigas na ang buhok ko.  Probably because of the blood. 

Mabuti nalang talaga at matigas ang bungo ko at hindi pa ako namamatay.

Unti unti akong tumayo at napapikit nalang nang maramdamam ang sakit sa aking tagiliran. 

I held my breath upang hindi mapasigaw sa sakit saka ko unti unting nilinis ang mga kalat. 

I almost laugh at myself. 

After getting beaten by my father, andito ako at naglilinis ng bahay.  No hospital and no whatever. 

Siguro nga sanay na din ako.  It was like this for 8 years.  This little wound in my head and bruise on my side doesn't matter.  It will heal soon anyway.

Matapos kong maglinis ay mabilis akong nagligo.  Nilagyan ko ng bandage ang sugat sa ulo ko para hindi ito dumugo at saka ako nagpalit ng uniform.

Napatingin ako sa pasa sa tagiliran ko at inisip kung lalagyan ko pa ba to ng bandage pero sa huli ay hindi ko na ginawa.  Kaunti nalang ang stock ko ng mga bandages at sa makalawa pa ang sweldo ko kaya naman kailangan kong magtipid.  Hindi naman nila makikita kaya okay lang. 

Nahihirapan pa akong gumalaw kaya nagpasya akong magtaxi nalang papuntang school. 

Pagkatapak ko palang sa front gate ay agad nang dumating ang mga gangmates ko at pinalibutan ako. 

Lumapit naman sa akin si Karen. 

"Uno" aniya. 

I kept my face blank bago ko sya nilingon. 

"What happened to you?" tanong nya sabay sulyap sa bandage sa ulo ko. 

"I'm fine" walang gana kong sabi at saka kami nagpatuloy sa paglalakad. 

Papalapit na kami sa room nang may biglang humarang sa amin. 

If I remember it right,  ang lalakeng humaharang sa amin ngayon ay isa sa barkada ni Cliff. 

Sinenyasan ko silang payagan ang lalake na lumapit sa akin. 

"S-Serena.. " panimula nya. 

Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang sasabihin nya.

"Uhm--Belated happy birthday!" mabilis nitong sabi sabay abot sa akin ng isang paper bag.

Kumunot ang noo ko pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting init. Warmth that I longed to feel.

Kinuha ko ito at saka tumango. I kept my face blank kahit na natutuwa ako.

"Salamat"

At saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating kami sa locker area at unit unting nawala ang masayang pakoramdam ko na dulot ng kaibigan ni Cliff.

Naninikip ang dibdib ko at naiiyak na din ako pero pinigilan ko ito.

Knowing and seeing is a different thing ika nga nila.

I knew from the very start that he's a cassanova and he will never like me. But seeing it, and seeing him kissing some other girl is a big slap to me.

I took a sharp intake of breath at dahan dahan itong pinakawalan.

I need to control myself.

Langyang yan. Mas masakit pa itong nakikita ko kaysa yung pambubogbog sa akin ng tatay ko kagabi.

Buti pa yung kaibigan nya naiaipang magregalo.

Tsk!

"Hoy! Hindi motel ang hallway!" rinig kong sigaw ni Karen.

I snapped out from my trance at napansing pinagtitinginan na pala kami. Ako specifically.

Nagtama ang paningin namin but he immediately glared at me like I was some trash who interrupted them.

Napalunok ako.

I quickly looked away at mabilis na naglakad palayo doon.

I need to breathe.

--------

To be continued. 

A gangster's loveWhere stories live. Discover now