Kabanata 42. LWTB

36K 1K 59
                                    


                         The North Realm

Nakarating sa palasyo ng Aplha king na si Dastian ang digmaan. Sa tulong ng kanyang Beta na si Sefaro. Sa pag-aalala nito sa kanilang Alpha na hindi pa kailan man inilalantad sa napakadaming bampira ang tunay nitong itsura na nagtatago lamang sa kanyang itim na maskara.





Mula noon pa man ng hirangin siya bilang Aplha king ng buong North Realm ay itinago na nito ang katauhan sa kanyang itim na maskara. Tanging mga nalalapit lamang sakanya ang nakakakita ng totoong anyo nito.






Tinipon ni Sefaro ang kanilang mga mandirigma sa North Realm upang tulungan ang kanilang Alpha King kasama pa ang ilang mga royal blood.

.........


Kasabay ng malamig na panahon ang unti-unting pagkaubos ng mandirigma ni Haring Virgel. Pinapanood lamang niya ang mga Royals na isa isahin ang mga mapangahas na bampira na aatake sakanila.






Bumaba siya sa kanyang itim na kabayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ng digmaan. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay hudyat na huminto ang kanyang mga tauhan.






Humalakhak ito ng mag krus muli ang landas nila ng kanyang pinakamamahal na kamag-anak. Napadako ang kanyang tingin kay Laarni.






"Tignan mo nga naman, ang taga lupa noon ay isang royal blood nadin ngayon. Nag aasam din pala ng kapangyarihan." Sabi nito kay Laarni na namumula na ang mga mata habang nakatitig lamang sakanya.






"Wala ka talagang sing sama Virgel. Matapos mong ipapatay ang aming ama na dapat ay nandiyan ngayon sa trono mo ay nag asam kapa ng kapangyarihan na nagmumula sa dugong bughaw ni Sebastian!" Sabi ni Celeste kahit na alam niyang hindi naman talaga nanggagaling ang kapangyarihang taglay ni Sebastian sa mismong dugong bughaw nito.






Napangisi lamang si Haring Virgel.
"Ako ang dapat na hiranging bilang hari! Masyado lamang pinapaboran ang inyong ama na wala namang kwenta!" Sabi nito at humalakhak. Si Sebastian ay nag igting ang panga at nanlisik ang mga mata. Habang si Dastian ay hindi mabasa ang ekspresyon dahil sa itim na maskarang nagtatago dito.
Si Ishmael ay nagiinit lamang sa loob mismo ng karwahe. Gustong gusto na nitong lumabas at mapaslang ang nilalang na siyang may kagagawan ng lahat. Lahat na nagpasakit sa kanyang Ina.






Napadako ang tingin ni Virgel kay Dastian na nakamaskara padin.






"Hanggang ngayon ba'y itatago mo ang nakakadiring pilat mo sayong kanang mata?" Walang modong sabi nito at humalakhak. Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Laarni dahil hindi niya nasaksihan ang sinasabing pilat sa kanang mata ni Dastian.






"Nagtatago kapadin ba sa itim na maskarang yan o di kaya'y nagtatago kapadin ba sa impostor na anyo mo?" Sabi nito at rinig na rinig ang halakhak sa kalagitnaan ng gubat habang patuloy padin ang pag ulan ng kulay pulang nyebe.





Natahimik ang lahat ng biglang hinubad ni Dastian ang kanyang itim na maskara na nagtatago ng lahat. Ang maamo niyang mukha ang tumambad sa lahat habang gumuguhit ang pilat sa kanan niyang mata. Tila pilat ito na gawa ng isang masamang kamay.






Kahit na meron siyang pilat sa kanang mata'y talagang di maitatanggi na hindi nabawasan ang kagwapuhang taglay ng binata. Ang katahimikan ay nabasag ng biglang humalakhak muli si Virgel.






"Habang buhay na akong mamamalagi sayong ala-ala sa pamamagitan ng pilat na yan Dastian!" Sabi nito. Napakasamang demonyo talaga ni Virgel. Madaming katanungan ang mga mata ni Celeste kung papaano nagkaroon ng pilat ang kapatid. Naitatago naman ito ni Dastian sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.






Minsan ng nag krus ang landas ng Alpha King na si Dastian at ang Hari na si Virgel. Sa kasakiman ni Haring Virgel na alipinin at sakupin ang North Realm na hindi pinag tagumpayan dahil natalo ito sa digmaang naganap sakanilang dalawa ng Alpha king na si Dastian. Hindi man nagwagi ay sinadya nitong markahan ang kanyang pamangkin sa kanang mata na simbolo na habang buhay na itong mamamalagi sakanyang nakaraan.






Hindi nakaabot ang panyayaring yon sa Reyna ng Colasopia na si Celeste sampung dekada na ang nakakalipas dahil sa sadyang mailap si Dastian at hindi ito nakikipag kumunikasyon sakanya. At ngayon na lamang muli ito nagpakita ng mabalitaan ang kumakalat na pangalan ni Laarni ang taga-lupang reincarnation mismo ni Alira.






"Isa kang hangal Dastian! Isa kang hangal sa paglalantad mo ng iyong sarili!" Sabi muli ni Haring Virgel dahil sa libo-libong mga mandirigmang bampira ang nakasaksi sa totoong anyo ng Alpha king na si Dastian sa likod ng itim na maskara nito.






"Ayoko ng maingay!" Sabi naman ni Sebastian at pinutol ang pagsasalita ng Hari. Sa kanyang pag atake ay ilan pang mga sundalo ang humarang sa kanyang daanan makapunta lamang sa Hari. Pinatay niya ang lahat ng gustong humarang sakanya. Tila hinahalikan siya ng mga abong nagliparan sa hangin habang patuloy ang pagsugod niya. Sa likod naman niya'y paparating na si Dastian na ang pakay ay sugudin din si Virgel.






Magkasunuran ang dalawang magkapatid habang patuloy din ang pakikipaglaban ni Laarni at Celeste. Pinoprotektahan nila si Ishmael na hindi pa nagbabalik ng isang daang puryento ang lakas.






"Laarni sa likod mo!" Sigaw ni Celeste at tumalon naman sa ere si Laarni. Sa pagkakataong yon ay walang sinayang si Celeste at kaagad niyang dinukot ang puso ng hangal na bampira na nagtangkang sugurin sila ng patalikod.






Puno na ng abo ang paligid at nadadagdagan pa ito sa pagdagdag ng mga namatay na bampira.






Habang nakikipaglaban ay nakalmot sa pisnge si Laarni. Kaagad din itong nag hilom at walang alinlangan niyang pinugod ang mga ulo ng mga sundalong kalaban nila. Madaming ulo ang nagpagulong gulong sa pulang lupa dala ng mga dugo na nagmumula sa pulang nyebe.






.......

Habang binabagtas ni Heneral Arthur ang masalimuot na daan dala ng pagbagyo ng dugong nyebe ay pabawas sila ng pabawas dahil sa mga lobong umaatake sakanila na kanila lamang ay nakamasid.






"Hiyaaaa!" Malakas na pagpadyak nito sa kanyang kabayo. Nakasunod naman sakanya ang tatlong magaling na commander at sa likod ay ang mga iilan pang mandirigmang sundalo. Wala silang pinalagpas. Lahat ng mga halimaw na haharang sa daan ay walang awa nilang tinatapos ang buhay.






Kailangan nilang magmadali dahil alam nitong naguumpisa na ang digmaan at kailangan ng tulong ng mga royals.







.........

Dalawang kampo. Dalawang magkaibang palasyo ang paparoon sa kinaroroonan ng digmaan. Kampo ng kahariang Colasopia at kaharian ng North Realm. Mabilis na binaybay ng Beta na si Sefaro ang mapusok na daan dala ng mga hamog na nagmumula sa malamig na panahon.






Kasama ang libo-libong mga hukbo ay nakalabas na sila mismo ng North Realm. Nagtaka ang binatang Beta dahil sa pagulan ng dugong nyebe. Alam niyang madugo ang digmaang magaganap ngayon at ito ay isa lamang pangitain sakanila.






Walang alinlangang pinatakbo niya ng pinatakbo ang kabayo nitong pang digmaan kasunod ang buong hukbo ng mga mandirigmang sundalo.





..........

Napahinto ang dalawang magkapatid na si Sebastian at Dastian ng biglang maglabas si Virgel ng ilan pang hukbo at ngayon ay sa pamumuno na ng masasamang lobo. Si Prinsipe Rasmus ang siyang namumuno dito. Ang masamang lobo na nagtangkang kunin ang pagkabirhen ng misteyosong dalaga na siyang iniligtas ni Dastian.







Ang masamang lobo na nagpahirap sa dalaga. Kaagad na napakunot noo si Dastian ng magsalita ito.







"Ninakaw mo ang birhen na isasakripisyo sakin! Ngayon ay maghanda ka sa nalalapit mong katapusan Alpha." Nakangising saad ni Rasmus habang nakatingin kay Dastian na nanlilisik na ang mga mata sakanya.










Itutuloy........





Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now