Kabanata 17. LWTB

52.5K 1.6K 133
                                    


Laarni:

"Pakiiwanan nalang sa opisina ko itong mga proposals." Abot ni Sebastian sa kanyang sekretarya. Tatango tango lang ito ng magkunot noo si Seb.




"Are you listening? Bat nakatingin ka lang?" Inis na sabi nito.





"Y-yyes Sir." Nauutal na sagot niya.







"You can go." Sabi ni Sebastian.







"P-po?" Gulat na tanong ni Melissa.







"I said you can go."







"But Sir ano po kasi e ang layo po kasi ng luluwasan ko."







"So? Do your job it's not my problem." Walang emosiyong sabi ni Seb. Nanonood naman ako sakanila. Nakaramdam ako ng awa kay Melissa pero pinakinggan ko si Aunt. Cleo. Mas makakabuti kasi kung walang ibang tao ang tutuloy dito sa bahay lalo na sa kalagayan ko ngayon.






Bagsak ang mga balikat ng kanyang sekretarya bago umalis. Kaagad namang inilock ni Aunt. Cleo ang pinto upang masigurong walang ibang makakapasok. Si Sebastian ay nasa salas na kasama ko ngayon at aliw na aliw itong kausapin ang nasa loob ng aking tiyan. Nakaramdam naman ako ng paggalaw ulit nito at naginit ng bahagya.

.....



Nagdaan ang isang buwan at singlaki na kaagad ng tiyan ko ang pang pitong buwanang pagbubuntis. Nagkakaroon nadin ito ng kulay asul at berde na ugat na nakapalibot mismo sa aking tiyan na di ko man lang namamalayang dumadami na. Kung gaano kabilis lumaki ang aking tiyan ay sing bilis ding bumagsak ang aking pangangatawan.






"Aunt. Cleo! Aunt. Cleo!" Napapasigaw ako sa labis na sakit ng aking tiyan. Nagulat ako ng hindi ko na magawang mailakad ng maayos ang aking mga paa ngunit pinilit ko pa. Sinikap kong maglakad ng mawala ako sa balance at siyang tatama ang ulo ko sa sahig ng biglang sinalo ni Sebastian ito. Ganon siya kabilis. Sing bilis ng hangin.






"Laarni." Pagaalala bigla sakin ni Sebastian. Nakita ko namang hapong hapo sa pagtakbo si Aunt. Cleo mismo sa kinaroroonan ko. Inalalayan ako ni Sebastian makaupo at sobra ang kanyang pag aalala sakin.






"Iha anong masakit sayo? Hay Diyos ko sobrang laki ng ipinayat mo." Mangiyak ngiyak na sabi nito. Sa totoo lang ay bumabakat na ang aking buto sa balikat maging ang spine ko ay bakat na bakat na. Lubog na lubog nadin ang aking mukha at lumalaki ang mga pasa sa aking katawan.





Napaisip ng malalim si Sebastian. Binuhat muna niya ako at iniupo sa sofa. Bumunot ito ng phone at my tinawagan sa kabilang linya.





Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila dahil lumayo ito ng kaunti sakin. Napahawak lamang siya sa kanyang noo at tila namomroblema.





"Lord Griffin, dalhin na naten siya sa hospital ang lala na ng lagay niya." Pag aalala ni Aunt. Cleo. 






"Hindi pwede. Hindi maiintindihan ng mga doctor ang sitwasyon ng mag-ina ko." Sabi ni Sebastian na may halong pagaalala at pangangamba.






"Pupunta si Vlad. Ihanda mo na ang sasakyan aalis kami ngayon." Maotoridad niyang utos. Hindi ko kilala kung sino si Vlad.






"Wala na akong choice kailangan kong kontakin ang pinsan ko dahil baka ano pang mangyare sa magina ko." Muling sabi ni Seb. At sumunod na si Aunt. Cleo. Lumabas na ito at inihanda ang sasakyan pati ang mga gamit na dadalhin namin. Hindi na ako makapagsalita dahil sa labis ang pagkapagod ko na para bang unti-unting nawawala ang aking lakas.





.....

Ilang sandali pa ang nagdaan. Nakatulog na pala ako at napukaw ako ng mga boses na naguusap.




"Kailan pa to Sebastian? Mukhang malala na ang lagay ni Laarni." Sabi ng isang lalaki. Nagmulat ako ng mga mata. Nakita ko ito. Isang matipuno, maaamo ang mga mata na kulay pula, putlang putla din ang kanyang balat, matangos na ilong at manipis na labi.






"Sebastian." Nanghihina kong tinawag si Seb. Napalingon naman sila sa kinaroroonan ko. Kaagad na lumapit si Seb sakin at napaluhod upang magpantay ang aming mga mukha dahil nakahiga ako sa sofa.





"Laarni konting tiis nalang mahal ko." Sabi niya sakin habang hawak hawak ang kamay ko.






"Inumin mo to." Sabi ni Vlad na may hawak ng isang pack ng dugo. Napaduwal naman ako ng mailapit ito sakin.






"A-ayoko niyan." Sabi ko.







"Kailangan mong mabuhay para sakin Laarni. Please I'm begging you." Sabi ni Sebastian at iniabot sakin ang dugo na mukhang nanggaling pang hospital dahil nakapack ito.






"Kaya ka nanghihina dahil dugo mo mismo ang nagsisilbing pagkain ng anak mo diyan sa sinapupunan mo." Seryosong sabi ng nag ngangalang Vlad.






Napalunok ako hindi ko ito masikmura pero kung hindi ako lalakas ay maaring mawala ang anak ko. Mas mabuti pang mailuwal ko muna siya ng maayos. Gusto ko pa itong makita.






Pikit mata ko tong ininom. Ramdam ko ang lapot nito at lansa na dumadaloy mismo sa aking dila patungong lalamunan. Halos masuka suka ako dahil sa lansa nito at hindi ko alam kung kaninong dugo ito.







Nakaalalay naman sakin si Sebastian dahil nakikita niyang naduduwal duwal ako. Naubos ko na ang isang pack at halos bumaliktad ang sikmura ko sa labis na pandidiri. Kaagad kong inabot ang tubig na nasa mesa at tinungga ko ito at nagmumog. Hingal na hingal ako ng matapos iyon.






"Masasanay kadin. Alang alang sa bata." Sabi ng pinsan ni Sebastian.





Tumango naman ako kahit na nasusuka na talaga ako. Napasandal ako sa sofa at hinabol ko ang aking pag hinga. Bawat paglunok ko ay nalalasahan ko padin ang lansa ng dugo. Nang gilid ang aking mga luha. Kahit na sobrang nakakadiri ay kailangan ko para sa anak ko.





Hinawakan ni Sebastian ang aking kamay at niyakap ako. Tuluyan ng bumagsak ang pinipigilan kong mga butil ng luha. Sa totoo lang ay hirap na hirap na ako pero hindi ko naisip ang sumuko.






"I'm sorry. I'm so sorry." Sabi ni Sebastian na labis na sinisisi ang kanyang sarili dahil sa kalagayan ko ngayon. Niyakap ko din ito pabalik at kumuha ng hangin para makapagsalita.





"Wala kang kasalanan. Ginusto natin to diba? Gusto kong maging ina ng anak mo Seb. Mahal na mahal kita." Sabi ko na labis nanaman ang pagka emotional ko.






"Mahal na mahal din kita. Salamat. Salamat Laarni." Sabi nito at inilapat ang mukha sa aking leeg. Napawi ang aking pagngangamba dahil hindi ako pinabayaan nito. Ramdam kong magiging maayos ang lahat basta walang bibitaw samin.








Itutuloy......





Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon