Kabanata 30. LWTB

44.1K 1.3K 63
                                    


Magkatitigan ngayon ang aking mag-ama. Isang linggo narin ng mamalagi dito si Sebastian. Kunot noo ng dalawa habang pinag-aaralan ang isat-isa. Kabilugan ngayon ng buwan at kitang kita ang enerhiya na nakukuha nila mula rito. Seryoso ang dalawa at hindi nagsasalita. Napahawak naman ako kay Celeste na nanonood din.




Nasa isang malaking oval kami na gawa sa bato habang tinatangay ang mga buhok namin sa ihip ng hangin. Narinig na namin ang pag tambol sa bakal na nagpakawala ng malakas na alingaw at ito ang hudyat ng simula. Simula ng kanilang pagsasanay.






Mabilis ang galaw ng dalawa na parang hinahangin sa himpapawid. Walang gustong magpatalo kahit pa pagsasanay lamang ito. Ilang malalakas na suntok ang natanggap ni Sebastian na siyang ikinatilapon niya mismo sa malalaking bato.





"Sebastian!" Nagalala ako ng mawasak ang bato kung saan siya tumilapon. Hinawakan naman ako ni Celeste.





"Wag kang mag-alala. Naglalaro lang sila." Sabi nito. Papaano niyang nasabing naglalaro ang mga ito kung unti unti nilang sinisira ang batong oval kung saan nagsasanay ang mga maharlikang bampira.





Napakagat-labi naman ako habang nanonood sakanila. Kay lakas ng kabog ng aking dibdib. Kung normal lang kasi to para sakanila ay kabaliktaran sakin. Masyadong malakas ang mga ito para hindi magsakitan.





Kaagad na tumayo si Sebastian ng biglang salubingin naman siya ni Ishmael. Napahawak nalang ako saking mga mata habang nakasilip padin. Nagpapalitan sila ng malalakas na suntok at sipa sa ere. Nililipad na sa sobrang bilis. Halos mapuwing na ako sa lakas ng hangin na dulot nila.





Ng tumigil sila sa ere ay sabay silang bumaba habang hinihingal. Seryoso lang ang kanilang mga mukha habang pawisan at mukhang walang gustong magpatalo. Biglang humaba ang maiitim na kuko ni Sebastian at bigla namang lumaki ng doble ang katawan ni Ishmael. Sa tagpong yon ay baka magkapatayan sila.





"Celeste pigilan na natin sila baka magkamatayan na." Pag-aalala ko.





Napangiti naman si Celeste. "We're vampires. Normal lang yan trust me naglalaro lang sila." Sabi nito at aliw na aliw sa panonood.





Naglalaro? Anong naglalaro jan? Napailing nalang ako habang kinakabahang manood sakanila. Nakita ko ang pag danak ng dugo ng mga ito ngunit ang kanilang mga sugat ay unti-unting gumagaling. Napanganga ako dahil parang hindi sila napapagod at kusa silang nag he heal.






Sa tansya ko'y inabot din ng 45mins ang kanilang pag eensayo. Tumigil narin sila at walang natalo dahil parehas silang ayaw mag paawat. Walang gustong magpatalo. Sadyang magagaling silang makipaglaban.





Tumakbo naman ako para salubungin sila. Kung titignan talaga ay akala mo'y mag kuya lang ang dalawa. Napangiti ako ng makitang nagkamayan sila. Seryoso man at tahimik si Ishmael ay alam kong masaya siya sa pagbalik ng kanyang ama.






Third Person :

Nagpaalam saglit si Ishmael sa kanyang mga magulang upang magpahinga. Nagtungo kaagad ito sa kanyang silid at ibinagsak ang katawan sa kama. Napatitig lamang ito sa kisame ng biglang makarinig ito ng boses.







"Ishmael." Napalingon siya at nagbakasakaling may pumasok lamang sa kanyang silid. Dahil sa pag-aakalang guni guni lamang ay nakukuha na ng binata ang kanyang pagtulog dahil sa labis na kapaguran. Pagsapit ng umaga ay magiging normal na tao nanaman ito. Sa umaga ay tao siya samantalang sa gabi ay isa siyang bampira.








Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now