Kabanata 36. LWTB

37.9K 1.1K 134
                                    


"Leave her alone!" Sigaw ni Dastian habang humahalakhak sa ere ang boses ni Samantha na si Luna.





"No I won't Dastian. I curse her to death!" Galit na sabi nito.





"What do you want!"







Ang itim na usok ay nag ipon ipon sa harap ni Dastian na nanlilisik na ang mga mata. Biglang iniluwa nito ang totoong pagkatao ni Samantha na si Luna ang mangkukulam.







"Oh my dear Dastian. Wag mong sabihin saking mahal mo padin si Alira?" Sabi nito at humalakhak nanaman ng tawa.







"Baka nakakalimutan mong pinagtaksilan ka ng iyong kapatid at ang mahal mong si Alira!" Pagpapatuloy nito.







"Wag mo siyang isama sa galit mo!" Sigaw ni Dastian. Ngumisi naman sakanya si Luna at dahan dahang nagbago ang kapaligiran pabalik ilang daang taon ng nakakalipas.







Nakita ni Dastian ang kanyang sarili. Nakita niya ang kanyang sarili na natutulog sa matanda at malaking puno na may naka-kabit na pana sa kanyang dibdib na dahilan ng pagtulog niya habang buhay.







..........

The Past:

Alira:

Matigas ang aking ulo at tumakas ako sa bahay ni Aunt. Marie. Alam ko nanaman kasi ang sasabihin nito. Wag lumabas at lalagpas sa pulang guhit dahil pagmamay-ari na ng mga Griffin ang lupaing ito. Misteryo ang mga Griffin at hindi pa ako nakakakita ng isa sakanila.






Sa paglagpas ko sa pulang guhit na inihanda pa ni Aunt. Marie kontra daw sa mga masasamang elemento ay humangin ng malakas. Nagtayuan ang aking balahibo sa patuloy na pag hangin sa buong kakahuyan. Malayo na sa bahay ni Auntie.







Napasinghap ako dahil dapit hapon na ito at baka gabihin ako sa pag-uwi pero hindi maaari. Gusto kong matuklasan ang misteryong bumabalot sa lugar na ito kaya aalamin ko ito.







Naglalakihang mga talahib ang aking sinuong. Hindi ko alintana ang malakas na hangin na humahalik saking balat. Gaano naba kalayo itong nilalakad ko? Pagod na ang aking mga paa ngunit sa kagustuhan kong maabot ang mga katanungan ay di ako sumuko at sinuong padin ang kakahuyan na may matataas na puno at talahiban.







Napako ang akong mga paa ng makita ang isang napakala laking puno. Patay na puno? Wala kasi itong bunga o kahit mga dahon. Nakakatakot tignan ngunit halatang matanda na ito dahil sa naglalakihang mga ugat na singlaki ng tao. Wala akong sinayang na panahon at inihakbang ko ang aking mga paa. Di ko na masiyadong makita ang pinakataas nito kaya naisip kong akyatin ito upang malaman. Total ay wala namang mawawala.







Huminga ako ng malalim at dahan dahan kong inakyat ang malaki na tandang puno. Nakakangalay man ay di ako nagpatalo. Sigurado akong pagagalitan ako ni Auntie pero wala na narito na ako at wala ng atrasan to.






Kamuntikan akong mahulog sa pagkagulat at mabuti na lamang ay napahawak kaagad ako sa naglalakihang sanga.







"Oh bathala ano ito?" Nasabi ko ng may masilayang lalaking mahimbing na natutulog dahil kita ko ang pag hinga nito habang may nakatarak na malaking pana sa kanyang dibdib.







Kelangan ko ba siyang tulungan? Wala ng isip isip pa at ipinuwesto ko na ang aking kamay sa pana na naturok sa dibdib nito at buong pwersa kong binunot ng bigla namang maging abo ito. Naglaho? Naglaho ang pana at naging abo.







Ang lalaking mahimbing ang tulog ay dahan dahang nag bukas ng mga mata. Itim na itim ang kanyang mga mata. Matatapang ito at may matangos na ilong. Mapupulang mga labi na manipis. Isa ba itong diyos? Napakagwapo niyang nilalang.






Nataranta ako ng bigla siyang gumalaw at nawala ang pagkapit ko sa puno. Napabitaw ako dito at nasa ere na ako at hinihintay na lamang ang pag hulog ko ng bigla niya akong saluhin. Napakabilis niya. Ang kulay abo nitong buhok ay hindi nakawala sakin at talaga namang agaw pansin ito.






Muli kaming nag titigan hanggang sa umihip ang malakas na hangin at narinig ko ang pagsigaw ni Auntie.







"Diyos ko Alira! Layuan mo siya maawa ka!" Takot na takot si Auntie at kinarga naman ako ng lalaki na may tangkad na 6'2 saking palagay. Dahan dahan niya akong ibinaba at sa isang iglap lamang ay naglaho siya at lumakas ang simoy ng hangin.







Sinalubong ako ni Auntie na kasama pa si Lolo na may hawak hawak na baril.






"Nakatakas ang halimaw!" Sabi ni Lolo.







"Alira sinaktan kaba niya?" Pag aalala sakin ni Aunt. Marie ngunit hindi naman talaga ako sinaktan ng misteryosong lalaking yon. Sa halip ay niligtas pa nga niya ang buhay ko sa pagkakahulog at maingat na ibinaba. Umiling uling ako. Niyakap ako ni Auntie sa sobrang takot nito. Dala dala pa niya ang lampara ng kami'y magbalik sa bahay.







Sinalubong ako ni Inay at ni Itay ng mabalitaan ang nangyare. Takot na takot na silang lumabas ako. Ngunit may nag uudyok saking isip. Bakit larawan nito ang lalaking yon ang lagi kong naiisip?








Tumakas ako sa bahay. Nagiwan ako ng liham saking Ina na si Mercedes at Ama na si Diego. Hibang na nga ako pero gusto kong makita ang lalaking ito.







............


"Enough! Ayoko ng makita ang nakaraan!" Pagsisigaw ni Dastian. Ayaw na niyang makita ang nakaraan nila ni Alira. Ang babaeng iniibig niya mula umpisa palang. Ang babaeng nagpalaya sa napakahaba niyang pag tulog dahil sa panang tumarak sa kanyang dibdib na gawa mismo ng isang babaylan. Dahil para sa mga tao ay isa siyang halimaw. Para sa mga tao ay isa siyang demonyo.







Humalakhak nanaman si Luna ng ibalik nito ang kasalukuyan.






"Bakit? Ayaw mo bang muling maalala ang pag-ahas sayo ng kapatid mo?" Sabi nito.







"Shut the fuck up! Saan mo dinala si Alira!" Sigaw ni Dastian.








"Hindi mo gugustuhing malaman." Malademonyong sabi ni Luna.







"Saan mo siya dinala?!"






Tumawa ang mangkukulam.







"Nasa loob siya ng itim kong salamangka." Sabi nito at humalakhak nanaman. Naging usok muli ito at naglaho sa ere habang tumatawa ng malakas.







"Luna! Lunaaaaaaa!" Pagsisisigaw ng binata ng mawala ito. Nag igting ang kanyang panga sa labis na galit. Sobra ang pag-aalala nito sa babaeng si Laarni o Alira dahil sa walang hanggang pagmamahal niya para dito.







Huminga ng malalim si Dastian. Magulo ang isip at nagpaplano kung papaano muling mabawi at mailigtas ang babaeng unang naging sakanya.









Itutuloy.......









Hi guys please vote and comment for the next update thanks!





PS: Nakakulong si Laarni at Sebastian sa itim na salamangka ni Bruhang Luna.

Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now