Kabanata 11. LWTB

65.1K 2K 189
                                    


Hindi ako makatulog sa mga oras na yon. Nakaupo lamang ako sa aking silya sa tapat mismo ng malaking bintana habang tahimik na pinagmamasdan ang mapayapang paligid at maliwanag na buwan. Kasabay ng pagsayaw mismo ng kurtina ang pagtangay ng aking buhok dala ng hangin.


Ipinikit ko ang aking mata. Pagpikit ay mukha ni Lord Griffin ang nakikita ko. Mukha ni Sebastian. Hindi nito pinapatahimik ang aking puso. Bakit pakiramdam ko ay ginamit niya ako? Napailing na lamang ako. Tama nga si Aling Vilma kailangan ko ng putulin ang aming ugnayan dahil yun din naman ang ginagawa ni Sebastian ngayon.





Nakaramdam ako ng pagkauhaw. Wala naman akong naririnig na ano mang ingay kaya dahan dahan akong bumaba para kumuha ng tubig. Pagbukas ng ref ay kumuha agad ako ng tubig at isinalin sa isang baso. Uminom muna ako ng may marinig akong naguusap. Naguusap mismo na nanggagaling sa labas.


Ibinaba ko ang baso na hawak ko at palihim na tumungo malapit sa mga naguusap.




"Anong balak mo?" Boses ito na nanggagaling kay Samantha.


Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ang puso ko ng marinig ko kung sino ang kausap niya.



"I don't know." Boses ni Sebastian yon. Ang Lord Griffin.


"Sebastian iniisip mo padin ba siya?" Tanong muli ni Samantha.




"What do you mean?"





"Of course you know what I mean." Napahinga ng malalim si Sebastian. Katahimikan ang namayani. Napasilip ako sa nakaawang na pintuan at nakita ko silang dalawa sa may terrace mismo sa labas na naguusap.




"I like you Seb. I'm always here for you no matter what." Sabi ni Samantha at hinawakan nito ang mukha ni Sebastian.




"Samantha." Banggit nito sa pangalan ng babae. Nagkatitigan silang dalawa at akmang mag hahalikan na sa harapan ko. Ipinikit ko ang aking mga matang lumuluha at dali dali akong lumayo. Ayokong makita silang dalawang nasa ganong lagay lalo na't nahihirapan akong kalimutan si Sebastian Griffin.




Halos madapa pa ako sa hagdan dahil sa mga luhang nag aagusan sa aking mga mata dala ng pagluha ko. Pilit kong binuksan ang pintuan ko ng maramdaman kong may humagip ng aking braso. Nagulat ako at napalingon kung sino yon.




Laking gulat ko ng si Sebastian ito at bakas sa mukha ang pag aalala nito. Napayuko ako at binawi ang aking braso. Tama lang na putulin ko na ang kung ano mang ugnayan naming dalawa.






"Laarni." Banggit niya sa pangalan ko ngunit hindi na ako nagpatinag. At hindi ko na muli pang nilingon ito. Pagpasok ko sa silid ay napasandal pa ako sa pintuan sa labis na panghihina. Napahagulgol ako ng tahimik. Ayokong malaman niyang umiiyak ako. Ayoko na nitong nararamdaman ko dahil ano mang oras ay pakiramdam kong mamamatay na ako sa labis na sakit na dulot nito sakin. Saaking puso na puno na ng sugat.





Humiga ako sa kama at dumapa habang palihim na umiiyak. Nakaramdam ako ng pagbigat ng aking talukap. Hindi ko napansing nakatulog na ako sa labis na pagiyak ko.



.....

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Humarap ako sa salamin at namumugto ang aking mga mata dala ng pagiyak ko.



Kaagad na akong nag ligo at nag bihis. Paglabas ko ay nakasalubong ko pa si Samantha at Sebastian. Napatingin ito sakin ngunit iniwas ko na ang tingin ko at yumuko. Hinintay ko naman silang makababa na ng hagdan at narinig ko ang paghinga na malalim ni Lord Griffin.




Nagtungo ang mga ito sa baba at sa unang pagkakataon ay nakita kong nagbago si Sebastian dahil kumakain na ito ng almusal kasama si Samantha na hindi niya kailan man ginagawa noon.




Huling beses mo ng masasaktan Laarni. Sabi ko sa isip ko. Puputulin ko na ang ano mang koneksyon naming dalawa. Habang sila ay kumakain at inaasikaso na ni Aling Vilma, abala naman ako sa pagkuha ng mga kakailanganin ko sa paglinis ng hardin.




Dumaan ako sa harapan nila dahil wala namang ibang daan at alam kong nakatingin sila sakin. Dumiretso lang ako na parang walang tao na nakatingin sakin.



Paglabas ay sinimulan ko ng mag walis. Gusto kong makalayo kahit konti sa mansiyon kaya napagdesisyunan kong mag walis sa hardin nito. Sa malawak na hardin.






Halos kalahating oras ang aking tinagal sa paglinis. Nakakapagod man ay ayokong tumigil. Gusto kong libangin ang aking sarili. Papasok na sana ako sa loob para maglaba ng mga damit ng makasalubong ko mismo si Sebastian.




Napatigil ito at nakatitig lang sakin. Ako naman ay napayuko nalang at nagsimula ng umalis. Hindi ko ito dinapuan ng kahit ano mang tingin. Pinatay ko na kung ano mang bond na nagkokonek saming dalawa.



Nagtungo na ako sa likod ng mansion at naabutan ko si Aling Vilma na nagkukusot.




"Ako na po ang mag babanlaw." Nakangiting sabi ko. Nagulat ito dahil nagiba ako. Oo naging mas doble mabilis akong kumilos dala siguro ng ayokong mawalan ng gagawin.




Masaya naman itong pumayag at mabilis na akong kumilos.




"Ayos ka naba Iha?" tanong nito sakin at napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon dito.




"Wag po kayong mag alala Aling Vilma pinutol ko na po ang koneksyong hindi nararapat." Masaya kong tugon dito. Napatayo naman siya at lumapit sakin.






"Hindi yan ang nakikita ko sa mga mata mo." Pagaalala nito.





"Maghihilom din po ang nararamdaman ko. Alam ko na ngayon kung saan ako lulugar." Sabi ko.





"Hay Iha kung pwede lang sanang magmahalan ang tao at ang immortal." Sabi nito.





"Aling Vilma." Tawag ko dito.





Napalingon naman siya sakin.




"Bakit po hindi maaaring magmahal ang mortal sa immortal?" Tanong ko.






"Dahil hindi maaaring magkaroon ng half blood." Napakunot ako sa sinabi niya.






"Iha sa tingin ko ay panahon na para malaman mo. Hindi kayo maaaring magmahalan ni Lord Griffin dahil tiyak na magbubunga ito. Hindi maaaring magkaroon ng anak ang isang Royal Blood Vampire sa isang mortal. Kapag nagkaroon nagbunga ang inyong pagmamahalan at isinilang na ang nag iisang Half Blood Vampire ay magkakagulo. Magkakaroon ng digmaan sa partido ni Lord Griffin at ang elders ng mga bampira." Mahabang paliwanag niya sakin.





Ngunit may naganap na saming dalawa ni Sebastian. Napahawak ako mismo sa tiyan ko. Kinabahan ako bigla sa sinabi sakin ni Aling Vilma. Ayoko namang magkaroon ng digmaan dahil ayokong mapahamak si Sebastian ng dahil lang sa mapusok na pagmamahalan namin. Mas lalo lang akong nagkaron ng dahilan para tuluyan ng putulin ang kahit ano mang ugnayan naming dalawa.





"Aling Vilma inyong mamarapatin po ba kung lisanin ko na ang lugar nato?" Sabi ko.





Nagulat naman ito sa aking binitawang salita.




Itutuloy.....




Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now