Kabanata 39. LWTB

39.2K 1.1K 104
                                    


Sa paanyaya ni Reyna Clauvia, ang Reyna ng kahariang Valerian sa timog na parte ay napagkasunduan ni Reyna Celeste na dumalo. Kasama ang dalawang prinsipe na sina Sebastian at Dastian. Kasama din ang unang half blooded na si Ishmael at ang kauna-unahang tao na naging bampira na si Laarni.




.......

Kasalukuyang binabagtas ng dalawang karwahe ang daan patungo sa nasabing kaharian ng Valerian. Sa unahan ay may dalawang kabayo na pinamumunuan ng Henral na si Hen. Heldrich Zy mula sa hukbo ni Reyna Clauvia at si Hen. Arthur Ventis mula naman sa hukbo ni Reyna Celeste. Dalawang kilalang Heneral na matagal ng naninilbihan sa kanya-kanya nilang mga Reyna.




Nakasunod ang karwahe nina Sebastian at Laarni kasama ang kanilang anak na si Ishmael na tahimik lamang. Sa likurang banda nama'y karwahe na ng Reyna na si Celeste kasama mismo si Dastian. Tahimik lamang ang mga ito at walang gustong magsalita. Sa pinakalikuran ng daan ay may dalawa pang kawal ng Colasopia na nakasakay mismo sa pangdirigmang kabayo.




Masukal ang daan papunta sa nasabing kaharian sa timog na parte. Naglalakihang mga puno kung san ay may mga malalaking itim na uwak na nagliliparan. Tuloy padin ang kanilang paglalakbay kahit na papalubog na ang araw.





Nagsindi na ng lampara si Laarni sa loob ng karwahe dahil sa nag didilim na. Malamig sa labas dahil patuloy ang pag ulan ng puting nyebe. Umuusok ang kanilang mga hininga dahil sa kalamigan. Si Ishmael nama'y hinubad na mismo ang kanyang makapal na pamatong at inilagay sa balikat ng Ina. Si Sebastian ay niyakap si Laarni upang maibsan ang kalamigan ng panahon.





"Nauuhaw na ako." Sabi ni Laarni dahil hindi pa nga ito nakakainom ng dugo matapos makabalik ng Colasopia. Napatingin naman sakanya si Sebastian at itinaas nito ang mahabang sleeve mula sa pulso ng kamay.





"Drink my blood." sabi nito at itinapat mismo kay Laarni ang kanyang pulso. Napangiti naman sakanya ang dalaga at kinagat ito. Sinipsip niya ang dugo ni Sebastian na nagmumula sa pulso nito at tila naliligayahan siya sa dugong gumagapang sa kanyang lalamunan. Nakakaadik, nakakabaliw at paniguradong hahanap hanapin niya. Matapos makainom ay napadilat siya at nagbalik ang pamumula ng kanyang mga mata na nagbalik din naman sa dati nitong anyo na kulay matingkad na dilaw.





"Salamat Mahal." Sabi niya kay Sebastian matapos makainom ng dugo nito. Nginitian naman siya ng binata pagkatapos ay napatingin sa kanyang pulso kung saan may butas pa dahil sa pagkakakagat ni Laarni at ngayo'y unti-unti na itong gumagaling. Ibinaba na niya ang itim na sleeve at muling inakbayan ng yakap ang dalaga. Si Ishmael ay tahimik lamang na nakatitig sa labas mismo ng daanan kung san ay mga hamog at usok lamang dala ng nyebe ang kanyang masisilayan dahil sa lamig.





Sa kabilang karwahe ay tahimik lamang ang magkapatid na Griffin. Sina Celeste at Dastian. Matapos sindihan ni Celeste ang lampara upang magkaron ng liwanag at maupo muli sa kanyang upuan.





"Tahimik ata ang mahal kong kapatid?" Pag pansin nito sa kapatid niyang si Dastian na tahimik lamang na nakatingin sa bintana. Hindi siya inimik nito kaya napa tayo muli si Celeste at kumuha ng maiinom na red wine. Binuksan niya ang bote at sinalinan ang dalawang babasaging baso.





"Wanna have some drink?" Sabi niya at inilapit ang redwine sa kanyang kapatid na nakatanaw lamang sa kawalan. Napansin naman ng binata ito at kaagad na kinuha.




"Thanks." Pagkakuha nito. Uminom muna ng kaunti ang dalaga bago muli bumalik sa upuan dala dala ang isang baso ng redwine.





"Tell me what's the matter? Kanina kapa walang imik." Kunot noong tanong ni Celeste. Napahinga naman ng malalim si Dastian at nilagok ang wine na nasa baso niya. Tumingin ang itim na itim niyang mga mata sa kanyang kapatid na may hirap, lungkot at sakit.





"Hay Dastian wag mong sabihing hanggang ngayo-" Hindi na natapos ni Celeste ang sasabihin ng pinutol ni Dastian ang sasabihin nito.





"I know. Pero ang puso ko ayaw niyang tumigil. And it's fucking hurts me so much " Sabi ng binata.




"She's not meant for you Dastian. She's not your mate." Sabi ni Celeste.




"Pero una siyang naging akin right? I was the first before my twin." Sabi ni Dastian at inubos na nito ang laman ng baso na punong puno ng red wine.





Pagkatapos ay inilapag niya sa maliit na table ang baso at kumuha ng sigarilyo at sinindihan ito. Pagbuga nito ay may kasamang sakit na humahaplos sa kanyang mga mata na nakatitig lamang sa kabilugan ng buwan. Inabot na sila ng dilim sa daan kaya nama'y binuksan na ang mga apoy na nakasabit sa lampara sa labas mismo ng karwahe upang mag silbing liwanag ng lahat.





"Hay my dear brother." Malungkot na sabi ni Celeste. Ayaw na kasi nito ungkatin ang nakaraan. Dahil alam niyang mas masasaktan ang kanyang kapatid kapag binalik pa ang dapat ay binaon na sa limot.




Wala ng imik ang binata na si Dastian na nakatingin lang sa bintana. Biglang kumunot ang noo nito at nakaamoy. "I smell sweet scent." Wala sa sarili nitong sabi sa kanyang kapatid na si Celeste.





Natanaw ng binata ang isang nilalang na tumatakbo sa di kalayuan. Isang nilalang na alam niyang bawal tumuntong sa kanilang lugar.





Naramdaman din ni Celeste ang presensiya mismo ng nilalang na hinahabol ng mga mababangis na halimaw. Maging si Sebastian ay napatingin sa labas dahil ramdam na ramdam nito ang presensiya. Presensiya na tanging tao lamang ang pwedeng mag may ari. Ganun din si Laarni maging si Ishmael kaya napahinto ang karwahe sa paglalakbay.





"Dastian where are you going!" Saway ni Reyna Celeste sa kapatid ng bigla na lamang itong tumakbo papalabas na parang nababaliw at may gustong makita.



Ang binatang prinsipe ng mga bampira ay patuloy lamang sa mabilis na pag takbo habang hinahanap ang presensiya na yon.





"She smells sweet." Parang nauulol ang binata. Kumaba bigla ang kanyang dibdib at alam niyang papalapit na siya sa babaeng yon. Sino ba ang babaeng yon?





"I need to find her." Sabi ng binata. Bakit siya nagkakaganto sa kalagitnaan ng gabi at umuulan pa ng yelo. Napahinto siya saglit sa may puno. Ang puno kung saan siya pinana ng isang babaylan na si Jusera ang babaylan na nagpapatulog ng mga demonyong kagaya niya noong unang panahon.




Para siyang nababaliw at pinagkakalmot ang puno dahil sa nagpipigil ito ng pananabik. Sino ba ang nilalang na yon? Bakit amoy tao ito at nababaliw siya sa sariling amoy ng nilalang na yon. He groaned. Nagpipigil siya ng pananabik. Hinahanap ng kanyang mga mata ang direksyon ng tumatakbong babae na siyang hinahabol mismo ng mga lobo.


........

"Bakit tayo tumigil?" Sabi ni Hen. Heldrich Zy isang bampira ngunit walang kakayahang makadama ng presensya ng tao.





"I think Dastian found his mate." Gulat na sabi ni Celeste habang nasa baba na sila mismo ng karwahe at hinihintay kung anong aksyon ang gagawin ni Dastian sa nilalang na hinahabol mismo ng mga lobo. Mga halimaw na nakatira sa kagubatan.





Itutuloy.......



Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now