Kabanata 27. LWTB

42.7K 1.4K 80
                                    


Hinila na ako ni Ishmael habang palayo sa palasyo. Naiwan sa loob si Celeste at ang iba pang mga bampira na nakikipaglaban padin sa mga kalaban. Ito na ba yung digmaan na sinasabe ni Aling Vilma? Napukaw ang aking pagiisip ng biglang tumambad sa harapan namin si Azula.






Mapusyaw na ang kulay pulang buhok niya na tulad ng kay Celeste. Nagiba ang kanyang anyo dahil kalahating lobo na ito na parang halimaw.






"At saan kayo pupunta?" Sabi nito na may ngisi sa labi. Humarang agad si Ishmael upang itago ako. Ayaw niya akong mapahamak.






"Hmn totoo nga ang balita. Ipinanganak na nga ang sugo. Pero nakakalungkot dahil dito na magtatapos ang kwento mo!" Sabi ni Azula at naging halimaw na ito. Mabilis ang kanyang pag atake habang naka nganga ang bibig na tila uhaw sa pagkain ng may sumalag nito. Sinalag ng isang lalaking nakaitim.






Tama hindi ako pwedeng magkamali. Siya yon. Siya yung nagligtas sakin noon sa gitna ng kagubatan. Ang lalaking nasa likod mismo ng mask. Tanging mga mata lamang niya ang aking nakikita. Mga mata na kumikintab sa dilim.






Sinalag niya ito at buong lakas na binuhat ang halimaw na si Azula at nagiba ang malaking puno na pinag tapunan nito. Hingal na hingal ang lalaki. Ang lalaking nakaitim na kasuotan. Napalingon ito samin at tila napahinto ng makita ako. Makita ang aking anak na si Ishmael.






"Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na mangialam ha! Sino kang mapangahas!" Susugod muli si Azula ng biglang natanggal nito ang itim na barong ng lalaki. Nakahubad na ang lalaki sa pang itaas habang nakaitim na pantalon. Nanlaki ang aking mga mata ng makita yon. Ang mga bakas ng mga pilat. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yon. Hindi ko pwedeng makalimutan ang mga pilat na yon. Ang pilat dala ng mga kahirapang pinag daanan niya.







Galit na galit si Azula sa estranghero. Narinig kong umalunglong sa buong paligid ang ungol ni Azula na tila tumatawag pa ng kasama. Biglang sumulpot ang mga asong itim. Mababangis ito at tumutulo ang laway. Humarang si Ishmael at biglang nag tagis ang ngipin nitong galit na galit. Nanlilisik muli ang mga matang mapupula na nakatitig sa mga kalaban.






Unang sumugod ang mga asong itim at biglang naglaho si Ishmael sa sobrang bilis nito na parang hangin. Isa isang nahati ang mga katawan ng mga aso sa hangin. Ganun kabilis ang aking nasaksihan.







"Hindi maaari!" Sigaw ni Azula at siya na mismo ang sumugod kay Ishmael ng napahinto ito dahil sa estrangherong humarang at handang salagin o makipagsabayan sa kanyang pagsugod.







"Pagsisisihan mo ang pangingialam mo!" Sabi ni Azula ng mag salubong sila ng lalaki. Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni Azula ng parang isang kidlat ang naganap. Dahil sa sobrang bilis ay hindi niya namalayan ang pagdukot mismo ng puso niya.







"H-hindi maaari to." Lutay tay siya habang nakaluhod. Nilingon muli siya ng lalaki at nagtanggal na ng itim na mask. Hawak hawak ang tumitibok pa niyang puso at ngayon ay naging abo na. Labis ang aking pagkagulat kasabay ng pag agos ng aking mga luha.






Hindi nga ako nagkamali. Ang lalaking yon. Ang lalaking nagligtas sakin noon at ang lalaking nakatayo ngayon saming harapan ni Ishmael ay walang iba kundi si Sebastian.








"Sebastian." Banggit ko sakanyang pangalan. Ngunit kumunot lamang ang kanyang noo na tila pinag aaralang mabuti ang aking itsura. Humarang bigla si Ishmael ng malamang ito ang kanyang ama. Ang kinamumuhian niyang ama.







Living with the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon