Kabanata 35. LWTB

36.2K 1K 45
                                    

Dastian grab my wrist. Mabilis kaming tumakbo sa madilim na daanan at punong-puno ito ng usok. Nakakita ako ng itim na usok na lumilipad sa ere at hindi ko alam kung saan ito papunta.





Kaagad niya akong isinakay sa kanyang kabayo at mabilis itong pinatakbo. Nakapikit ako ng magsimulang umulan ng malakas na yelo. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng masaksihang unti-unting nagbabago ang direksyon ng daan.







"I don't know." Sabi nito na may pagaalala sa kanyang mga mata ngunit seryoso padin. Napahawak naman ako saking sarili, buhay paba si Samantha? Nakarinig ako ng pag tawa sa kalangitan at alam kong sakanya ito galing.







"Heyaaa!" Pagmamadali ni Dastian. Alam niyang tila sinusundan kami ng mangkukulam. Umitim ang buong kalangitan at mas lumakas pa ang pag ulan ng nyebe. Nasa pusod na kami mismo ng kagubatan palabas sa karagatan na matigas na dahil sa tindi ng lamig. Bigla namang nagwala ang kanyang kabayo at nahulog kami parehas ngunit kaagad niya akong nasalo at naprotektahan ang aking katawan sa pag salpok sa lupa.






Nakasiksik ang aking mukha sakanyang dibdib ng mga oras na yon. Kaagad naman akong bumangon at ganon din siya. Tila naliligaw na talaga kami dahil ang mga puno'y nag sasayawan na at nag iiba ng pwesto. Inililigaw kami ni Samantha at sigurado ako.







"Akala niyo ba'y matatakasan niyo ako? Nagkakamali kayo!" Sabi nito at humalakhak ng tawa. Bigla namang may nag sulputan na malalaking aso. Aso na di pang karaniwan dahil katulad din sila ng mga asong sumugod sakin noon. Mga malalaking itim na lobo.







Galit na galit ang nga mababangis na ito at tumutulo pa ang mga laway habang nanlilisik ang mga mata. "Close your eyes." Sabi sakin ni Dastian at ipinikit ko nga ang aking mga mata. Isa isa kong narinig ang pag iyak ng mga lobo habang rinig ang malakas na pagkapunit ng kanilang laman. Alam kong isa isa itong pinapatay ni Dastian. Ng tumahimik ay binuksan ko na ang aking mga mata. Naging abo na ang mga lobong susugod dapat samin. Duguan ang mga itim na kuko ni Dastian at umuusok ang mga dugo na naroon.









"Aaaaaaaack!" Pagsisisigaw ni Samantha sa hangin. Tila alam niyang namatay ang lahat ng kanyang nilikha. Bigla namang yumanig ang buong lupa at nahati ito sa gitna.








"Run!" Sigaw ni Dastian at hinila ako. Masyado siyang mabilis at naiiwan ako. Kaya huminto ito para buhatin ako at mabilis na tumakbo papalabas ng kagubatan. Ibinaba niya ako sa matigas na yelo ng karagatan. Napahingal ako dahil sa mga pangyayare. Namamalat at nag susugat na ang aking mga labi dala ng sobrang lamig ng nyebe. Bigla bigla namang nahati sa gitna ang karagatan at nilamon ako ng tubig.







"Alira!" Sigaw nito sa kin. Nagulat ako kung bakit yun ang kanyang isinigaw ngunit tuluyan na akong kinain ng malaking alon.







..........

Nagmulat ako ng maramdaman ang tubig na tumutulo saking mukha. Nasa isa akong liblib na kweba at napapaligiran ito ng mga malalaking bato. Bawat pagpatak ng tubig ay yumayanig ang echo sa buong kweba. Ang sakit sakit ng aking katawan ng ako'y tumayo. Bigla na lamang nanghina ang aking dalawang tuhod at nadapa ako.






Laking gulat ko ng hindi ko gaano maigalaw ang aking mga paa ng may marinig akong umaawit. Buong lakas kong sinubukang igalaw ang aking paa na tingin ko'y na ngalay sa tagal ng aking pagkatulog. Ang ganda ganda ng tinig na naririnig ko. Isang awit na humahaplos saking puso. Pero parang pamilyar sakin ang boses na ito.







Nakalabas na ako ng kweba at natanaw ko ang mala-paraisong isla na ito. Naglakad lakad ako at sinusundan ko ang pamilyar na tinig na yon. Alam ko yon, alam na alam ko ang boses na yon.







Saking paglalakad ay nanlaki ang aking mga mata ng masilayan ko si Sebastian. Sebastian? Siya nga! Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan niya. Ipinagtatagpo padin kami ng tadhana. Malaking ngiti ko saking sarili.







Wala akong sinayang na oras at kaagad ko siyang niyakap ng ako'y makapunta sa kinauupuan niya. Ang magandang boses ay nawala na siyang nang-gagaling sa isang sirena. Sirena? May mga nabubuhay pa palang ganon sa panahong to.







Nagulat ako ng tanggalin ni Sebastian ang aking mga kamay na nakapulupot sa kanyang batok. Ang ngiti ko'y napalitan ng pagtatanong.







"Sino ka?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ano? Hindi nanaman ba niya ako naaalala?






Ngumuti ako dahil baka binibiro lang niya ako. "Ak-" napahinto ako.






"Ak-" Anong nangyayare?







Sinubukan ko muling magsalita.







"Akkkk-" Oh diyos ko ang boses ko?







Kumunot ang noo sakin ni Sebastian. Ang kanyang malalamig na titig ay siyang humaplos ng hapdi saking puso. Pero sandali. Hindi ako makapag salita. Asan ang boses ko? Hindi ko alam kung bakit hirap ako at walang lumalabas sa boses ko.







Sebastian ako ito si Laarni! Gusto kong isigaw. Gusto kong isigaw ng malakas ng mapukaw ang aking pagiisip.







"Mahal ko." Sabi ng isang Sirena na unti unting nagiging mga binti ang buntot. At mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng makita kong ako ito. Papaanong nangyare yon. Inalalayan ako ni Sebastian sa aking pagkakaupo. Ang babae na aking kawangis ay may masamang pag titig sakin.







"Mahal ko sino siya?" Tanong nito ng nakalakad na dahil sa kompleto na ang mga paa nito.






"I-I don't know?" Sabi ni Sebastian na siyang bumasag sa mundo ko. Naupo sa kanyang hita ang babae at ikinawit nito ang dalawang kamay sa batok ni Sebastian at hinalikan ito. Papaanong siya'y naging ako? Alira? Siya ba si Alira? Magulo na ang isip ko. Hindi ko na mapigilan ang aking nadarama dahil sa naririnig ko ang tunog ng malalim nilang halikan.






Hindi ko mapigilan at kaagad kong sinabunutan ang babaeng kamukha ko.






"Ahhhhhh! Nasasaktan ako!" Sabi nito ng hawak hawak ko na ang napakahaba niyang buhok.







"Anong ginagawa mo!" Galit na sabi ni Sebastian at bumaon ang kanyang matulis na kuko saking mga braso at walang awa akong inihagis malapit sa tubig. Mabuti na lamang at buhangin ang sumalo sa katawang tao ko. Kaagad akong napatingin sa tubig at nagulat ako saking nakita.







Isang panget. Isang nakakatakot na nilalang ang nakikita ko sa repleksyon ko mismo sa tubig. Hawak hawak ko ang kulubot at gutay gutay kong mukha. Humihikbi ako ng labis. Anong nangyare? Anong nangyare sakin?







Rinig ko ang pagpapatahan ni Sebastian sa babaeng aking kamukha. Maging ang boses ko'y kaparehong kapareho nito.






"Shhh Damara." Sabi ni Sebastian at hinahaplos ang kanyang kulay kalawang na buhok. Ang pag iyak ng babaeng yon na nag-ngangalang Damara ay unti-unting napalitan ng pag tawa. Tahimik na pag tawa at dumako sakin ang kanyang nanlilisik na mga mata.







May hindi tama. May hindi tama sa mga nangyayare. Nakita ko ang mga mata ni Sebastian na wala ng emosyon at patay ang kanyang diwa. Sebastian anong nangyare sayo? Anong nangyayare sayo?







Wala akong laban ng mga oras na yon. Hindi ko alam kung anong sumpa ba o anong spell ang bumabalot ngayon samin.







Kaagad na hinawakan ni Damara ang mukha ni Sebastian at walang sawa niya itong hinalikan sa mga labi. Iyak lamang ako ng iyak. Hindi ko yata kaya ang aking nakikita. Alam kong may mali. Hindi tama ang mga nakikita ko. Diyos ko gisingin niyo na ako sa mapagparusang bangungot na ito.








Itutuloy.......





Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now