Kabanata 15. LWTB

65K 1.9K 98
                                    


Laarni:


"Alira."




"Hindi ako si Alira."




Takwil ko sa lalaking hindi ko mamukaan dahil sa labis na kadiliman. Napalingon ako sa buong kapaligiran. Tila nasa palasyo ako.



Hinawi nito bigla ang aking bewang at marahang isinayaw. Hindi ko makita ang kanyang mukha ng biglang magkaliwanag. Malabo ito ngunit mababakas ang kakisigan ng kanyang katawan.





Natuon ang aking atensiyon sa repleksyon ko na nagmumula sa salamin. Kulay ginto ang aking buhok at kulay pula naman ang aking mata. Hindi iyon ang totoong kulay ng mga ito dahil itim ang buhok ko at kulay dilaw naman ang aking mga mata.




Natuon ang aking atensiyon dito at dahan dahang lumapit sa malaking salamin. Kaagad namang sumunod ang lalaki sakin at naramdaman kong niyakap niya ako. Hindi ko naman makita ang kanyang repleksiyon mismo sa napakalaking salamin.






Tinitigan ko lamang ang aking itsura. Napatulala ako dito. Kakaiba ang aking pagkatao. Hindi ako si Laarni sa aking nakikita. Kaagad ay nawala ang aking atensiyon dito ng makaramdam ako ng pagbaon ng matatalas na pangil mismo sa leeg ko.




Dumaloy ang malapot at mainit kong dugo. Napahawak ako sa salamin at sa aking leeg. Nakatayo na ang lalaki sa harapan ko at walang ginagawa. Hindi ito gumagalaw tanging nakatitig lamang sakin gayun pa man ay malabo parin ang kanyang mukha.





"T-tulong." Nanghihina na ang aking mga tuhod. Napaluhod ako habang nag aagusan naman na kay bilis ang aking mainit na dugo sa kumikintab na sahig.






"Alira." Huling beses kong narinig ang pamilyar niyang boses ng ako ay mawalan na ng malay.


....

Hapong hapo akong bumangon mula sa aking pagkakatulog. Tila binangungot ako. Kaagad akong napahawak sa aking leeg at nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng maayos ang aking kalagayan.




Napahawak ako sa aking tiyan at muling nakaramdam ng sakit sa loob nito. Nagiinit naman iyon na parang may nagbabagang apoy mismo sa loob. Itinaas ko agad ang daster kong suot at tinignan ang aking tiyan. Ganon parin naman ito kalaki at walang pinagbago.




Hinawakan ko ito at para akong mapapaso sa sobrang init. Lumalabas ang pawis ko at tumatagaktak na ito. Napahinga ako ng malalim makailang ulit upang ako ay kumalma. Hindi ko pa naman kabuwanan at alam kong hindi pa ako manganganak.




Sinikap kong tumayo at lumabas ng aking silid. Hapong hapo ako at kailangan ko ng tubig dahil nakakapanghina na. Kaagad akong kumuha ng isang basong tubig at ininom ito.




Napaupo ako sa malaking sofa at hinawakan ang aking tiyan. "Anak kapit lang. Alam kong mahirap pero kakayanin ko para sayo." Kinakausap ko ito ng biglang mawala ang pananakit at ang init.





Hawak hawak ko ang baso ng bigla ko itong mabasag sa labis na pagkagulat.





"Diyos ko po." Hawak hawak ko ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata dahil sa isang pamilyar ng rebulto ng tao mismo sa aking harapan.




Tanging ilaw lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag kaya natatakpan ito ng kaunting dilim. Dahan dahan naman itong lumapit sakin at ako nama'y napatayo.




Uminit namang muli ang aking tiyan na tila ba parang nagkokonektado sakanilang dalawa.





Ng makalapit ay kaagad akong niyakap nito. Ginantihan ko din ng yakap ang lalaking pinakamamahal ko si Sebastian. Labis ang aking pagkagulat dahil sinundan niya ako at ngayon ay kayakap ko na ito. Isiniksik pa niya ang kanyang mukha sa leeg ko at inamoy ako. Pati hibla ng aking buhok ay kanyang inamoy na tila naniniguradong ako nga si Laarni.







"I'm sorry." Paos ang boses nitong humingi ng tawad sakin. Hindi ko alam kung para saan yon pero ramdam kong sobra ang kanyang pangungulila sakin. Humigpit pa lalo ang aming pagyayakapan sa isa't-isa na tila ilang daang taong hindi nagkita.






"I love you Laarni." Sabi nito ng magtapat ang aming mga mukha. Ramdam ko namamg totoo iyon dahil muling tumingkad ang kanyang silver na mga mata.






"Mahal din kita Sebastian." Sabi ko at muli niyang sinakop ang mga labi ko ng mapupusok nitong mga halik. Hindi na ako nagmatigas dahil siya lang naman ang palagi kong hinahanap hanap.





Dumako ang kanyang mga halik sa aking mukha papunta sa leeg ko at napatigil ito ng mahawakan niya ang aking tiyan. Napaluhod siya mula sa kanyang pagkakatayo at hinawakan ang tiyan ko. Tila ba excited ito na hindi mo alam dahil sa kauna unahang beses pa lamang niyang magkakaroon ng isang supling.






Napatingin siya sakin at bakas sa mga mata ang kaligayahan nito. Hinalikan niya ang aking tiyan na bigla na lamang mas uminit pa ng husto ang loob nito.





Sa tingin ko'y mag dudugtong sa mag ama kaya ganon na lamang ang pakiramdam ko. Hinawakan ko ang aking tiyan at naalala ang sinabi ni Aling Vilma. Dahil dun ay mas kailangan kong pagkaingatan ito dahil ito palang ang kauna-unahang magiging half blood.





Tumayo muli si Sebastian at nakangiti akong sinalubong ng matatamis na halik. Para bang isang ama na humihingi ng paglalambing. Binuhat ako nito at dumiretso sa silid ko. Inihiga niya ako ng marahan sa kama at tumaba siya.







"Mahal na mahal kita Laarni. Salamat dahil ikaw lang ang babaeng pinasaya ako ng ganto." Nang gilid ang aking mga luha dahil sa kauna unahang pagkakataon ay ibang ibang Sebastian ang nasa harapan ko.





Buong akala ko'y pinabayaan na niya ako ngunit nagkamali ako. Alam kong may dahilan ito at handa akong makinig dito. Mas lalong umusbong ang aming pagmamahalan at ramdam kong tumibay ang pulang guhit na nagkokonekta saming dalawa sa pangalawang pagkakataon.






Inihiga ko ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib at masaya kong ipinikit ang aking mga mata habang nilalaro naman niya ang aking buhok. Nakakantok iyon kaya kaagad akong dinalaw ng antok.






Wala na sigurong mas sasaya pa sakin dahil pakiramdam ko'y kompleto na kami. Napahawak ako saking tiyan na naging normal na at kumalma na dahil nawala na ang pagkainit nito.






Napaisip ako dahil madalas uminit ang aking tiyan. Hindi kaya palagi lamang nasa tabi si Sebastian at nagmamasid sakin? Napangiti ako dahil alam ko na kung bakit napapadalas ang pag init nito. Iyon ay dahil nasa paligid lamang ang kanyang ama.








Itutuloy....


Hi guys please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now