Kabanata 37. LWTB

38.6K 1.2K 90
                                    

Hi. Uulitin ko ang part na to kasi di ako satisfied for this chapter. Sorry guys lutang ata ako kasi medyo magulo nga ang part na to kaya eto ieedit kong muli. May babawasan at dadagdagan ako salamat!

......

Laarni:

Nawala ang aking boses, at narito padin ako ngayon habang pinagmamasdan ang aking mahal na masaya sa impostorang si Damara. Gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. Gusto kong magwala pero hinang-hina na ang katawang lupa ko. Pagod na pagod na ako. Kelan ba matatapos ang paghihirap kong ito?





Napukaw ko ang atensiyon ngayon ni Damara at kaagad siyang kumalas sa pakikipag halikan kay Sebastian para ako'y lapitan. Kumunot ang noo nito na kita kong may matinding galit sakin at matinding pagnanasa kay Sebastian. Isa nga lang ba siya sa mga alagad ni Luna? Isa nga lang ba siyang parte ng itim na salamangkang bumabalot samin ngayon? Hindi ko alam. Wala akong alam.





"Sinong nag bigay ng pahintulot sayong tumapak sa mundong to? Ang katulad mong isang tao at isang mababang uri ng nilalang ay hindi nararapat dito!" Sabi sakin ni Damara at hinila mismo ang aking braso para ako'y maglakad.






Malakas ito. Halos maputol ang braso ko sa kanyang pag hila sakin. Ilang sandali lamang ay huminto ito mismo sa tapat ng isang napakalaking puno. Isang puno na alam mong matanda na at wala ng bunga o dahon.






"Mahal ko. Itali ang bihag na to." Utos niya mismo kay Sebastian na kaagad namang sumunod at kumuha na ng lubid. Tumingin ako sa mga mata niyang walang buhay. Alam kong nakulong siya mismo sa itim na salamangka ni Luna. Pinilit kong mailapit ang ulo ko sakanya ngunit pagod na pagod na ang aking katawan ngayon dala ng maraming sugat at pasa na bigla na lamang nag balik.





"Diyan ka nababagay! Diyan sa punong yan!" Sabi nito sakin at halos tumingkayad na ang aking mga talampakan sa taas ng pagtali sakin ni Sebastian. Nakatingin lang ako sakanya. Hindi ko inalintana ang presensiya ni Damara. Kay Sebastian ako nag tuon ng atensiyon. Please Sebastian mahal ko tignan mo ako. Alalahanin mo ako. Ako na si Laarni ang tunay mong mahal. Sabi ko sa isipan ko lamang.





Napawi ang aking pag tingin sakanya ng bigla akong makatanggap ng malakas na sampal na namula kay Damara. Pumutok ang aking dugo at nagdurugo ang aking ilong.





"Hangal! Sinong may sabi sayong pwede mong titigan ang pagmamay-ari ko?" Sabi nito na si Sebastian ang tinutukoy. Sa sobrang galit ko ay napangisi ako dito. Pagmamay-ari? Tama ba ang dinig kong pagmamay-ari niya ang lalaking nasa loob lamang ng isang maitim na sumpa? Hibang na siya. Hibang na ang nilalang na to.





"Wag mo akong ngitian!" Sabi nito at sinipa ako saking tiyan. Ilang sampal at sabunot pa ang aking natanggap. Ilang mga suntok at kalmot. Ilang pag bagok ng aking ulo sa matigas na parte ng puno. Ang puno kung saan ako mismo nakatali.






"Pagkatitigan mo ang punony yan!" Sabi nito at hinawakan ako saking mukha at itinuon ang aking paningin sa punong nasa likuran ko.






"Alalahanin mo ng pagtaksilan mo ang lalaking nakatarak mismo sa punong yan!" Sabi nito. Naguluhan ako. Hindi ko alam ang kanyang tinutukoy? Sinong lalaki? Sinong lalaki ang sinasabi nito.






"Si Alira o Laarni ka man hindi na mababago ang kawalanghiyaan mong ginawa noon kaya nararapat lang sayong bawian ng buhay jan mismo sa punong yan!" Sabi nito. Mas lalo lang akong naguluhan.





Kumalas na siya sa pagkakahawak sakin at tinawag si Sebastian.





Kaagad namang lumapit sakanya si Sebastian na wala sa tamang katinuan. Kaagad niya itong hinalikan sa mga labi. Napapikit naman ako habang nagsisimula nanaman silang angkinin ang mga labi ng bawat isa.






Living with the Beast ✔Where stories live. Discover now