Kabanata 40. LWTB

35.7K 1K 61
                                    

Kasabay ng pagulan ng nyebe at malamig na panahon ang bilis ni Dastian sa kanyang pag takbo. Hindi niya maipaliwag ang nadarama para sa nilalang na nagpapa baliw sa katinuan nito.





He's craving for her sweet scent. Her sweet blood. Kumakapal na ang mga yelo sa lupa ngunit hindi niya iyon alintana. Lumingon lingon ang binata sa pagkasabik mismo sa nilalang na hinahanap hanap niya.







"Eclipse?" Gulat na sabi ni Celeste. "Papaanong magkakaroon ng eclipse? Kitang kita ko ang pag lubog ng araw." Sabi nito. Bahagyang napaisip ang mga maharlikang bampira. Si Sebastian ay kinutuban at nakadama ng mga matang nagmamasid sakanila.







"I smell intruders." Sabi ng binata at nag umpisa ng lumabas ang mga matutulis na pangil. Si Celeste ay nakadama din ng presensiya na hindi maipaliwanag. Malakas ito. Malakas na malakas. Iniharang ni Sebastian ang sarili kay Laarni habang nag mamasidmasid sa kagubatan.







Bigla na lamang bumagsak sa lupa si Ishmael na ikinagulat ng lahat.
"Ishnael!" sigaw ni Laarni na agad na nagtungo sa anak.







"I feel weak." Sabi ng binata. Kinutuban lalo si Celeste dahil sa panghihina ni Ishmael. Ang dalawang Heneral ay nakahanda na sa harapan ng karwahe at nag aabang kung meroong aatake sakanila.







"Anak anong nangyayare sayo?" Nagsimulang mangamba si Laarni sa pagbabago ng anyo ni Ishmael. Ang kanang mata'y kulay silver na tulad ng kay Sebastian ngunit ang kabilang mata nama'y kulay dilaw na namana nito sakanya. Ibig sabihi'y kalahating tao at bampira ang binata ngayon.







"The eclipse." Sabi ni Celeste. Nagmumula kasi ang lakas ni Ishmael sa buwan twing gabi at nagiging tao ito sa umaga kaya nama'y ganoon na lamang ang epekto sakanya ng eclipse. He's a half blooded. Hindi siya pure blood kaya malaki ang epekto sa kanyang katawan. Inalalayan siyang tumayo ng kanyang ama na si Sebastian at inupo saglit sa loob ng karwahe.







"Mas makakabuti kung magpapahinga ka muna." Sabi ni Sebastian. Hindi na muli pang umimik si Ishmael na nakaramdam ng pagkahilo. Lumabas muli si Sebastian ng karwahe at pinagmasdan ang eclipse. Ang kulay asul at mapayapang kalangitan dala ng mga bituwin ay unti unting napalitan ng kulay dugo.







"What's happening?" Tanong nito. Gulat sila sa pagsaksi ng kulay pulang kalangitan habang nagaganap padin ang eclipse. Ang pag ulan ng nyebe ay naging kulay dugo. Umuulan ng yelo na kulay dugo.







"A war?" Wala sa sariling sabi ni Celeste. Sinisimbulo ito ng digmaan. Napaatras ang dalawang Heneral ng may madinig na kaluskos sa gawing harapan nila. Ang mga itim na uwak maging ang mga paniki ay nagliparan sa malayong lugar na tila may panganib na magaganap.







Hinawakan ni Laarni ang kamay ni Sebastian. Mahigpit ito na tila bang sinasabi na maghanda sa papalapit na digmaan. Ito na ba ang sinasabi ng propesiya? Naguguluhan maging ang dalaga.







Bigla na lamang nag sisigaw ang dalawang kawal sa kanilang likod at sa taranta ng dalawang kabayo nito'y nagtakbuhan na.
Napalingon sila ng biglang dumapo ang mga abo nito sa kanilang balat dala ng malakas na hangin. Abo? Tuluyang namatay ang dalawang kawal na bampira at pulbos na ito ngayon ng abo.







Nanlisik na ang mga mata ni Sebastian. Ang dalawang Heneral ay nagsitaasan na ang mga kuko. Si Celeste ay lumabas na ang pangil na hudyat ng paghahanda. Si Laarni ay naging kulay pula na ang mga mata. Ito ang unang beses na gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan na makuha ng magsalo ang dugo niya at ang laway ni Sebastian.







Living with the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon