Chapter 1

19.8K 106 62
                                    

Nagmamadaling bumaba ng sasakyan si Asher. Late na siya sa rehearsal ng nakababatang kapatid na si Sam. Nakiusap ito na siya ang magchoreograph ng dance number nito ASAP. Birthday celebration nito sa ASAP this Sunday.

Tumatakbo ito at dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang kasalubong nang lumiko sa corner ng hallway. Napasigaw ito ng maramdaman ang init ng kapeng tumapon sa dibdib nito.

"What the hell!?"

Hinde malaman ni Asher kung paano hihingi ng paumanhin.

"I am sorry, did not see you."

Dahil na rin siguro sa nagmamadali rin si Gerald ay hindi na lang niya pinansin ang nakatapon ng kape sa kanya. Late na siya sa rehearsal. Pinipigil niya ang inis pero nahalata ni Asher ito the way na itinaas ang kamay nito na parang sinasabihang just stay out of my way.

Parang na off si Asher sa ginawa ni Gerald. Naisip nito na suplado, pogi pa naman. Nagtanong siya kung saan ang rehearsal para mapabilis siya. Pagdating niya sa studio kung saan ang rehearsal ay humihingal na siya.

"Where have you been? We've been waiting for ages, " nag-aalalang tanong ni Sam.

"I am sorry Sam. Aside from traffic being too slow, I bumped into someone and spilled coffee all over him."

"Is that the reason why your jacket looks like it needs to be washed?"

Sa pagmamadali ay hindi napansin ni Asher na natapunan din siya ng kape. "Geez, my favorite jacket! I hope this can be washed."

Lumapit si teacher Georcelle sa kanila. "Hi Asher, thank you for doing this.” Bumeso si Asher dito at nagsorry for being late. Georcelle explains to Asher what she wants her to do. Nakikinig lang si Asher habang inaalis ang jacket. Hindi niya napapansin na may mga matang nakatingin sa kanya. Namukhaan siya ni Gerald Anderson dahil sa suot niyang jacket.

Ipinakilala ni Sam sa ate niya ang mga kapwa niya bagets na kasama sa production number. Nakipagbiruan si Asher sa mga ito. Sinabi niya kung anong gagawin. Isang Michael Jackson medley ang gagawin nila. Binalikan naman ni Teacher Georcelle ang grupo nina Gerald at Enchong.

"May bago ka yatang dancer Teacher Georcelle," sabay halos na tanong nina Gerald at Enchong.

"Hinde siya bagong dancer, nakiusap lang ako na kung pwedeng siya na bahala sa number ni Sam sa Sunday. She is Sam's sister. Her name is Asher. "

"Siya ang dahilan kung bakit lalo akong na late eh, binuhusan ako ng mainit na kape. " reklamo ni Gerald kay Teacher Georcelle.

"Aksidente naman yata, kaya alisin mo na yang sour face mo, nawawala ang kagwapuhan mo."

Habang hinihintay nila Gerald at Enchong ang turn nila ay napapatingin sila sa masayang pag-eensayo nina Sam Concepcion at ng grupo nito. Aliw na aliw ang mga bagets sa pag tuturo ng ate ni Sam.

"Pwede ding artista ate ni Sam ‘no? Sexy at ang galing sumayaw mukhang masayahin pa."

Hinde kumibo si Gerald. Nakakaaliw nga siyang panoorin pero ayaw niya sa babaeng clumsy at parang easy-easy lang ang buhay. Sa nakikita niya mukhang happy-go-lucky lang ito pero agree siya na magaling ngang sumayaw.

"Hmmm... mukhang interesado ka sa ate ni Sam ah," tukso ni Enchong dahil nakikita niyang napapadalas ang tanaw ng kaibigan sa banda nina Sam Concepcion.

"Tigilan mo nga ko bro! Paanong hindi ka mapapatanaw doon eh ang ingay ng babaeng yun, wala nang ginawa kundi tumawa," inis kunwaring sabi ni Gerald.

"Kunwari ka pa, wala namang nakakainis sa tawa niya. Ang cute nga at hindi siya maingay ‘no. Ni hnde mo nga naririnig yung tawa niya eh, nakikita mo lang. Style mo bro, aminin mo na na-iintriga ka sa kanya."

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon