Chapter 18

10.8K 98 66
                                    

" Kabilis naman ng honeymoon na yan!" Bati sa kanila ni Enchong." Kala ko pa naman for once ako ang magiging bida sa game na to. Ready na talagang ako maging team captain and coach eh." Bumeso ito kay Asher.

Tinapik siya sa balikat ni Gerald. " Ayaw pang pumayag, kung ako lang masusunod, buwan bago kami bumalik." pabiro namang buwelta ni Gerald sa tukso ng kaibigan.

Habang nakikipagbiruan si Gerald sa mga kaibigan ay bumeso din sina Fred at Ken kay Asher, lumapit dn si Enrique at bumeso.

Nagpaalam si Gerald kay Asher na magpapalit muna siya. Tumango lang si Asher at tuloy ang pakikipag usap kay Ken.

Hinanap ng mga mata ni Gerald si Asher pagkatapos nitong magpalit. Napansin ni Fred na mukhang nag aalala ito.

" Anduon na , kasama ni Ken. Yang mukha mo parang akala mo laging nawawala si Asher . Sana this time hinde ka maagawan ng bola, kakatingin sa girlfriend mo." paalala ni Fred.

" Pina alala mo talaga kapalpakan ko no?"

" Dapat mas galingan mo pag nanonood siya , " sagot ni Fred.

"Yun naman gusto ko kaso mo minsan na di distract talaga ako pag nakikita ko siya."

" Sabagay, hinde kita masisisi. Siguro nga kahit ako, sayang nga una mo siyang nakilala." may panghihinayang na panunukso ni Fred sa bestfriend.

" Huwag kang magbiro ng ganyan Bro, hinde ka na makakalapit sa kanya from now on. Wala ng beso beso."

" In love ka na nga! You were never this protective to any of your girls before. Kahit biro lang , affected ka. Look at you , namumula na naman ang tenga mo. "

Bumuntong hininga si Gerald. Tutuo ang sinabi ng kaibigan , Hinde niya ini expect ang tinde ng emosyon niya pagdating kay Asher. Kung pwede lang , ayaw na niyang mawala sa paningin ang dalaga. Naisip niya kung ano mangyayari sa kanya once na bumalik na ito sa New York.

"Bro , kung ganyan ka affected sa kanya , paano na pag bumalik na yan sa New York? Di ba nandito lang siya for few months? "

"Yun na nga Bro , sinabi niya kanina na baka 3 weeks na lang siya dito at babalik na siya, hinihintay na lang niya matapos ang project niya sa Cancer Warrior. Siyanga pala , may practice tayo sa Saturday night ha. Will let you know kung saan."

" Oo ba, lapit na pala. Mukhang big game to. Pati mga fans mo all support sa events na to. Ang sisipag mag promote on line. Pati mga fans ng mga kaibigan mo , iniimbita kaya naman sigurado ako mapupuno ang venue. Out na ba mga tickets?"

" Oo, out na. Promote ka din sa mga accounts mo on line ha , please."

" Oo naman Bro, basta para sa lady love mo." Nakita ni Fred ang wagas ng ngiti ng kaibigan ng marinig ang salitang lady love. Naiiling na lang ito. Hinde niya alam kung maiinggit ito sa nakikitang saya at inspiradong aura ng kaibigan o mako kornihan. Nangiti ito sa sarili si Fred, ngayon lang talaga naging cheesy ang kaibigan.

Paglabas nila , medyo marami na ring pinapasok na manonood. Pagkakita nila kay Gerald ay malakas na sigawan at palakpak ang maririnig. Nilapitan muna ni Gerald sina Asher na lalong nagpalakas ng sigawan. May mga nag cha chant ng Ashrald. Lalong gumanda ang ngiti ni Gerald at hinanap kung saang banda nanggagaling ang chant. Kinawayan niya ang mga ito.

" See Baby Girl, pati ikaw may mga fans na. Dumarami pa sila. Kahit dito may mga ashralds at tinuro nito ang isang grupo. "

Sinundan ng tingin ni Asher ang itinuro ni Gerald. Napangiti ito at kumaway sa grupo. Sigawan ang mga ito at itinaas ang banner nila.

" At talagang may banner pa sila, " natatawang sabi ni Asher kay Gerald. " Mukhang bagong grupo naman yan, hinde yan yung kina Ate Zen at Ate Ann? " tanong ni Asher kay Gerald.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon