Chapter 16

9.2K 98 31
                                    

Nag umpisang dumating mga guests ni Asher mga bandang 8 pm. Gaya ng napag usapan nila isang simpleng barbecue and swimming party lang . Malalapit na kaibigan lang ng magkapatid ang invited, Nag hire si Sam ng catering service for foods and drinks and staff na rin to serve guests. May mga chairs and tables decorated around the pool area. Dumating mga invited na kaibigan ni Asher at Sam. As promised dumating din kapatid at mga kaibigan ni Gerald na tumulong sa lunch party. Masaya ang lahat at nag eenjoy sa party . Mga bandang 10 ng sabihen ni Kuya Don na nanduon si Ray. Gusto lang daw siyang batiin ng personal . Hinanap ng mga mata ni Asher si Gerald . Nasa pool ito at masayang nakikipag biruan kina Dondon at Kris. Nag decide si Asher na kausapin si Ray on her own kahit medyo nag aalangan siya. Nagulat si Asher ng makita si Ray. Mukha itong nakainom at ng makita nito si Asher ay bigla siyang niyakap nito.

"I miss you so much Asher. Please patawarin mo na ako at hinalikan nito si Asher na nabigla. Pilit na kumakalas si Asher pero hinde siya makawala sa mahigpit na pagkakayakap sa kanya ni Ray.

Pilit pa rin siyang hinahalikan ni Ray pero nagpupumiglas ito. "Let me go Ray, nagpipigil ang boses ni Asher. Ayaw niya ng gulo. Ayaw niyang malaman ng mga bisita nila ang ginagawa ni Ray dahil alam na alam niya ang mangyayari pag nalaman nila ang kabastusang ginagawa ni Ray sa kanya.

"Alam ko mahal mo pa rin ako, kilalang kilala kita, kaya please tigilan na natin ang pagkukunwari na we are over. We both know pretty well na we still love each other. "

" You are wrong, we were over the moment you dumped me for that woman. Whatever happened between us was over so please let me go. "

" I am not going to let you go , hanggang hinde mo inaamin na mahal mo pa rin ako. Pinipilit pa rin nitong halikan ang dalaga pero nagagawang iiwas ni Asher ang mukha nito kay Ray. Hinde naman mabitiwan ni Ray ang pagkakahawak nito sa mga kamay ni Asher habang yapos yapos niya ito.

Naramdaman na lang niyang may humila sa kanya palayo kay Asher at dahil na rin siguro sa kalasingan ay napasadsad ito sa ground. Susuntukin sana ni Gerald si Ray pero napigilan siya ni Asher.

" Hayaan mo na siya. Nakainom kaya siguro wala sa sarili." Yumakap si Asher kay Gerald para mapigilan niya ang binatang halatang galit na galit.

Susugod sana si Ray kay Gerald pero natigilan siya ng mapunang hinde lang si Gerald ang nanduon. Napapaligiran siya ng malalapit na kaibigan ni Asher. Wrong move at para siyang nag suicide. Kita sa mga expression ninan Dondon, Kris, Japoy, Sam M , Matteo, at Sam C na papatulan siya ng mga ito . Hinde din maganda ang tinging binibigay sa kanya ng mga babaeng bisita ni Asher.

Yuko ang ulong umalis si Ray.

" Kuya Don, pakitingnan nga kung may driver siya. Kung wala , bahala ka na sa kanya pero huwag mong hayaang mag drive. Baka may mangyari diyan kunsensya pa natin. " Pakiusap ni Sarah sa katiwala at driver nila.

Umu oo naman si Kuya Don at sinundan si Ray.

" You ok? Nasaktan ka ba? " Nanginginig pa rin ang katawan ni Gerald sa tinde ng emosyong nararamdaman ng makitang yakap yakap ni Ray si Asher at pinipilit na halikan.

" Oo, ok na ako. Hinde ko naman sukat akalain na nakainom siya. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong yakapin at halikan. "

" Bakit mo naman kasi hinarap na mag isa. Bakit Di mo ako tinawag, Di nga ba kaya ako nandito para hinde ka niya guluhin?"

" Nasa pool ka kanina kaya hinde na kita tinawag. Hinde ko naman akalain na maglalakas loob yun ng ganoon saka hinde ko naman alam na nakainom siya."

" Ok everybody , let's continue our fun , now that we know , the intruder has left. Let's party till we dropped." narinig nilang sinabi ni Sam.

Yun naman ang cue ng mga guests para iwanan ang dalawa. Nagsibalikan na sila sa may pool . Sam encouraged them to eat more but drink less.

Sana Ikaw Na NgaWhere stories live. Discover now