Chapter 39

7.5K 93 48
                                    

Nauna si Gerald sa meeting place nila ng mga players. Nag warm up muna ito sa court habang hinihintay ang mga kasamahan. Maya maya pa ay tinawag siya ni Jalal dahil may tumatawag sa telepono niya. Nagbilin ito sa kaibigan na bantayan ang phone at baka tumawag sa kanya si Asher.

"Hi, babe. Sorry kung nakaistorbo ako ha. Nagstart na ba ang game nyo?" bati ni Asher.

"Hello, baby girl! Hindi ka naman istorbo, I will drop anything basta ikaw ang tumawag. Hindi pa naman kami nagsisimula, we're still waiting for Sam and Matt. How are you my princess?" malambing na tanong ni Gerald.

"Kakabalik ko lang from the restaurant, I just need to make a few calls for the charity game then aasikasuhin ko na yung beach trip natin. What time ka nga pala dadating? I need to make sure may boat transfer pagdating mo. Gusto mo ba sunduin kita sa airport? Or sa dock na lang tayo magkita?" tanong ni Asher.

"Kasama ko pala si Ali at Jalal, we will take the red eye flight para mas marami tayo time sa beach, will reach Cebu around 5am. If it's too early for you, we can rent a private van papuntang Bantayan, kahit dun na lang tayo magkita sa sakayan ng boat."

"Ok, sige ikaw ang bahala. Basta let me know kapag nakalapag na kayo sa Cebu. It will take at least an hour siguro to get there, sa resort na tayo magbreakfast. By the way, nakausap ko na sila Daddy at Mommy, nabalitaan na nila yung sa The Buzz and they know you're coming over. Gusto ka din nila makilala one of these days."

"Wow, talaga, baby girl? Gusto ko na rin makilala ang future in-laws ko. Sam told me they're still in Europe. Sana payagan ako na ihatid ka sa New York or kung hindi man susunod ako sa'yo dun as soon as I can." pangako ni Gerald sa girlfriend.

"Darating din tayo dyan, Babe. Let's take it one day at a time. O sige na, I have to call the office pa. Mag iingat kayo dyan ha, will talk to you later. Regards na lang kay Matt at Sam. I love you!

"Sige, sweetheart. Kadadating lang din nila. I will call you later, promise! I love you, baby girl."

Nilapitan ni Gerald si Sam at Matteo at niyaya na magwarm up bago dumating ang mga players. Natuwa din siya at nawala na nang tuluyan ang ilangan sa pagitan nilang tatlo. Malaking bagay para sa kanya na maayos ang samahan niya sa mga kaibigan ni Asher. Batid niya na hindi na niya dapat pagselosan ang dalawang kaibigan dahil tinuturing sila na matalik na kaibigan ng girlfriend at buo ang suporta nila sa relationship nila. Inabot sila ng isang oras sa paglalaro ng basketball at nag enjoy silang lahat. Hindi na binaggit pa nila Sam at Matteo ang incident na nangyare sa restaurant between them and Ray.

Diretso ng umuwi si Gerald pagkatapos ng basketball practice. Bago matulog ay tinawagan muna niya si Asher.

"Hello sweetheart! How was the rest of your day since we last talked?" Malambing na tanong ni Gerald sa kasintahan.

"Got a good news from Cancer Warrior. Guess what it is?" Hindi na maitago ang excitement sa boses ni Asher. Parang nakikita ni Gerald ang kasintahan na tuwang tuwa at ang nakakahawang ngiti nito.

"Mukhang super good news yan sweetheart. Parang nakikita ko ang nakakahawang smile mo. Ano nga ba? Alam ko a week ago ay almost sold out na ang ticket, so totally sold out na?"

"Talagang sold out na, few days ago pa, this news is bigger and will double the money we are going to raise. ABS CBN wants the right to televise the basketball charity game. Cancer Warrior Foundation is ecstatic with the offer. They called me after we talked and told me the good news. We discussed about it and we started calling the other people involved and luckily all of them are okay with it. Cancer Warrrior called Kapuso Network if its ok to accept the offer of ABS CBN since the other team are kapuso stars, they gave their permission as long as every penny will go to the Foundation. Isn't that great?" Halos pasigaw na tanong ni Asher kay Gerald.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon