Chapter 2

11.4K 91 36
                                    

Natutuwa naman si Asher at nagustuhan ng head choreographer ng ASAP ang inihanda niyang production number ng kapatid kasama ang mga kaibigan nito. Hindi nga lang niya inaasahan na pati siya ay makakasama. Wala siyang kabalak-balak pero dahil na rin sa pakiusap ng nag-iisang kapatid ay pinagbigyan na rin niya. Sana lang ay huwag na siyang masyadong magtagal sa stage after ng performance nila.

Nagtataka lang siya bakit yung natapunan niya ng kape ay masama pa rin ang mukha tuwing mahuhuli niyang nakatingin sa kanya. “Nag-apologize na ako. Hindi pa ba sapat yun? Sayang gwapo pa naman pero mukhang suplado at bugnutin. Parang ang laki-laki ng problema. Hindi niya matandaan ang pangalan pero mukhang isa din sa pinaka main star ng ASAP, " sa isip-isip ni Asher.

"Ate,  you can go ahead. I will hang out with my friends muna. Maiwan muna kami ni Manong Don. Will text you na lang later on our way home."

"O sige, lalabas din ako tonight. Let me know of your plans ha. If lalabas kayo, huwag kang pagagabi at dapat kasama si Kuya Don," bilin ni Asher sa kapatid.

"Oki doki Ate," sagot ni Sam sa ate niya.

Kinuha ni Asher ang bag niya at nagpaalam kay Georcelle, Matteo at sa mga bagong kakilala na sina Maja, Kim, Empress , Enchong , Erich at Julia na at that time ay ka-grupo na rin si Gerald. Nagkatinginan sila at ngumiti lang ang dalaga sa kanya at umalis na.

Habang paalis ay narinig pa ni Gerald na sinagot ang phone nito at sinabing, "Yes Sam, I am on my way home, want to meet me there?"

"Matt, anong meron between Sam and Asher? Siya ba yung sinasabi ni Sam na bagong inspirasyon niya na na meet niya sa New York?" tanong ni Enchong kay Matteo.

"They are just good friends, as far as I know. No, it's a different girl. She is Asher's good friend, too."

"Paano naman kayong naging magkaibigan ni Asher? Muntik na akong magselos kanina kasi mas nauna mo pa siyang binati kesa sa akin," malambing na tanong ni Maja sa boyfriend.

"Dati na kaming friends niyan, we have the same hobbies. Nakita mo how talented she is? She is also into car racing and motocross . She is one of the boys talaga. Biruan nga sa grupo,  noong naghagis yata ang itaas ng blessings ay nasalo na niya lahat. She is too good to be true."

"Buti hindi ka nagkagusto sa kanya?” tanong ni Kim.

"That’s the thing. Once nahalata niyang may gusto ka sa kanya, she will be aloof and distant. Close siya sa amin dahil yun nga we treat her as one of us, friends lang. Kaya huwag na huwag mo siyang pagseselosan sabay akbay sa girlfriend na si Maja.

Gustong-gusto ni Gerald na tapikin si Enchong na nakikitang lihim na pagkindat-kindat nito sa kanya. Buti na lang siya lang ang nakakapansin or kung may nakapansin man, dedma lang sila.

"Bakit mo naman tinatanong bro kung ano meron between Asher and Sam?” tanong nito kay Enchong . "Are you interested in her? I am warning you though, I've seen it before, she is tough," natatawang dugtong ni Matteo.

"Man hater ba siya?" takang tanong ni Enchong.

Alam na alam ni Gerald na tinatanong ni Enchong ang mga yun para sa kanya. "Man hater? Don't know if you call her that ‘coz most of her close friends are guys. So how can she be a man hater?"

"Gay, maybe?" naiiling na tanong uli ni Enchong.

Napahagalpak ng tawa si Matteo. "Asher, gay? No, she' s not.!!! And I better stop talking about her. If you are really interested in her, you should find out that on your own. She is a great person and if you are interested in her, you better start working hard ‘coz we are not going to help you . You have to prove yourself first. We all did before we got her trust."

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon