Chapter 32

7.2K 82 42
                                    

Namumula si Gerald na lumabas sa meeting room. Nag walk out ang binata sa meeting niya with the top executives ng network and management na kinabibilangan niya. Nakasunod naman ang nag aalalang handler at road manager niya. Makikita sa mga mukha nila ang pag aalala.

"Gerald, calm down. Ano ba? Hinde makukuha sa init ng ulo ang mga bagay na ito. Be reasonable." Paalala ni Nhila kay Gerald na mabilis pa ring naglalakad palayo sa meeting room.

"Gerald please, you have to go back there and try to reason out."Halos nagmamakaawa na si Nhila pero walang narinig ang binata. Tuloy tuloy pa rin ito. Gusto niyang makaalis sa lugar na yun as soon as possible. Gusto niyang manuntok ng tao. How can they do that to him? How can they tell him to stop seeing Asher or no more projects for him?They can not tell him what to do with his personal life. Nang makarating sa sasakyan niya ay sinabi sa naghihintay na si Jalal na sa bahay na sila. Hinde na nagtanong si Jalal, pinaandar na lang ang sasakyan. Alam na niyang pag ganoon ang mood ni Gerald , the best thing to ay huwag na lang kumibo. Tahimik si Gerald .Nag iisip ito ng malalim, paminsan paminsan ay sinusulyapan siya ni Jalal. Hinde pinapansin ang cell phone na panay ang tunog. Sinagot lang nito ang phone ng si Asher ang tumawag. May sarili itong ring tone kaya alam ni Gerald kung si Asher ang tumatawag. Nakita ni Jalal na pinilit pinasaya ni Gerald ang boses at pinakalma ang sarili.

"Hello, sweetheart. Nakapagpahinga ka ba? Gusto mong lumabas for dinner? " Sunod sunod na tanong ni Gerald sa kasintahan.

"Hinde na, kung gusto mo dito ka na lang kumain, nagluto si Tita Tess ng chicken curry , yung favorite mo."

"Sige, punta ako diyan pero huwag mo na akong hintayin, mauna ka ng kumain , baka medyo late na akong makadaaan .

"Ok pag malapit ka na , call me para maipainit ko."

"Ok ,have to go na muna, I love you sweetheart. See you later. " Paalam ni Gerald kay Asher .

Gustong sumigaw ni Gerald ng maisara ang phone . Hinde niya kaya ang ipinapagawa ng management niya. He will risk not having any projects , huwag lang sumakay sa publicity gimik na gusto ng network at management niya.

Pagdating ng bahay ay tuloy tuloy ito sa kwarto niya. Nagbihis at paglabas uli ay sinabing jogging lang siya sa nadaanan sina Ali at Jalal na nakatingin lang sa kanya. Tumango lang si Jala at tinanong kung gusto niya ng kasama. Umiling si Gerald at sinabing gusto niyang mag isip at mapag isa muna. Tinapik na lang ni Jalal ang balikat ng kaibigan at sinabing mag ingat.

Walang kamalay malay si Asher sa problemang hinaharap ng relasyon nila. Wala siyang kamalay malay na gulong gulo ang isip ng boyfriend kaya kahit gustong gusto na nitong makita si Asher ay minabuti muna nitong magpalipas ng init ng ulo sa pagtakbo.

"Hinde ka pa ba kakain Asher? Halika na sumabay ka na sa amin." anyaya sa kanya ni Tita Tess .

" Mauna na po kayo Tita , dadaan daw si Gerald, hintayin ko na siya. Sinabi ko na dito na siya mag dinner, favorite kasi niya yang niluto mong chicken curry."

"Sige, mauna na kami." Naiiling na sabi ng Tita Tess ni Asher. Masaya siya para sa pamangkin.Natutuwa siya na nakikitang masaya na uli ito. Matagal tagal ding naging tahimik at hinde niya nakitang ganito kasaya ang dalaga.

Samantala, sa meeting room na iniwan ni Gerald ay nagkakaroon pa rin ng mainitang pagtatalo. Maririnig na halos maiyak si Nhila na nakikipagtalo sa ilang top executives. Dati rati ay tahimik at sumusunod lang ito sa gustong mangyari ng mga nakakataas sa kanya ay nangangatwiran at nagbibigay ng opinion. Nakakaramdam ng matinding resentment ang handler sa pagka unfair ng sitwasyon ng alaga. Hinde niya maintindihan ang isa sa mga executives bakit ganoon na lang ang kagustuhan niya sa idea na paglapitin uli si Gerald at ang dating ka love team bukod duon gusto din nilang i link si Gerald sa bagong kapamilya contract star na si Jezza. Bagay na bagay daw ang dalawa at kailangang maging makatotohanan ang pagtatambal nila sa nalalapit ng umpisahang action movie ni Gerald. Itong movie na ito ang magiging launching movie ni Gerald bilang action drama star. Inuutusan nila si Gerald na kung anuman ang relasyon nito kay Asher Concepcion ay putulin muna nito alang alang sa career niya. Makakasira daw sa promotion ng pelikula ang relasyon nila ng dalaga.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon