Chapter 42

5.8K 96 22
                                    

Nakapagshower na at nakapagpalit ng pantulog si Asher ay tulog pa rin si Gerald. napailing na lang na nilapitan ng dalaga ang kasintahan. Bumigay na rin ang katawan sa sunod sunod na puyat at pagod. Masuyo niyang pinagmasdan ang binata. Parang kelan lang , parang imposibleng magmahal siya uli pagkatapos ng matinding sakit na idinulot ng hindi natuloy na kasal nila ni Ray. Heto siya ngayon , hindi maipaliwanag ang pagmamahal na nararamdaman sa isang taong kelan lang niya nakilala. Akala niya nuon imposibleng mahalin ang ang isang tao hanggat hindi mo lubusang kilala pero kay Gerald, ilang araw pa lang, alam niya minahal na niya ito. Ilang araw pa lang silang magkakilala ay iba na ang naging turingan nila. Andduon nnnna agadd yung easy feeling nila sa isat isa. Nuong una pinipilit pa riin Asher na i deny ang attraction na naramdaman niya sa binata pero dahil na rin sa pagiging persistent nito ay hindi na rin niya naitago ang nararamdaman. Mula sa umpisa ay hindi na ito nagsawang ipakita at ipadama kung gaano siya kamahal at kaiimportante sa buhay niya. Wala na siyang mahihiling pa kung sa pagmamahal lang din ng boyfriend ang pag uusapan. Hinalikan nito ang kasintahan sa noo at sinabing mahal na mahal din kita . Salamat sa pagmamahal na lagi mong pinaparamdam sa akin . Sana nga makayanan natin lahat ng pagsubok at sa bandang huli tayo pa rin . Sana ikaw na nga habang buhay para sa akin dahil hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal uli gaya ng pagmamahal ko saiyo ngayon.

Inayos niya ang alarm clock dahil maagang aalis sina Gerald to catch the first flight pauwi sa Manila then tinabihan ang kasintahang mahimbing pa rin ang tulog.

Naramdaman ni Gerald ang mga kamay ni Asher na nakayakap sa kanya ng magising sa tunog ng alarm clock. Mabilis niyang hinanap kung nasaan ang alarm clock para patayin. Ayaw niyang magisingsi Asher pero huli na, nagising na ito at nag good morning na sa kanya.

"Good morning Baby Girl! Sorry dito rin pala ako nakatulog at talagang tinulugan kita ano?" Nakangiting bati ni Gerald sa dalaga.

"Good morning hon, oo nga, hindi pa man tinutulugan mo na ako. Ganoon ba ako ka boring?" Biro ni Asher sa nobyo.

Natawa si Gerald sa biro ni Asher, panalangin mo sweetheart na pag dumating yung tamang panahon na magkatabi tayong ganito ay may time na tutulugan kita." Pilyong ngiti nito .

"Kaya?" Bweltang tanong naman ng dalaga sabay baba ng bed para makaiwas sa posibling ganti ng binata.

"Chicken" pahabol ni Gerald Kay Asher na tumakbo papunta ng washroom.

Hindi na sumama si Asher na maghatid sa airport. Mas gusto ni Gerald na magpahinga na lang si Asher. Magkita na lang daw sila sa game later that afternoon

Pagka alis nina Gerald ay ihinanda na rin ni Asher mga gamit niya .In a couple of hours , sila naman ang aalis. Back to reality na naman sila. Nalulungkot na naman ang dalaga dahil mukhang kahit magkiita sila mamaya sa game ay halos hindi naman sila makakapag usap dahil na rin sa kasunduan nito sa management niya.

Hindi niya namalayan na nasa likuran pala niya si Tita Pia niya. “Magkikita naman kayo mamaya lang , ang lungkot na agad ng mukha mo.”

Ngumiti si Asher at sinabing nalulungkot lang siya dahil balik na naman sila sa dating gawi, hindi makakilos ng gusto nila dahil nasa public na naman sila.

Niyakap siya ng napakabait na mommy ni Matteo.”Ang mahalaga naman alam mong mahal na mahal ka niya di ba?”

“Yun na nga lang nagpapalakas ng loob ko Tita, yung nararamdaman kong nahihirapan din siya sa situation namin. Kailangan kong maging positive for both of us. “

“Nakikita naman namin na mahal ka talaga niya at gumagawa talaga siya ng paraan para ipaglaban niya yung nararamdaman niya para saiyo.”

“Salamat uli Tita sa lahat lahat. Nag enjoy po kami ng sobra kahit sa ilang araw lang na magkasama kami.”

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon