Chapter 29

8.2K 105 89
                                    

"That is the question I want an answer to as soon as possible," sagot ni Asher sa tanong ng kasintahan.

Hinapit uli ng yakap ni Gerald ang girlfriend. "Buti na lang pala at naging makulit ako para makasama ka dito sa Cebu. Thank you Papa God!" pasasalamat ni Gerald.

Hindi nagtagal at nakarating na rin sila sa hotel na tinutuluyan. Dali-daling nagbayad si Gerald sa taxi driver at nagmamadali na itong inalalayan si Asher palabas ng taxi. Ayaw nilang makatawag pansin kaya dire-diretso silang pumunta sa room na nakapangalan kay Asher. Kapapasok pa lang nila sa room nung marinig nila ang phone ni Asher na nagri-ring.  Nagsmile ito nung makita kung sino ang tumatawag.

"Tita, how are you?" masiglang bati nito. Napatingin si Gerald sa kanya. Sumenyas si Asher na sandali lang at sumenyas naman si Gerald na magsha-shower muna siya. Tumango lang si Asher na patuloy pa ring nakangiting nakikipag-usap sa cellphone.

"Matt did not mention that you are in town Tita. Kung alam ko lang di sana I made time to see you and Tito."

Napatigil si Gerald papunta ng bathroom. Naisip nito na parents kaya ni Matteo ang kausap ng girlfriend. “Ganoon sila ka-close?"

"Yes Tita, I will ask him. I am sure you will like him, too. Tamang-tama we haven’t had anything to eat yet. Okay lang talaga sa inyo ni Tito? Is Matt there?" huling narinig ni Gerald na tanong ni Asher sa kausap.

Paglabas nga ni Gerald ay tinanong siya ni Asher kung gusto niyang sumama sa kanya or mas gusto nitong sumama kina Fred. Hindi daw pwedeng hindi nito pagbigyan ang invitation ng mommy at daddy ni Matteo for dinner kahit medyo late na. Magsha-shower lang daw ang dalaga.

"Ano ba ‘yan akala ko pa naman maso-solo na kita after the game. Di ba sabi ko sa iyo na hindi ko feel lumabas? Mas gusto kong maghang out na lang dito. We’ll order room service na lang."

"Sandali lang tayo dun, kakain lang tayo sa restaurant nila. Malapit lang daw dito. Andoon na daw si Matt. Kung gusto mo naman, you just wait for me here. Babalik ako agad,” promise naman ni Asher.

"At hahayaan kitang magdinner with Matt and his parents? At siya ang lumabas na ka-date mo dito sa Cebu? No way my darling! I will go wherever you go."

"Okay then, shower na muna ako,” kinuha ang isa pang outfit na binili nila at pumunta na sa bathroom.

Paglabas ni Asher ng banyo ay hindi maalis ni Gerald ang tingin sa dalaga. Wala itong make-up, nakataas pa ang buhok pero wala siyang gustong gawin at that moment kundi hilahin ang kasintahan sa kama at kung pwede lang huwag na silang umalis.

Napansin ni Asher ang tingin ng binata sa kanya at sinabing," Uh oh, don't look at me like that."

"And why not?" lumapit ito sa dalaga na sinusuot ang hikaw na inalis bago maligo. Hinalikan ang balikat nito habang ang mga kamay ay pumulupot na naman sa baywang ng dalaga.

"Because we are going out and when we get back, we have a  lot of work to do. We have to find out who wants to sabotage our relationship and who really are Trina and Cheska," paliwanag ni Asher na pilit pinapakalma ang sarili bago madala sa panunukso ni Gerald.

Ihinarap ni Gerald si Asher sa kanya. "Do we really have to go out? Can’t we just stay here and enjoy the night?”

"I thought we made an agreement, separate rooms?" paalala ni Asher kay Gerald.

Hindi na sumagot si Gerald, hinalikan na lang ang dalaga. To hell with separate rooms sa isip-isip ng binata. Kung pwede lang huwag na niyang bitiwan ang girlfriend ng mga sandaling ‘yun, wrong timing naman kasi parents ni Matteo.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon