Chapter 43

8K 145 111
                                    

Papunta na si Sarah sa gym ng masalubong niya ang head ng CWF. Laking pasasalamat nito sa lahat ng tulong na ginawa nito para sa foundation. Malaking tulong daw ito sa kanila at ang pag televised ng ABS CBN sa event ay nakaka overwhelm daw. Ipinamahala na ni Asher sa Marketing ng Foundationn ang pamamahala duon kaya wala ng direct contact si Asher sa ABS CBN regarding sa coverage ng game. Tapos na ang role niya sa event. Time na niyang mag enjoy at panoorin ang pinagpaguran niya ng ilang buwan kasama mga kaibigan.

Lahat halos ng makasalubong niyang taga CFW staff and volunteers ay nag thumbs up sa kanya. Ganoon din mga celebrities na nakakasalubong niya ,hindi man niya personal na kilala ay binabati siya. Evidently, kahit hindi aminin ni Asher, she is one of the stars that day.

Pagpasok niya sa gym ay nagulat siya sa sumalubong na applause sa kanya. Hindi niya alam na sinusundan pala siya ng camera, pagpasok pa lang niya. Nakita niya sa dalawang malaking screen ang sarili niya at napahawak ang dalaga sa bibig sa lakas ng applause na binigay sa kanya ng crowd. Narinig niya ang boses ni Cheska welcoming her.

Napilitan Asher na kumaway sa crowd at nahihiya ng umupo katabi ng mga batang pasyente ng CWF. Napatingin siya sa isang side ng court ng may nag chant ng pangalan niya. Nakita niya ang AshRald group sa pangunguna nina Ate Zen at ate Ann. Napa smile si Sarah at lumapit sa mga ito. Nagpasalamat uli at bumeso sa dalawang leader ng grupong walang sawang sumusuporta sa kanila ni Gerald.

Walang kamalay malay si Asher na bawat galaw niya ay nakukuhanan ng camera. Iginala ni Asher ang mga mata habang nakikipagpag usap sa mga AshRald at nakita din niya sa crowd mga friends nila ni Sam M sa motorcross club, sina Tita Pia at Tito Mark niya, ganoon din mommy at kapatid ni Gerald. Anduon din ang Tita Tess niya at si Kuya Don. Magkakatabi ang mga ito malapit sa VIP section. Kumaway ang mga ito sa kanya. Masayang kumaway si Asher at lumapit sa kanila bumeso at tinanong kung ok lang ang seats nila. Sinabi ng mga ito na ok na ok. Tinanong ni Asher kung nasaan ang kapatid na si Sam at tinuro ni Tita Tess na isa sa mga ushers kasama ang kaibigang si Tippy.

Nag umpisa ng pumasok sa gym ang mga players. Hindi na magkamayaw ang sigaw ng mga tao. Warm up pa lang ay ang lakas na ng mga sigaw ng bawat grupo. Bumalik na si Asher sa upuan niya katabi ang mga bata at ilang staff ng foundation.

Huling pumasok si Gerald at Dondon sa team nila. Halos magiba ang isang side ng gym sa lakas ng sigawan ng mga fans. Yung mga may edad ay hindi maiwasang magtakip ng tenga. Nakaupo na rin ang mga VIP na nanood. Anduon ang ilang top executives ng ABS CBN, GMA, CWF, Jollibee, ilang politicians at iba pang mga representatives ng mga sponsors nila.

Kumaway si Gerald sa hindi magkamayaw na sigaw ng crowd. Narinig niya ang ang sigaw ng AshRald at hindi maitago ang ngiti nito ng kumaway sa mga ito na lalong nagpalakas sa pag chant nila ng AshRald, AshRald. Lihim din na napangiti si Asher at sigawan na naman ang mga tao ng ipakita sa isang screen si Asher at sa kabila naman ay si Gerald. Nagulat na naman si Asher at napatingin ito kay Gerald. Nagkatinginan ang dalawa, hindi maintindihan bakit nabibigyan sila ng ganoong attention.

Hinanap ng mga mata ni Gerald ang handler niya at nakita niya itong paupo sa bakanteng upuan katabi ng mommy niya. Kumaway uli si Gerald, nakatingin sa banda ng handler niya parang tinatanong kung bakit binibigyan ng attention ng camera si Asher ng ABS CBN.

Nakita ni Gerald na nag thumbs up ang handler niya at sinabing just go with the flow.”

Nahuli ng camera ang wagas na ngiti ni Gerald. Huling huli ng camera ng tumingin ito kay Asher na nakatingin din sa kanya. Nag I love you ito at sigawan na naman ang mga tao sa kilig lalong lalo na ang mga GCX at AshRald.

Nagulat si Asher sa ginawa ni Gerald. Namula at napayuko na lang. Hindi alam kung paano mag re react dahil sa lakas ng sigaw ng mga nanonood.

Matapos ang pagkanta ng Lupang Hinirang at short prayers ay ang pag welcome naman ng head ng CWF sa lahat. Nagpasalamat sa lahat ng nanduon, kaunting background kung ano at para saan ang CWF. Pulang pula ang mukha ni Asher ng bigyan siya ng standing ovation ng mga manonood at ng mga players at coaches mismo ng pasalamatan siya ng president ng CWF. Tinawag siya sa gitna at ang ilan sa mga bata from the foundation ay abutan siya ng napakagandang bouquet of her favorite flowers. Nagpasalamat si Asher sa lahat, sinabi niyang join effort yun ng mga kapwa niya volunteers. Pinasalamatan niya mga kaibigang  co organizers  at mga sponsors. Habang nagsasalita siya ay ipinapakita din sa screen si Gerald na halatang halatang very proud sa girlfriend  habang pumapalakpak. Ipinakita din ang ang area kung saan nanduon sina Tita Tess, parents ni Matteo at ang family ni Gerald. Anduon na rin sa grupo ang kapatid ni Asher na si Sam at ang kaibigang si Tippy.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon