Chapter 40

12.4K 116 80
                                    

Good morning, Baby Girl! We're about to board the plane na, I'll see you soon.

Ang text message ni Gerald ang unang bumungad kay Asher kinabukasan. It was sent at 3 am. Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Asher para gumayak paalis. Kailangan niya maabutan ang first trip ng ferry papunta sa Santa Fe port. Excited na siya na pagdating ni Gerald. Naghihintay na sa labas si Tita Pia at Tito Mark nang lumabas siya.

"Good morning, hija. Ready ka na ba?" bati ni Tita Pia pagpasok ni Asher ng sasakyan.

Napakayap si Asher at bumeso sa mommy ni Matteo.

"Good morning po! Grabe, Tita! Hindi na ako makatulog kagabi sa sobrang excitement. Parang ang tagal namin hindi nagkita ni Gerald!" masiglang bati ni Asher.

"Three days na pala kayo hindi nagkikita. Ganoon talaga, absence makes the heart grow fonder. I'm sure miss ka na ng boyfriend mo. Wag ka mag-alala naka ready na mamaya ang breakfast natin pagbalik sa resort. Nagbilin na rin ako sa staff na asikasuhin kayo nang mabuti."

"Salamat po talaga, Tita. How can I ever repay you for your kindness?"

"Ikaw naman, alam mo naman you're the daughter I wish I had. Pagbigyan mo na ako na i-spoil kita, minsan lang naman. Baka matagalan pa bago tayo magkita uli. Malapit ka na bumalik ng New York diba?" tanong ni Tita Pia.

"Yes, Tita. I only have 10 days left. Kaya nga gusto sana namin lubusin ni Gerald ang bakasyon ko as much as possible. Kaso 2 days lang po ang binigay na off sa kanya ng handler niya. Buti na lang at may Charity Game ang CWF this weekend kaya makakasama ko pa din siya."

"Don't worry, I'm sure naman gagawa ng paraan si Gerald para makasama ka niya nang mas madalas next week. Cheer up na, ok? Ang importante you get to spend time with him here kahit sandali lang. Just enjoy and make the most of it."

"Bro, gising na, malapit na daw tayo sabi ni Manong." tinapik ni Jalal si Gerald na nakatulog sa byahe papuntang Hagnaya Port.

Napabalikwas si Gerald at hinanap agad ang telepono to check for messages.

Hi Babe, welcome to Cebu! I'll wait for you sa cafe next to the port. Ingat kayo sa byahe! I love you. - Asher

We're almost there, sweetheart. I love you too, Baby Girl. - Gerald

Tick tock. Tick tock. Tick tock.

"Manong, mga ilang minutes pa po bago tayo makarating ng Hagnaya Port? May shortcut po ba tayo na pwede daanan?" tanong ni Gerald.

"Relax ka lang, bro. Hindi naman kasal mo ang pupuntahan natin, bakit ka ba nagmamadali? Ang aga aga pa oh." biro ni Ali.

"Wag ka nga magulo dyan, ilang araw ko na hindi nakikita ang girlfriend ko, miss na miss ko na siya."

"Pabayaan mo na yan si Ge, ganyan talaga kapag in love!" tukso ni Jalal.

"Ewan ko sa inyo. Kapag kayo nagka girlfriend ng katulad ni Asher, ewan ko na lang kung hindi kayo magkaganito." sambit ni Gerald sabay suot ng aviator shades at bukas ng bintana ng sasakyan.

Tila naglalakbay ang isip niya habang nakatanaw sa labas. Ilang araw na lang at babalik na ng New York si Asher. Hindi pa rin niya alam kung maihahatid niya ang kasintahan sa New York. Napaisip ito kung paano mapapapayag ang handler na bigyan siya ng mas mahabang bakasyon para makasama si Asher sa susunod na linggo. Kakayanin kaya nila ang mawalay sa isa't isa? May magbabago kaya sa pagtitinginan nila pagbalik ni Asher sa New York?

Hindi naman nahirapan si Gerald na makita ang maliit na cafe. Una niyang nakita si Tito Mark na nasa labas ng cafe at mukhang sila ang hinihintay. Masayang kumaway si Gerald kay Tito Mark na nakita naman siya agad. Kumaway din ito sa kanya. Masayang nagkamay ang dalawa at sabay na silang pumasok sa cafe. Napatayo si Asher ng makita silang padating. Malayo pa ay nakaabang na ang yakap ni Gerald sa kasintahan. Hindi maitago ang kasiyahang nararamdaman na makita uli nila ang isat isa. Yumakap naman agad si Asher sa kasintahan. Halos buhatin siya ng binata sa sobrang tuwa. Naramdaman ni Asher ang higpit ng yakap nito. Halos hindi siya makahinga. Ipinikit na lang ni Asher ang mga mata at inilapat ang mukha sa dibdib ng kasintahan.

Sana Ikaw Na NgaWhere stories live. Discover now