Chapter 37

7.1K 87 36
                                    

A/N Nabasa ko to sa twitter. thank you sa nag post 

alexy1059 (@Alexy1059)

  "Sometimes you kinda have to say things just to ease the situation until it cool things down. It may seem different than what it truly is but it has to be that way otherwise it would create another problem. I'm sure people know how hard it is to make things happen when everybody's watching you. And it gets even harder every minute of the day when you also have to do other things while working on your plan. It's always best when you wait for the right time to tell the truth. That way, things said are well thought of and hesitation will no longer be a problem because you know too well that you made it through the hardship and that all you need to do is to sit with the one who held your hand and who made you feel that the thing you have is worth the wait and more than anything, the fight. "

Thank you Baby Girl for this chapter.  Sana magpakilala ka na!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Almost 9 pm na nang umalis ang mga bisita ni Gerald. Hinintay ni Gerald na makaalis ang mga kaibigan bago ito nagpadala ng mensahe sa kasintahan. Magbabakasali na makausap niya si Asher bago ito matulog.

To Baby Girl:

Hi, Sweetheart. Sorry ngayon lang ako nakapagtext, hinintay ko makaalis sila Ate Nhila sa bahay. Pinanuod namin kanina yung The Buzz. Sana naman hindi ka na nagtatampo sa akin. Miss na miss na kita. Can’t wait to see you again. I love you, my baby girl.

Nagpasya si Gerald na magshower muna habang hinihintay ang reply ni Asher. Binitbit niya ang cellphone sa loob ng shower at  nilakasan ang volume para masigurado niya na maririnig ang telepono kung sakaling magreply o tumawag man ang kasintahan. Nagmadali ito na magbihis at nagtext sa handler niya kung pwede i-block ang sked niya for  next week. Gusto niya sumunod kay Asher sa Cebu bago magsimula uli ang shoot ng project niya with Jezza.

Napasarap ang kwentuhan ni Asher at ng pamilya ni Matteo sa restaurant. Hindi nila namalayan na sila na lang ang naiwan at nagsisimula na magligpit ang crew. Tinanong ni Tita Pia ang manager ng restaurant na i-check kung may crowd sa labas ng restaurant. Sinigurado muna nila na walang naghihintay sa kanilang paglabas dahil gusto nila ng privacy para kay Asher habang nasa Cebu ito. Hindi nila hahayaan na may makalapit na reporters sa dalaga.

Binuksan ni Asher ang telepono pagkapasok nila sa sasakyan. Napangiti siya nang mabasa ang mensahe ng boyfriend. Hindi naman ito nakalampas kay Tita Pia. Maaliwalas na uli ang mukha ng anak anakan. Tatawagan na sana ni Asher si Gerald pero paubos na ang battery ng phone niya. Nagreply na lang siya na pauwi na ito from their dinner at nagpromise na hihintayin ang tawag niya.

Hinatid ni Tita Pia si Asher sa guest room at sinabi na pwede sila magpunta sa Bantayan island kinabukasan kung gusto niya mag unwind. May private resort ang pamilya ni Matteo duon at tiyak na magugustuhan ito ng dalaga. Alam niya na gusto nito mapagisa at makalimutan ang mga nangyari sa nagdaan na mga araw. Nangako sila sa mga magulang ni Asher na hindi nila ito pababayaan.

“Good night, Tita. Pasensya na po uli kung naabala ko kayo. I can’t thank you enough for letting me stay here. Magpahinga na po kayo. We can talk about the beach trip tomorrow.” Napayakap si Asher sa ina ni Matteo.   

Binuksan ni Asher ang laptop niya at nagcharge ng telepono. Nagcheck siya ng mga emails at updates from Cancer Warrior. Nagbilin ito sa isang coordinator na nasa Cebu siya at hindi makakadalo ng meeting sa opisina. Mag set na lang siya ng conference call para sa updates from sponsors at players. Nakatanggap din siya ng email mula sa handler ni Gerald, isang link ng video ng The Buzz episode kung saan nabulgar ang katotohanan. Nasa kalagitnaan siya ng panunuod ng video nang mag ring ang telepono niya. Sinagot niya ito agad sa unang ring pa lang.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon