Chapter 31

7.5K 84 64
                                    

Madaling araw na ay hindi pa rin makatulog si Ray. Nalaman na niyang walang nangyari sa pinagagawa niya kina Trina at Cheska. Humihingi pa rin ng another chance ang dalawa to do the job pero sinabi niyang hindi na magiging safe para sa kanilang lahat kung ipagpapatuloy pa nila. Mabuti pang huwag na muna nilang ituloy for now. Susubukan nila another time.

Nakasira sa plano nila at hindi nila inaasahan ang pagsama ni Asher sa Cebu. Sino ba kasing mag-aakalang sasama si Asher kay Gerald. Lalong nag-init ang ulo niya nang ma-imagine si Asher with Gerald sharing one room. ‘Yun kasi ang report ni Trina sa kanya at halos hindi mapaghiwalay ang dalawa. Hindi nga daw nagdinner kasama ang mga kaibigan nila. Baka daw nagkulong na lang sa kwarto after the game. Nanggagalaiti ito sa galit at inggit sa bagong boyfriend ni Asher. Ang swerte naman niya at naisama niya si Asher ng walang chaperon.

Naalala niya kung bakit napadali ang engagement nila. Ayaw pa sana ni Asher pero nahuli sila ng mommy ng dalaga na muntik nang makalimot sa sarili. Nag-aalala ang parents ni Asher na hindi lang ganoon ang pwedeng mangyari kung maiiwan silang dalawa sa New York on their own. Nagdecide na kasing magstay for good ang parents ni Asher sa Pilipinas para masubaybayan nila ang careeer ni Sam. Mas mapapanatag daw ang loob nila kung magpapakasal na sila.

Naalala niya kung gaano sila kasaya ni Asher that day. Sa wakas magpapakasal na rin sila. Hindi niya maubos maisip ngayon kung bakit sa dinami rami ng bagay na pwedeng mangyari ay bakit ang pagdating pa ng tukso ang lumapit sa kanya at kung bakit pumatol siya sa babaeng ‘yun. Nabalitaan niya ang pagkaka-ospital ni Asher nang ma-overdoze ito. Gustung-gusto niya itong puntahan at that time pero wala siyang mukhang iharap sa mga magulang ni Asher. Matagal-tagal din siyang nag-ipon ng lakas ng loob bago nagpakita kay Asher pero naramdaman niyang malamig na ang dalaga sa kanya. Sinundan niya dito sa Pilipinas ang dalaga nang mabalitaan niyang umuwi ito para magbakasyon at masamahan ang kapatid habang nasa bakasyon ang mga magulang nila. Tinanggap niya agad ang alok ni Georcelle na maging part ng Dance Crew ng ASAP sa pagbabakasaling lagi niyang makikita ang dalaga. Pero masakit nang nalaman niya at makita ang dalaga sa studio na hindi ang kapatid ang kasama kundi ang bagong boyfriend nito. Hindi niya kayang makita si Asher na kasama ang ibang lalaki. Sinubukan niyang tanggapin pero hindi talaga niya kaya. Kailangang mag-isip siya ng ibang paraan. Tinignan niya ang number na ibinigay ng isa niyang kaibigan. Magaling daw ito at very professional and discrete magtrabaho. Hindi daw mahahalata kung anuman ang gustong ipagawa sa tamang halaga. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang bagong taong makakatulong sa kanya.

Paglabas ni Asher ng banyo ay naka-idlip na si Gerald. Maingat na lumapit sa bed si Asher at inayos ang laptop niyang nasa bed pa rin, inilagay niya ito sa ibabaw ng desk. Pinagmasdan ang binata na natutulog. Kawawa naman, napagod sa paglalaro kanina. Buti hindi nagbruise ‘yung mga pangbabalya sa kanya kanina ng isa sa mga players ng kabilang team. Ilang beses din siyang bumagsak sa floor. Kung hindi lang siya nahihiya ay namura na niya kanina ‘yung player na ‘yun. Umupo ito sa gilid ng kama at muling pinagmasdan ang binata. Sino ang mag-aakalang mahal na mahal siya ng napakagwapong lalaking ito? Nagpapasalamat siya at kahit ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kasintahan ay nagawa pa rin nitong paalalahanan siya sa pangako sa mga magulang. Sana nga ikaw na. Sana nga ikaw na habang buhay. Sana nga lang mahintay mo ako na matupad ang mga pangako ko at sana makayanan ko ang mga pagsubok na darating sa relasyon natin. Alam kong marami pang darating lalo na nga sa ginagalawan mong mundo. Sana nga totoo ‘yung pangako mong gagawin mo ang lahat para maramdaman ko na ako lang ang babae para sa iyo. Naalala na naman ni Asher nung makita niyang hinalikan ni Trina si Gerald ay halos sumabog ang dibdib nito sa galit. Gustung-gusto niyang lapitan si Trina at hilahin ang buhok palayo sa kasintahan buti na lang at binulungan siya ni Ate Nhila to take it easy. Hinaplos ni Asher ang maamong mukha ng binata. Hinalikan ito sa noo at sinabing, “Goodnight Babe.” Maingat na itong nahiga sa tabi ni Gerald. Ayaw niyang magising pa ito kaya nagulat siya nang maramdaman niyang paglapat ng likod niya sa bed ay nakayakap na agad sa kanya si Gerald.

Sana Ikaw Na NgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon