Author's Note

22.1K 664 261
                                    

NOTE: Medyo mahaba po ito but please do read until the end.

Isang kwento na naman ang natapos ko ngayong taon. Nakakatuwa lang isipin kung paano nagsimula ang concept ng MTB, ang simula ng pagsikat nito no'ng 2014 at paano ito natapos ngayong 2017. To be honest, hindi ko talaga inisip na magiging ganito ka-successful ang series na ito at dahil na rin ito sa walang sawang pagmamahal at pagsuporta n'yo sa kwento nila Kaizer, Sitti at iba pang karakter na bumuo sa My Tag Boyfriend. Kaya sa lahat ng awesome taggers na nagbasa at sumubaybay sa kwento na ito, salamat!

Naalala ko lang kung saan nanggaling ang kwento ng MTB. Gaya nga nang nasabi ko na noon, nanggaling 'to sa personal experience ko sa Facebook way back 2014 nang may ma-tagged ako na isang lalaki na hindi ko naman friend sa Facebook o kahit pina-follow man lang. Imposible ba? Nope. 'Cause I experienced it myself. Siguro may glitch lang ang Facebook noon o ano. But that thing really did happened to me and then, My Tag Boyfriend was born. Of course hindi naman lahat ng content sa story ay nangyari sa akin. 'Yong concept lang talaga ng pagkaka-tag then in-expand ko na lang with the use of my wild imaginations.

Sa totoo lang, this is my FIRST TEEN FICTION story. Hindi ako mahilig sa mga teen fiction na kwento 'cause [of course] hindi na ako TEEN no'ng ginawa ko 'to (I was 21 years old back then) so bale graduate na ako sa pagiging "teen". Na-inspired lang talaga ako do'n sa "tag accident" na nangyari sa akin sa Facebook and the rest is history. At gaya na rin nang nasabi ko noon, 12 chapters lang dapat 'tong MTB (more or less). Short novel lang talaga siya dapat. But what made MTB last thing long with four seasons? It's because of you, my beloved readers. 

Another thing that pushed me to make MTB a series were the problems that I saw with the teens during those years at hanggang sa ngayon. Lahat tayo dumaan sa pagiging teenager (para do'n sa mga readers ko na wala na sa teen years gap) and this story becomes so special to me because it becomes my "advocacy" to promote good values and right conduct within the teens; to open the eyes of people about the issue of bullying and cyber bullying and of course to see the internal and external problems that the teenagers are experiencing. Na hindi lang sila simpleng "nagrerebelde" o kung ano pa mang tinatawag ng matatanda sa misbehavior nila. Na there is something that's going on behind those "trends and virals", "rebellion", "early pregnancy", "isolation" at iba pang problema na kinakaharap nila. Through this story, I did try my best to show the problems and what are the possible solutions to them in a "romantic, teen fiction and comedic type of way" and through Kaizer, Sitti and the rest of the gang. Madami sigurong nag-iisip na mababaw lang ang MTB. Na isa lang 'tong "cliche" teen fiction story. But those people who haven't know the depth of this story haven't saw what's underneath on what they thought was "kababawan".

May nabasa pa ako noon na "SOBRANG OA" na raw ng MTB dahil sa pagiging sobrang haba niya. Yes. OA na nga siguro sa haba. Pero ang mga nagsasabi lang ng gano'n sa kwento ay 'yong mga nag-stop, hindi na nagbasa at hindi na nasundan ang kwento. Kasi in all honesty, MTB has so many stories to tell. Hindi lang naman kasi umiikot ang kwento sa "love story" kundi sa marami pang bagay like the issue nga of bullying, friendship, family, knowing self-worth at marami pang iba. Na hindi lang basta kwento ang MTB kundi naging inspirasyon din 'to sa mga mambabasa na gumawa ng "something different" and for self-improvement. Kaya sa lahat ng naniwala, nanatili at patuloy na nagmamahal sa kwento nila Kaizer at Sitti, thank you!

Madami rin akong nabasa sa comment box sa last chapter na nagtatanong kung tapos na ba ang kwento. Actually... NO. Hindi pa dito natatapos ang kwento nila Kaizer at Sitti. Gaya nga nang nasabi ko sa taas, MTB has so many stories to tell. END means START OF NEW BEGINNING. Kaya para malinawan ang lahat, yes. THERE WILL BE MY TAG BOYFRIEND SEASON 5 SOON (and whether you like it or not).

What's to expect sa 5th season ng MTB? Well, of course, I will give you the satisfaction of the story being "OA SA HABA" kasi marami pa talagang mangyayari sa kwento na hindi n'yo pa nababasa. Gaya na lang ng mga bagong character na papasok sa kwento at mga problema na hindi pa naso-solusyunan sa apat na season ng kwento (ex. Kris and Patty's). At kung inaakala n'yo na tapos na ang problema at palaisipan sa "picture" na nakita ni Sitti sa attic... nope! 'Cause that one picture has a serious back story na dapat n'yong abangan at 'yong "sinabi" ni Mobi kay Sitti during her debut (alamin kung alin do'n ang sinabi ni Mobi). Isa pa, Kaizer and Sitti still has a lot of problems that they need to face as a couple and as an individual. Ganito ang kwento na OA sa haba, ang dami pang ikikwento (sarcastic po ako dito; don't mean to start a war or misunderstanding and what). Of course I'm not forcing anyway to read the 5th season of MTB. Para lang naman 'to sa mga taong gusto pang sundan ang story nila Kaizer at Sitti at malaman kung ano 'yong sinasabi ko noon pa sa Facebook na "BIGGEST PLOT TWIST" sa ending ng MTB. If you don't want to missed that, basahin n'yo na rin! LOL!

Isa pa pala, hindi pa dito natatapos ang MTBS4 dahil mayroon pa akong ibibigay sa inyo na 2 SPECIAL CHAPTERS sa susunod na taon. Those two special chapter will feature moments from Mobi and Margaret and Sitti's parents, Souichiro and Aimee (ako lang ba sumi-ship sa mga magulang ni Sitti and saw them as cute couple o ako lang talaga?) So, see you sa mga special chapters next year!

And if one story ends, A NEW STORY BEGIN. The Bully and the Weirdo will start next year as well (baka pati 'yong separate story ni Silver Sungit--este Zync at new love interest niya na si Echo ay mag-start din next year). 

So, ito lang muna for now. Alam ko na medyo mahaba but I do hope na nabasa n'yo ang lahat ng nakasulat dito. Feel free to comment down below tungkol sa mga sinabi ko dito, sa mga expectations n'yo sa Season 5, mga theories at hula at kung ano pang gusto n'yong i-comment. And I would like to shamelessly plug my social media accounts na rin para maging updated kayo sa mga ganap (at iba pang random na bagay about me and my stories). You can check my profile info at nando'n na po lahat ng social media links/account ko.

That's it for today! Salamat sa pagmamahal at suporta sa MTB and I do hope na mabasa at masuportahan n'yo rin ang iba ko pang kwento dito sa Wattpad.

See you all sa 5th season ng My Tag Boyfriend! ♥


- MaevelAnne


My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon