My Tag 21

28.3K 885 268
                                    


My Tag 21

Sitti's POV

OPISYAL NANG nagsimula ang joint sports festival ng Eigaku at Eastton.

Napuno ng mga estudyante sa parehong school, suot ang aming mga PE uniform, ang buong field ng Eigaku kung saan kasalukuyang nagbibigay ng opening speech ang presidente ng school namin at dati kong pinapasukan na school.

Naging sobrang makulay din ang paligid dahil sa mga bandiritas at palamuti sa paligid at nakadagdag din sa ganda ang mga cultivated cherry blossoms na in-import pa ng school para lang sa event na 'to.

Aakalain mo na talaga na nasa loob ka ng isang sports festival sa anime dahil sa mga makikita mo sa paligid!

Maliban sa mga estudyante na magpa-participate sa event, nasa school rin ang mga magulang namin, sponsors ng parehong school at mga iba pang official at espesyal na bisita sa palaro. Para ngang may nakita pa akong artista kanina saka local band na pumasok sa main building namin kanina.

"Okay ka lang?"

Napalingon ako sa katabi ko, kay Kaizer, nang marinig ko ang boses niya na bumulong sa tainga ko.

Siya nga pala, nakapila na ngayon sa buong field ang mga estudyante kasama ang kani-kanilang team. Matapos ng naging maiksing parada namin kanina at pagpapakilala ng mga leader sa team nila ay inayos na rin kami ng mga professors ayon na rin sa mga grupo namin.

"Medyo kinakabahan pero okay lang naman," sagot ko saka napatingin ulit sa paligid.

Kahit hindi mo na sabihin, mararamdaman mo sa paligid ang tinatawag na "pressure" at matinding "will" ng estudyante na manalo sa mga laro na sasalihan nila. Lalo na't hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin ang mga estudyante ng Eastton at Eigaku at tinuturi pa rin nilang mortal na kaaway ang isa't-isa. Saka wala ni isa sa kanila ang may balak magpatalo para lang sa dapat ay "friendly" sports na 'to.

May pakiramdam nga ako na hindi talaga sports festival ang papasukin namin ngayon kundi isang giyera!

"Volleyball naman ang unang laro sa block natin kaya p'wede ka pang huminga."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Kaizer saka napabaling ng tingin kanila Patty at Margaret at ibang babae sa kakampi naming team sa laro na 'to na parang nag-uusap na sa magiging game play na gagawin nila mamaya.

Nasabi ko na rin ba na ang team nila Mia ang makakalaban namin sa unang laro?

Kapag naaalala ko talaga 'yon, mas lalo akong kinakabahan.

Alam naman na siguro nang lahat na wala nang mas titindi pa sa galit na nararamdaman ni Margaret para kay Mia, hindi ba?

Kasama naman siguro sa rules ang huwag papatay ng manlalaro, 'di ba? bigla kong naitanong sa sarili ko saka inalala 'yong mga Do's and Don'ts sa sports festival.

Laking pasalamat ko na lang na hindi ako kasali sa unang game namin. Dahil maliban sa wala akong alam sa rules at paglalaro ng volleyball, alam ko naman na mapuputol lang ang braso ko sa pag-spike, receive at kung ano pa mang galaw na ginagamit sa volleyball.

Baka nga sa unang serve pa lang ng kalaban ay tumama na sa mukha ko ang bola e!

Bigla akong napatigil sa malalim kong pag-iisip nang maramdaman kong may humawak do'n sa isang kamay ko.

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon