My Tag 38

30.9K 838 223
                                    

My Tag 38

Sitti's POV

"MATAGAL PA ba?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang tinanong ang bagay na 'yon at wala na rin akong ideya kung nasaan na kami dahil na rin sa piring na nasa mata ko.

"Sasabihin ko naman sa'yo kapag nando'n na tayo."

"Hindi naman siguro literal 'yong sinabi mo na pupunta tayong universe, 'di ba? Hindi naman tayo papuntang NASA, 'di ba? Pilipinas pa rin ang pupuntahan natin, 'di ba?!" hindi ko na napigilan na tumaas nang tumaas ang tono ng boses ko.

Bigla akong kinabahan no'ng maisip ko na baka totohanin niya nga 'yong sinabi niya na dadalhin niya ako sa universe. Kahit alam kong imposible 'yon, hindi pa rin ako makakasiguro dahil si Kaizer Buenavista ang pinag-uusapan natin dito.

"Huwag kang mag-alala dahil wala naman akong gagawing masama sa'yo."

"Dapat na ba akong mas kabahan dahil d'yan sa sinabi mo? Parang mas lalo akong natakot para sa sarili ko e!"

"Baliw! Kailan ba kita pinahamak?"

"Gusto mong isa-isahin ko talaga?"

Sasabihin ko na sana 'yong mga pagkakataon na napahamak ako dahil sa kanya—pero mas dahil talaga 'yon sa mga fan girls niya noon na obsess na obsess sa kanya noon—pero hindi ko na natuloy ang mga sasabihin ko nang bigla kong maunahan na niya akong magsalita.

"Nandito na tayo."

Dahil may piring nga ang mga mata ko, wala akong ibang ginawa kundi manatiling tahimik doon sa kinauupuan namin habang pinapakinggan 'yong pag-uusap ni Yabang at no'ng driver ng sinakyan namin.

"Halika na!"

Kahit kinakabahan sa mga susunod na mangyayari ay wala na akong ibang nagawa kundi sumunod na lang sa kanya habang inaalalayan niya ako sa kung saan.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbibilang sa hakbang na ginagawa ko at para pakalmahin at alisin na rin ang kaba na nararamdaman ko.

Alam ko naman na hindi ako ipapahamak ni Yabang gaya nga nang nasabi na niya.

Pero buong araw na kasi naging kakaiba ang kinikilos niya at wala rin akong ideya kung ano bang mayro'n sa gagawin namin ngayon at bakit kailangan pa niyang takpan ang mata ko.

"Huwag mo munang aalisin 'yan ah? Sandali lang!"

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Basta! Sandali lang ako!"

Kanina pa ko kating-kating tanggaling 'yong nakatakip na panyo sa mga mata ko. Gusto ko na rin kasi malaman kung nasaan kami at ano ba talagang mayro'n sa universe na 'to na sobrang nagpapakaba lang sa akin.

Pero gaya nga nang sinabi niya, sandali lang siya nawala at muli ko siyang naramdaman sa tabi ko saka niya ako ulit inalalayan na maglakad ng kung saan.

Hindi gaya kanina, mas kaunti lang ang hakbang na ginawa ko sa pagkakataon na 'to at huminto na rin kami sa paglalakad namin saka ko naramdaman na inalis na niya 'yong piring sa mata ko.

Medyo nasilaw pa ang mga mata ko nang alisin na niya ang tela na 'yon saka bumungad sa paningin ko ang isang pinto at isang pamilyar na lugar.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now