My Tag 27

18.5K 772 120
                                    


My Tag 27

Jonas' POV

"WHAT AN unusual sight to visit me on my own house, Jonas," gulat na bati sa akin ni tito nang maabutan niya ako sa sala ng bahay niya. "Kumain ka na ba? May gusto ko bang kainin? Sabihin mo lang at ang maid na ang—"

"Hindi ako pumunta dito para makipagkumustahan sa inyo, tito," sagot ko saka inilabas mula sa likuran ko 'yong picture frame na kinuha ko do'n sa may opisina niya. "Anong ibig sabihin nito, tito?"

"Where did you get that?"

"Ako po ang unang nagtanong sa inyo, tito kaya ako po dapat ang una n'yong sagutin," pag-iignora ko sa tanong niya. "Sabihin n'yo sa akin, anong relasyon n'yo sa mama ni Sitti?"

Sinusubukan kong hulihin ang mga tingin ni tito pero hindi naman siya sa mukha ko nakatuon ang pansin niya kundi do'n sa picture frame na hawak ko.

"Magsabi nga kayo ng totoo sa akin, tito. Si Sitti ba 'yong sinasabi n'yong anak n'yo? Anak n'yo po ba talaga si Felicity Sandoval?"

"Why is it that everyone wants to hear this story?" napabuntong-hininga na lang si tito saka marahang hinilot ang sintido nito. "Ano bang sagot ng gusto mong marinig mula sa akin, Jonas?"

"Gusto ko pong malaman ang totoo," mabilis na sagot ko. "Anak n'yo nga ba si Sitti? Pinsan ko nga ba siya?"

Narinig ko ulit si tito na napabuntong-hininga bago niya inilahad sa akin 'yong isang kamay niya.

"Give me that. Alam mo bang kanina ko pa hinahanap ang picture na 'to? Tapos malalaman ko na nasa sa'yo lang pala? Hand me that photo."

Nag-aalangan pa ako kung ibabalik ko ba sa kanya 'yong dala ko o hindi pero sa bandang huli ay binalik ko rin dahil kay tito naman talaga ang bagay na 'yon.

"For your first question, Aimee is my wife. And that concludes that Sitti is my daughter."

"A-asawa n'yo si Tita Aimee?" nag-utal pang sabi ko. "P-pero paano? Wala kayong nasasabi sa amin na may asawa na kayo."

"Because I don't need to."

"Pero—"

"Can we just eat dinner first before you start throwing another question on me? I'm starving. This day has been exhausting already."

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatango na lang at sumunod kay tito bago ko marinig mula sa kanya ang kwento ng tungkol sa kanila ng mama ni Sitti at pati na rin sa pagiging tatay nito sa pinsan ko.

Pinsan ko na muntik ko ng maging girlfriend!

Habang nagkikwento si tito ng tungkol sa mga sagot sa mga tanong na nasa utak ko, hindi ko maiwasang magkaroon ng halo-halong emosyon para sa mga naririnig ko.

"Kung gano'n pala, bakit hindi n'yo na lang sabihin kay Sitti ang buong katotohanan? Alam n'yo po bang may picture rin siya na kagaya ng nasa office n'yo? Hindi po ba sapat na 'yong mga panahon na nasayang n'yo para ipaalam do'n sa anak n'yo na kayo ang papa niya?"

"So, this is what it's all about. She already found out."

"Wala pa siyang alam pero nasisiguro ko na posibleng naiisip na niya na kayo nga ang tatay niya," sagot ko. "Tito, may karapatan si Sitti na makilala kayo bilang papa niya. Bakit tinatago n'yo ni tita ang mga bagay na 'to?"

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon