My Tag 7

48.3K 1.5K 379
                                    

My Tag 7

Sitti's POV

"ALAM MO ba kung paano mo mabilis na mame-memorize ang mga planets sa solar system?" napalingon ako kay MM nang bigla siyang magsalita.

Dahil sa na-late na kami nang pasok ni MM dito sa G-13—ang kwarto kung saan namin mapapanood dapat ni Kaizer ang Andromeda—nahirapan na kami ni MM na mahanap ang mga upuan namin dahil na rin sa madilim na sa loob ng kwarto at dahil na rin sa dami ng tao. Kaya sa halip na pahirapan namin ang mga sarili namin, nagpasya na lang kami na tumayo na lang dito sa may gilid at tahimik na pinanood ang pagtalakay ng narrator sa solar system.

"Hindi. Mahina ako sa memorization e! Paano ba?"

Alam ko na nagiging unfair ako kay MM dahil ito lang ulit ang pagkakataon na nagkasama kami sa iisang lugar na kami dalawa lang. Alam ko na dapat siya ang iniisip ko ngayon dahil siya ang kasama ko pero hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala para sa kalagayan ni Kaizer.

Hanggang ngayon kasi, ni tawag o text ay wala akong natatanggap mula sa kanya.

"Mang Victor Espinosa."

Muli kong naibalik kay MM ang atensyon ko nang bigla niyang kantahin ang tatlong salita na 'yon.

"Magdya-jogging sa umaga nang pumayat," pagkanta ulit ni MM sabay harap sa akin. "Mang para sa Mercury. Victor sa Venus. Espinosa naman para sa Earth. Mag para sa Mars. Jogging sa Jupiter. Sa para sa Saturn. Umaga para sa Uranus. Nang sa Neptune at Pumayat para sa Pluto."

"Ay, oo nga ano! Ang galing naman!" bilib na bilib na sabi ko saka mahinang pinalakpakan si MM. "Sino nagturo sa'yo n'yan?"

Okay lang si Kaizer, Sitti. Baka nandito na rin siya sa loob. Hindi mo lang makita. Huwag ka nang masyadong mag-alala sa kanya, okay? sabi ko sa sarili ko sa isip.

"Teacher ko sa Kinder. Laging pinapakanta sa amin 'yon para hindi namin makalimutan ang pagkakasunod-sunod ng mga planets sa solar system."

Napapangiti na lang ako dahil sa pagku-kwento ni MM at sa biglang pag-improve ng communication skill niya sa pakikipag-usap sa ibang tao.

Muli kong binalik ang tingin ko sa malaking screen nang kwarto at pinakinggan pa ang tamang pagkakasunod ng mga planeta sa solar system. At gaya nang tinurong technique ni MM, tumama siya sa lahat ng planetang nabanggit niya.

"Mars ang nauna sa Mercury!"

"Hindi nga sabi e! Mercury ang nauna!"

"Hindi! Ang Mang, Mars talaga 'yon! Ang kulit-kulit mo naman e! Isusumbong na kita kay teacher!"

"E,'di isumbong mo! Mali ka naman talaga e! Ako pa inaaway mo!"

Bigla akong napakurap nang ilang beses sa mga eksena na biglang pumasok sa utak ko.

Sunod na eksena na nagpakita sa utak ko ay ang biglang pag-iyak ng batang babae do'n na nakikipagtalo do'n sa bata na boses lalaki saka ko nakita na lumuhod ang batang lalaki sa harapan ng batang babae para patahanin ito sa pag-iyak.

"Sige na! Sige na! Mars na ang nauna! Ako na ang mali. Huwag ka nang umiyak, Felicitiy. Papagaolitan ako ng Mama ko n'yan e!"

Pero hindi nagpaawat ang bata na sa tingin ko ay ako at mas lumakas pa ang iyak nito. Hanggang sa maging ang batang lalaki na hindi ko makita ang mukha ay umiyak na rin kasabay no'ng batang babae.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now