My Tag 30

19.3K 847 275
                                    

A/N: Please note na ang mga salitang naka-italicized sa chapter na 'to ay flashback at nasa 3rd POV mode. I hope hindi kayo malito at excuse na rin sa mga typos and other errors. Happy reading! 

My Tag 30

Mobi's POV

"BAKIT LAGING umaalis ang mama mo?" tanong ng batang lalaki do'n sa kalaro nito doon sa may sandbar ng park malapit sa bahay nila.

"Sabi ni mama kailangan daw namin ng pera," sagot ng batang babae sa kanya. "Kaya kailangan umalis ni mama para may pera daw kami."

"Hindi ka ba nalulungkot kasi mag-isa ka lang lagi?"

"Hindi," iling no'ng batang babae sabay lingon sa kalaro nito. "Nand'yan ka naman e! Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?"

"Sabi ng mama at papa ko uwi rin daw ako mamaya. Hindi na ako p'wedeng makipaglaro kapag gabi na."

"Hindi mo naman kailangan makipaglaro sa akin kapag gabi na e! Uuwi na kaya no'n si mama!" sagot pa ng batang babae sabay tayo at ipinakita sa kalaro nitong lalaki ang hinliliit nito. "Basta! Promise mo sa akin na kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwan, okay?"

"Paano kapag hinanap na tayo ng mga mama at papa natin?"

"Basta! Ang dami mong tanong! Mag-promise ka na lang kasi!"

Makikita sa batang lalaki ang pag-aalinlangan nito pero maya-maya lang ay idinikit na rin nito ang hinliliit nito doon sa daliri ng batang kalaro saka nila iyon itinaas baba.

"Pinky swear, pinky swear, i-promise mo! Hinding-hindi iiwan ni Mobi si Felicity. Ang hindi tumupad ay hindi ko na bati. Pinky swear, pinky swear, pinky swear!"

Napatingin ang batang lalaki sa daliri nito matapos nilang gawin ang pinky promise na iyon saka niya muling ibinalik ang tingin niya do'n sa batang kalaro nang marinig niya ang paghagikgik nito.

"'Ayan! Nag-promise ka na sa akin, ah? Hindi mo na ako p'wedeng iwan!"

"Paano kapag iniwan kita? Hindi na talaga tayo bati? Hindi na tayo magiging magkaibigan?"

"Hindi na. At magagalit ako sa'yo habang-buhay."

"Habang-buhay?" naiiyak na ulit ng batang saka ito humikbi.

"Joke lang! Joke lang! Huwag ka ngang umiyak! Sabi ng mama ko, hindi raw umiiyak ang boys!"

Pinunasan ng batang babae ang mata ng kalaro nito gamit ang laylayan ng damit nito saka hinila-hila ang matabang pisngi nito.

"Alam mo ang weak-weak mo! Dapat strong ka kasi boy ka. Dapat kasing lakas ka ng mga prince charming para magkaroon ka ng sarili mong princess."

"Hindi ba sabi mo, ikaw ang princess ko?"

"Hmm... nagbago na isip ko. Ayoko sa prince charming na iyakin."

"Hindi na ako iiyak!" malakas na sabi niya saka pinunasan ang sariling luha at umarte na malakas. "Ako na ulit si prince charming. Ikaw pa rin princess ang ko."

Natawa ang batang babae na kalaro nito sa sinabi niya.

"Ako ba? Iiwan mo ba ako, Felicity?"

Marahang umiling ang batang babae bago sumagot.

"S'yempre hindi! Basta promise ko rin sa'yo, kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Kahit matanda na tayong dalawa, hindi pa rin kita iiwan."

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now