My Tag 28

24.6K 901 180
                                    

Play the video na nasa taas para mapakinggan n'yo 'yong piano piece na kumuha ng atensyon ni Tita Aimee. And please note the italicized texts are the flashback. Thank you and happy reading! ^^

My Tag 28

Aimee's POV

"FIRST YEAR college ako nang makilala ko ang papa mo. Classmate ko siya sa halos lahat ng subject ko noon saka magkatabi pa kami. Pero kahit na gano'n, hindi ko siya nakakausap. Hindi siya palasalita saka mukha siyang masungit. Kahit naman ngayon parang galit sa mundo pa rin ang mukha ng papa mo."

Sandali muna akong huminto sa pagkukwento ko para tingnan ang reaksyon ni Sitti. At nang makita ko na wala naman siyang balak pumagitna sa pagkukwento ko ay saka ako nagpatuloy.

"Maraming inis sa papa mo noon dahil nga sa pagiging malayo niya sa klase. Kahit na kami na ang lumalapit sa kanya para kausapin siya, hindi pa rin siya namamansin. Lulubog-lilitaw din siya sa klase. Minsan papasok, madalas hindi. Kapag exam lang yata siya pumapasok. At mas lalo pang nainis ang mga kaklase namin sa kanya dahil kahit sa exam lang siya pumapasok, parati pa rin niyang napapasa ang exam at madalas pa nga, siya pa ang pinakamataas sa klase. Pero isang araw..."


Year 19XX...

"AKALA KO ba nasa coffee shop na kayo? E, bakit parang ako pa lang ang nandito?" reklamo ko do'n sa kaklase ko na nasa kabilang linya.

"Ay, wala pa ba sila d'yan? Bwisit 'yong mga 'yon ah! Mga pa-importante na naman!"

"Nasaan ka na ba kasi? Pare-parehas lang kayong mga pa-importante e!"

"Bumibili pa ako ng materials, babaita! Mag-order ka muna d'yan ng kahit ano. Punta na rin ako d'yan pagtapos. Um-order ka nang mahal para 'yong mga pa-VIP nating kaklase ang pagbabayarin natin mamaya."

"Ay! Gusto ko 'yan! Ang halang talaga ng kaluluwa mo! Kaya kita naging kaibigan e!"

"Gaga! Nagmana lang ako sa'yo! Baklang 'to! O, siya! Mamaya na lang. Kotong talaga sa akin 'yong mga late! Mamaya sila!"

Natawa na lang ako do'n sa huling sinabi ng kaibigan ko saka ako nagpasya na ibaba na ang telephono at nagbayad do'n sa may counter ng café bago ako um-order.

Matapos kong makuha ang order ko ay nagsimula na akong naghanap ng mesa para maupo na sana nang may isang pamilyar na lalaki ang nakaagaw ng atensyon ko.

"Si Akiyama 'yon ah!"

Mabilis akong naglakad papunta do'n sa mesa malapit sa piano kung saan ko siya nakita.

"Anong ginagawa niya dito?"

Pero hindi pa nagtatagal ang tanong na 'yon sa isip ko nang bigla din iyong nasagot nang magsimula na siyang tumugtog sa harapan ng piano.

"Naalala ko pa 'yong tinugtog na piyesa ng papa mo no'ng araw na 'yon. A Love Story by Richard Clayderman. Ang papa mo 'yong nauuso na tawag sa panahon n'yo na super fan ni Clayderman. At sa unang raw na napakinggan ko siyang tumugtog, do'n ko nalaman na kaya pala siya laging wala sa klase ay para tumugtog sa partikular na café na 'yon. Saka ko lang nalaman na isa siyang aspiring pianist."

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now