My Tag 35

25.1K 818 208
                                    


A/N: Note that all italicized text on Mobi's POV happened in the past. Bale parang memories siya ni Mobi sa mga nangyari dati at the same time, give way na rin para malaman n'yo kung anong nangyari behind Mobi's POV. Hope na malinaw ang part na 'to sa inyo ang enjoy reading!

My Tag 35

Mobi's POV

High School Years...

"BAKIT NARINIG ko na naman ang sigawan n'yo ng kuya mo doon sa inyo?"

Napaangat ang tingin ko kay Kris nang marinig ko siyang magsalita saka umupo sa ibabaw ng mesa ko.

"Parang araw-araw na lang kayong nag-aaway ng kuya mo. Ano bang pinag-awayan n'yo? Babae?"

Marahan akong umiling bago sumagot. "Kinukulit na naman niya akong umuwi sa amin."

Sandaling nanahimik si Kris at kahit hindi ko na sabihin, alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

"Hindi naman sa gusto kitang mawala dito sa amin, Mobillow ah? Pero matagal na talaga akong nagtataka kung ano o sino ba ang pumipigil sa'yo na sumama do'n sa pamilya mo sa ibang bansa at siyang nagiging dahilan sa halos araw-araw na pagsisigawan n'yo ni Kuya Tobi. Hindi mo ba nami-miss sila tita? Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang dito?"

"Nand'yan naman kayo ni Kaizer."

"Kahit na! Sige! Sabihin na naming nandito kami. Pero paano kung wala na kami dito?"

"Mamamatay ka na ba, Kris?"

"Hindi! Huwag mo muna akong patayin baliw!" sabi niya sabay batok sa akin. "Ang sinasabi ko lang, hindi mo ba naiisip minsan na sumunod sa gusto ng mga magulang mo at kuya mo? Wala ka kayang kasama dito! Sino na lang mag-aalaga sa'yo. 'Buti sana kung may girlfriend ka... ah! Tama! Bakit ngayon mo lang naisip 'yon? Grabe! Ang tali-talino mo talaga, Kris!"

Pinanood ko lang siya na kunin 'yong cellphone niya saka siya may pinindot do'n sandali bago niya iyon pinakita sa akin.

"'Yan! Mamili ka d'yan sa friends' list ko ng gusto mo at ako ng bahala maglakad sa'yo sa kanila."

"Kaya kong maglakad mag-isa."

Binigyan niya ako ng bagot na tingin bago siya napatampal sa noo nito.

"Sige. Iisipin ko na lang na may gatas ka pa sa labi at walang paki sa babae dahil d'yan sa joke mo. Pero pumili ka na lang d'yan ng sa tingin mo ay magugustuhan mo. Tapos ako ng bahala sa ibang detalye."

"Nasaan si Kris Lorenzo?! Ilabas n'yo siya!"

"Wrong timing naman! Nandito na naman 'yong barbaro nating kaibigan," sabi ulit ni Kris saka niya ako binalikan. "Sa'yo muna 'yang cellphone ko. Magtatago muna ako. Ang sakit pa naman manapak ni Patty. Babae ba talaga 'yon? Ang bigat ng kamay e! Basta tumingin ka lang d'yan tapos babalikan kita. At p'wede ba? Gumawa ka na ng account mo. Kaya ka laging nahuhuli sa usapan sa klase e!"

"Hoy! Kris! Sabi na't nandito ka lang e!"

"Sige na, Mobillow! Mamaya na lang!"

Pinanood ko lang sila Kris at Patty na maghabulan palabas ng klase bago ko binalik 'yong cellphone ni Kris saka tumingin ng kung ano-ano doon.

My Tag Boyfriend (Season 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon