My Tag 36

25.2K 792 228
                                    

PLAY THE VIDEO TO LISTEN TO THE SONG FEATURED ON THIS CHAPTER . Thank you! ^^

My Tag 36

Sitti's POV

"MAHAL KITA, Felicity."

Tatlong salita lang 'yong binitawan niya pero parang sobrang laki ng epekto no'n sa buong sistema ko.

Kanina pa kami nakabalik dito sa may function hall at ako naman ay sa p'westo ko ng stage pero hindi ko pa rin maalis-alis sa isip ko 'yong sinabi na iyon ni MM.

Oo. Alam ko na p'wedeng maging pagmamahal 'yon bilang kaibigan, kababata o kahit best friend niya dahil gano'ng tao naman talaga si MM. Lahat ng tao na malapit sa kanya at kaibigan niya, mahal niya.

Pero may isang boses sa utak ko na nagsasabi rin na baka hindi lang gano'n 'yon. Na baka 'yong pagmamahal na sinabi ni MM kanina ay iba sa pagmamahal na sinabi na rin niya sa akin noon bilang si MM o 'di kaya bilang ang OP ni Kaizer.

Kaya kahit gusto ko mang ituon ang atensyon ko sa mga sinasabi nila Patty at makinig, hindi ko magawa dahil sa tuwing makikita ko si MM, hindi ko maiwasang mas lalong malito at mapatanong sa sarili ko kung ano bang ibig sabihin no'n.

Ngayong nabigyan na ng linaw sa akin ng lahat, ang tungkol kanila Mama at Papa, ang sa OP ni Kaizer at kahit 'yong relasyon na mayroon kami ni MM noon, no'ng akala ko ay wala nang panibangong problema at pala-isipan na darating sa 'kin, heto at binigyan na naman nila ako ng dahilan para malito sa mga nangyayari.

Kaibigan ko si MM at mahal ko rin siya. Kaya hindi ko talaga malaman kung 'yong pagmamahal ba na mayro'n ako para sa kanya at 'yong sinabi niya sa akin ay iisa lang o dalawang magkaibigang bagay.

"Okay ka lang ba, Sitti?"

Naramdaman ko 'yong pagpitik ni Patty sa balikat ko nang sandali itong mag-excuse sa pag-emcee at hinayaan na lang si Margaret na magpatuloy.

"Masama ba pakiradam mo? Kailangan mo ba ng tubig o ano? Kanina ka pa kasi nakatulala d'yan," tanong niya ulit sa akin. "Sinenyasan ako ni tita na tanungin kung anong nangyayari sa'yo. Wala naman sigurong masama sa pakiramdam mo, hindi ba?"

"Nako! Wala! Wala!" mabilis na sagot ko sabay napailing. "Okay lang ako! May... may mga iniisip lang talaga ako."

"Sigurado ka d'yan ah?"

"Oo naman!" pinilit ko na lang ngumiti sa harapan ni Patty at pati na rin do'n sa direksyon nila Mama at Papa saka nag-okay sign sa mga ito gamit ang daliri ko.

Sitti, masaya dapat ang araw na 'to! saway ko sa sarili ko. Huwag mo namang sayangin 'yong effort ng mga tao na tumulong sa'yo para magkaroon ka ng ganitong party lalo na sa Mama at Papa mo na gumastos sa lahat. Umayos ka nga, p'wede?

Ilang beses muna akong huminga at tinapik-tapik ang mukha ko para kumalma saka tinapon sa hangin 'yong mga naisip ko.

Gaya nga ng hula ko, alam ko hindi magiging madali para sa akin ang araw na 'to. Lalo pa't parang sabay-sabay na bumagsak sa ulo ko ang lahat ng sagot sa mga tanong na matagal nang nasa isip ko.

Naging malaking abala na rin ako sa oras ng mga taong pumunta para lang sa party na 'to dahil sa ginawa kong pagtakbo palayo kasama si MM. At kung hindi pa rin ako mag-aayos, baka pati sila ay mainis na rin sa mga ginagawa ko. At ayoko namang mangyari 'yon.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now