My Tag 24

23.4K 903 288
                                    

My Tag 24

Sitti's POV

"HINDI KO matatanggap 'to!" dinig na dinig sa buong kwarto ang malakas na sigaw ni Mia saka niya hinagis sa sahig ang mga papel na binigay sa kanya. "Malaki ang contribution ng parents ko sa eskwelahan na 'to. Tapos paalisin n'yo ako dahil lang sa bintang n'yong wala namang ebidensya?"

"Mahirap pala kausap ang isang 'to..." narinig kong bulong ni Kuya Tobi sa kapatid nitong si MM saka ko binalik ang tingin ko kanila Mia.

"Yes, Ms. Valdez. We are full aware of that. But the commotion that you have done on both school in unforgivable. And this is not the first time that you've done something drastic like this. You left us no choice but to expel you."

Dahil sa ginawa ni Mia na panloloko at pag-frame up sa aming dalawa ni Margaret at dahil na rin sa naging pahayag nila Sir Souichiro, Kuya Tobi at isa pang estudyante na taga-Eastton na nakasama ni Mia sa pagsasagawa ng plano nito, napagdesisyunan ng faculty ng school na i-expel si Mia sa Eastton at hindi na rin 'to matanggap sa Eigaku na dating pinanggalingan nito dahil sa pagkakalagay nito bilang isang block lister.

Nasabi ko na noon na makapangyarihan ang pamilya nila Mia lalo na pagdating sa usapang pera. Pero kahit iyon ay hindi naging sapat na dahilan para mawala sa kanya 'yong parusa sa kanya na expulsion.

"Ms. Valdez, don't make this hard for us," narinig kong sabi ng counselor ng Eastton. "Nakausap na namin ang mga magulang mo. Kung sila ay mabilis na natanggap ang desisyon namin na 'to, sana gano'n ka rin."

"Kinausap n'yo ang mga magulang ko?!" hindi makapaniwalang sabi ni Mia.

At hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon pero parang may nakita akong takot sa mata ni Mia nang mabanggit ang tungkol sa mga magulang nito.

"How can you do this to me?!" pulang-pula na ang mukha ni Mia dahil sa galit. "Mas naniniwala kayo sa sinasabi ng outsider na 'to kaysa sa sinasabi ko?" dagdag pa ni Mia sabay turo sa direksyon ni Kuya Tobi.

"O? Bakit ako?"

"Dahil kasalanan mo ang lahat ng 'to!"

"Kasalanan?"

Lahat kami na pinatawag dito sa guidance office ng Eastton ay napatingin sa direksyon ni Magaret nang sa wakas ay nagsalita na rin ito.

"Bakit kami sinisisi mo? Sino bang gumawa ng gulo sa event? Kami ba?" taas-kilay na tanong nito. "Oh! Nakalimutan ko. Hobby mo na nga pala 'yan. Ang mag-inarte, gumawa ng eksena tapos kapag pumalpak ay ipapasa mo sa iba ang kasalanan mo. Iiyak-iyak tapos aarte na parang ikaw na naman ang biktima. Ano ba naman 'yan, Mia? Bagu-baguhin mo rin naman ang style mo! Bulok na bulok na kasi gaya ng kaluluwa mo."

"Look who's talking!" natatawang sagot naman ni Mia. "Kung nag-iinarte ako, bakit ikaw hindi ba? Hindi ba at isa ka ring malaking bully kay Sitti noon? Na umaarte ka rin na parang biktima sa harap ng maraming tao para makuha ang simpatya nila at para ikaw ang mas paniwalaan ni Kaizer? Huwag kang galit na galit sa akin, Margaret. At huwag mong ipapasa sa akin 'yang baho ng pag-uugali mo."

"So, ano 'to? Maglalabasan na tayo ng kasalanan? Kung ganito ang gusto mong laro, sige! Ilalabas ko lahat ng sama ng ugali mo. And excuse me lang ano? Hindi ako gaya mo na umiiyak-iyak pa sa harap ng iba para makampihan. Alam kong maldita ako pero hindi ako demonyo na gaya mo!"

"Wow! Ako pa talaga—"

"That's enough!"

Lahat kami ay nagulat nang may bigla na lang magtaas ng boses mula sa hilera ng mga prof at saka ko nakita ang galit na galit na mukha ng may-ari ng Eastton.

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now