My Tag 25

22.9K 797 122
                                    


My Tag 25

Sitti's POV

"MA, SAAN na naman po ba kayo kumuha ng pera para sa mga 'to?" hindi ko maiwasang magtunog nanenermon kay Mama habang nakatingin ako do'n sa apat na naglalaking box na puro gown ang laman na dala niya pagkauwi niya ng bahay.

"Tingnan mo 'tong batang 'to. Mag-eighteen ka pa lang pero pinoproblema mo na agad ang tungkol sa pera," sagot naman ni Mama saka siya nagpatuloy. "Hindi ko ninakaw sa bangko 'to kung iyon ang gusto mong palabasin. Sa mall ko na derechong ninakaw 'to."

"Ma naman e!" nasabi ko na lang pero tinawanan niya lang ako. "Saan nga po galing 'yong pera na nakuha n'yo dito?"

Maliban sa gusto kong malaman kung saan nga niya nakuha ang pera pambili sa mga mukhang hindi mumurahing gown na 'to ay hindi rin mawala sa isip ko 'yong sinabi sa akin ni Patty kanina tungkol sa pagkakaroon ni Mama ng card na pangmayaman.

Hindi ko naman sinasabi na mahirap kami. Pero hindi naman kami gano'n kayaman para magkaroon ng gano'ng klaseng black card kung anuman 'yong tawag do'n.

Alam ko na sobrang importante para sa karamihan ng mga babae ang debut at sinasabi pa nila na minsan lang daw 'yom dumating sa buhay ng isang babae kaya dapat paghandaan at pagkagastusan.

Pero kung iisipin din kasi, isang araw lang naman 'yon ng pagsi-celebrate. Sa susunod na taon ay magbi-birthday pa naman ako kaya ayokong gawin siyang big deal at pagkagastusan lalo na kung mas magagamit namin ang pera na gagastusin sa debut para sa mas importanteng bagay sa hinaharap balang-araw.

Ayokong gumastos nang malaki si Mama para lang sa isang araw na selebrasyon. Pakiramdam ko kasi ninanakaw ko 'yong perang matagal niyang pinag-ipunan o tinago para lang gastusin sa birthday ko.

"May refund po ba 'to?" sabi ko saka sandaling hinanap 'yong price tag ng isa sa mga gown pero wala akong makita. "Baka p'wede ho nating ibalik na lang 'to?"

"Bakit naman natin ibabalik?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. "Binili ko nga 'to kasi gagamitin mo. Tapos ibabalik natin? Naka-drugs ka ba, 'nak?"

"P'wede ko naman pong gamitin 'yong damit na sinuot ko no'ng cultural festival. Isang beses ko pa lang naman po nasusuot 'yon. Ibalik n'yo na lang po 'to."

"Anak ng nanay mong haggard pero sobrang ganda pa rin, iba 'yong damit mo no'ng cultural festival sa gown na gagamitin mo sa debut mo. Ano ka ba? Ang mga dalaga na gaya mo, dapat may magagandang damit lagi sa drawer. Saka hindi 'to dress. Gown 'to. Pang-formal party, gano'n! Kaya walang ibabalik sa mga 'to. Hirap kaya hanapin ng mga 'to. Feel ko nga magkaka-varicose ako sa kakalakad sa mall mahanap lang 'yong the best na gown para sa'yo."

"Hindi naman ho kasi kailangan," sabi ko na lang sabay napabuntong-hininga. "Sana po tinanong n'yo muna ako tungkol sa bagay na 'to. Ayoko naman pong magpa-party dahil aksaya lang 'yon sa pera."

"Kita mo 'tong bata na 'to!" napapailing na lang na sabi ni Mama saka siya umikot sa likuran ko para tapikin ang balikat ko. "Hayaan mo na si Mama sa pagdiskarte sa pera natin, okay? Hindi mo na dapat masyadong pinoproblema 'yon. Saka anong masama kung magpa-party ka? Eighteen ka na naman. Nasa tamang edad para mag-asawa. Anong malay mo, biglang mag-propose si Kaizer sa'yo sa birthday mo tapos ang panget ng suot mo. Napaka-unromantic!"

"Mama naman! Lahat na lang ginagawang biro!" hindi ko mapigilang mainis do'n sa huling sinabi niya.

Mainis at mahiya nang sabay.

Para namang gagawin ni yabang 'yon... sa isip ko. Isa pa, bata pa kami. Magde-debut lang ako. Hindi pa ako mag-aasawa. Ang bata-bata ko pa kaya!

My Tag Boyfriend (Season 4)Where stories live. Discover now