KIB 15

4.4K 184 50
                                    

Hi! This chapter is dedicated to @Cachesoteric ^_^ thank you, thank you, thank you! Mwuah! 😘

________

A Day To Spend With You

Morning came...

Alam nyo ung feeling na paggising nyo natural na talagang nakaguhit ang ngiti sa mga labi nyo? 

Ganun na ganun kasi ung nararanasan ko ngayon.

Last night when I laid down on my bed, halos hindi ako makatulog. Bumalik na si kai sa room nya cause kib volunteered himself to sleep on the couch, ayaw pa nga namin ni kai but he insisted. Sabi nya ayaw nya makaistorbo like duh? He's never a disturbance!

Kib, i mean CK--uh? Medyo di ako sanay pero sabi nya, I should call him CK since everyone who knows him were addressing him as kyle or sometimes, casper. Mas gusto nya daw kung tatawagin ko syang CK at CL daw tatawag nya sakin. Baliw lang diba? Pero nakakakilig eh. Enebe! Choosey pa ba ako?

Actually, magkausap parin kami sa phone kagabi hanggang sa parehas na kaming antukin pero ang alam ko, madaling araw na yon ng magpasya kaming matulog. Hindi ko nga alam pero sa buong durasyon na magkausap kami, hindi kami nawawalan ng topic, ung kahit simpleng bagay lang napapahaba namin ang usapan? That's how we are and honestly, ngayon ko lang naexperience an bagay na to. Ganito pala talaga ung feeling no?

"Goodmorning earth!" Sabi ko imitating ride leibniz ng trapped pagbangon ko.

This is so nice! ^_^

Mabilis na pumasok ako sa banyo at nagtoothbrush bago ako lumabas ng kwarto ko pero syempre, since may guy sa loob ng bahay at ako ung tipo ng babaeng gusto ng komportableng tulog, nagsuot muna ako ng bra bago ko sya hinarap. Mahirap na no.

"Goodmorning!" Nakangiting bungad nya sa akin. Nagulat naman ako dahil magkaharap sila ni ate at parehong nagkakape.

"G-Goodmorning." Ngumiti ako at tumabi kay ate slash kai. "Aga nyo nagising?" Bulong ko sa kanya.

"Late ka lang talaga nagising." Sagot nya na nagpairap sakin. Pilosopo. "O sya, since gising kana at kailangan ko na rin umalis, maiwan ko na kayong dalawa. Do's and don'ts ha?" Tumawa sya saka mabilis na pumasok sa kwarto.

Napalunok ako.

Bigla tuloy ay parang may anghel na dumaan dahil namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Nagkahiyaan pa kayong dalawa. If I know, hinihintay nyo lang talaga na makaalis ako." Pang aasar ni kai bago tuluyang umalis.

Pakiramdam ko tuloy tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko. Jusko kai! Mahiya ka please?

I heard someone cleared his throat. Napatitig ako sa mukha ng kaharap ko and he's seriously staring at me.

Pwede ba?! Ugh!

"Namumula ka." He smiled.

"Hindi ah. Bakit sana?"

"Bakit nga ba?"

"Bakit mo binabalik sakin ung tanong?"

"Kailan pa naging masama ang pagtatanong?" He smirked.

Napabuga ako ng hangin.

Huwaw bes! Nakakapikon sya promise!

Narinig ko ang muling pagtawa nya ng mahina kaya napairap ako. Tumayo sya mula sa kinauupuan at umalis pero hindi ko sya pinansin. Hindi ko alam kung anong nakain ko kagabi at nagiging bongga ang pagpapabebe ko.

Nagulantang naman ako at napatitig sa isang tasa ng gatas ng ibaba nya ito sa mesa sa aking harapan.

"Umagang umaga ang init ng ulo mo." Sabi nito bago muling naupo. "O ayan, ipinagtimpla muna kita ng gatas since I heard from kai na mahilig ka sa kape and too much coffee drinking is bad for your health kaya gatas nalang." He smiled.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now