KIB 10

4.3K 196 33
                                    

Catch me

"Wag nyo nga akong tingnan ng ganyan!" Inis na wika ko kila Mel, trish at brando.

Daig ko pa ngayon ang isang criminal na iniinterview ng mga pulis. Nakaupo ako sa isang mono block habang nakatayo silang tatlo sa harapan ko at tinititigan ako.

Wala nga si kai dahil nakipagdate sya kay terrence pero pumalit naman ang tatlong bruhang ito.

Mga pakielamera kasi ang mga gaga. Habit ko na kasi ang pagbabackread sa mga conversation namin ni kibby ko at habang nagbabackread ako kanina, nagulat ako ng bigla nalang may humablot sa phone ko mula sa likod ko.

Nagkagulo silang tatlo. Nagtatakbo sila sa kwarto ko at inilock ito pagkatapos ay hindi ko na alam ang ginawa nila. Paglabas nila? Ang sasama na ng tingin nila sa akin. Hinaltak nila ako papunta sa verranda at pinaupo sa isang mono block tapos eto na. Jusko po!

"Anong kyeme ung mga nabasa namin, ha? Trulaley ba yern o edited lang?" Tanong ni brando sabay irap.

Napakamot ako sa aking ulo.

Edited? Sa messenger edited? Ung utak ni brando nasaan?

"Gaga! Paano yun magiging edited? Ayusin mo nga bakla!" Sambit ni trish matapos batukan si brando.

Napangiwi naman ito.

"O sya! Kung totoo man yun, paano?! Bakit?!"

"Oo nga! Baka naman poser lang yun chai!"

"Wag ka ngang magpadala sa pagiging fangirl mo ha! Baka nabiktima ka lang ng poser!"

"Trulaley! Lalo pa't sikat na sikat and fafa mo! Imposible talaga yan!"

"Baka--

"--Teka pagsalitain nyo muna ako pwede?!" Inis na sigaw ko.

Tumahimik naman silang tatlo pero hindi parin nila inaalis ang tingin sa akin. Leche!

"T-Totoo yan at h-hindi poser ang tao sa likod nyang ka-kachat ko. Si k-kib talaga yan." Napakagat ako sa labi ko. Taena! Bakit nauutal ako bigla?

"Talaga?" Tanong nilang tatlo ng sabay sabay saka inilapit pa nila ang mukha sa akin kaya iniatras ko ang ulo ko.

"T-Totoo nga!" Sigaw ko saka ako tumayo pero hinablot nila ako at mabilis na pinaupo. Buset!

"Okay sige, kung totoo man yan, paano?"

"Teka, diba binasa nyo ang conversation namin? Edi dapat alam nyo na kung paano."

"Hindi namin binasa lahat. Nakakatamad."

"Masyadong mahaba at ang corny ng usapan nyo."

"Masyadong seryoso, hindi ako makarelate."

Napahilamos ako sa aking mukha ng marinig ko ang mga rason nila. Nakakaloka.

"Okay ganito kasi yun..."

I started explaining to them everything. Kung paano nagsimula at kung bakit ngayon ay parang komportable na kami sa isa't isa. Puro tango naman ang natatanggap ko mula sa kanila pero si brando, with matching hampas pa sa braso ni trish kasi kinikilig daw sya.

"Yun na." I said ending up my story.

"Omg! Ifofollow ko na nga sya sa twitter at Facebook para naman updated ako sa mga status nya at tweets tungkol sayo! Ghad! Kinikilig ako!"

Napangiti ako sa reaksyon ni brando.

"So, ibig bang sabihin nun, nagstart lahat ng ito nung hindi kana nangungulit sa kanya dahil ipinangako mo sarili mo na iiwasan mo na muna ang lahat ng involve sa pagiging wattpader mo including your 'so called kibby'?" Tanong ni Mel.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now