KIB 12

4K 187 41
                                    

This Chapter is dedicated to everyone who are patiently waiting! Sorry kung inabot ng 2 months ung promise ko haha. Anyways, thank you! Successful naman ung defense namin so far, work immersion nga lang ang kasunod and research II huhu... Wala kaming sembreak! 😂

Belated happy birthday pala kay Ate XENAisME0132! Thank you for patiently waiting! This is for you. Sana kasama kita hanggang sa matapos ko to haha. Love you! 😘
____________

Austin

"Ano bang nangyari? Bat kayo nahuli ni jai? Saan kayo galing? May problema ba chai?" Sunod sunod na tanong ng barkada sa akin ng salubungin nila ako pagdating namin ni jai sa bahay nila trish.

Napatingin naman ako kay jai, I gave him please-help-me-look at mukhang nakuha nya naman dahil agad nya akong hinila at mabilis na inakbayan.

"Uso girls talk diba?" Sabat nya.

"Girls talk? Bakit? Babae ka ba?" Kunot noong tanong ni Mel.

"Don't tell me maglaladlad ka na rin?" Tila gulat na gulat naman na wika ni brando. "Hoy jai ah! Wala akong balak iwelcome ka sa pederasyon naming mga dyosa!" Dagdag nya pa.

Inis na inalis naman ni jai ang braso sa aking balikat at tumikhim.

"Hindi ah! Sayang lahi!" Protesta nya. "Ang ibig kong sabihin, syempre kung may girls talk, there can also be cousins talk, right?" Ngumiti sya. "Personal matter." Dagdag nya pa.

Sabay sabay naman silang nagsitanguan.

"Ang dami nyong arte. Tara na! Kanina pa nakahanda ung entertainment room eh."

"Ano bang papanoorin natin?" Tanong ko.

"Insidious." Sabay sabay nilang sagot na nagpalaki sa mga mata ko.

Ghad! Isa kaya sa mga ayoko ay ang panonood ng horror movies!

"D-Diba horror yun?!" Sigaw ko.

"Maganda yun! Exciting!" Sigaw ni brando at mabilis na tumakbo papunta sa entertainment room.

Napalunok nalang ako at nagpatianod sa gusto nila. Naisip ko, wala namang mas nakakatakot pa sa pinagdadaanan ko ngayon kaya bakit pa ako matatakot?

Pagpasok namin sa loob, ready na ung big screen at madilim na ang buong silid. Oh well, what to expect? Sa aming magkakaibigan, si trish ung pinanganak na may silver spoon sa bibig. Kaya nga hindi na namin kailangan manuod sa cine dahil dito nalang kami nagmomovie marathon tuwing gusto namin.

Naupo nalang ako sa pinakadulo. 20 seats kasi ang meron dito sa loob. Tumabi naman sa akin si jai saka nya pinat ung balikat ko.

I looked at him.

"Easy lang, wag mo syang isipin. Mag enjoy ka."

"Mag enjoy? Buti kung comedy ung papanoorin natin diba?" Inis na wika ko sa kanya.

Nagsimula na ung movie kaya nanahimik ang lahat. Ako naman, hindi parin makapagfocus sa pinapanood dahil kung ano anong pumapasok sa isip ko.

Kib took my number..

Kib texted me...

Kib called me!

Ghad! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon na ibalik ang dati, kahit pa gaano ako naguguluhan ngayon, eto parin naman ang pipiliin kong landas. Ang mapalapit sa kanya tulad ng kagustuhan ng lahat ng mga tagahanga nya.

I was once lucky for being notice by him.

I was even luckier for being closer to him unlike other fans there.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now