KIB 20

2.3K 137 37
                                    

Steal You Away

Kinabukasan sa trabaho ay kating kati na nga akong makauwi kahit kadarating ko palang.

I am indeed excited to see him. Sana lang paburan ako ngayon na makita sya hindi katulad noon na umiiyak pa ako sa sobrang frustrated dahil tinitiis ko ung gutom ko before para lang sa paghihintay sa kanya tapos hindi ko rin sya makikita or mauubusan ako ng copy ng books nya kaya hindi ako makapagpafansign. That's how it was before.

Halos isumpa ko pa ung publishing company dahil kulang kulang ung books na nirelease nila knowing na libo libo ang fans ni kibby ang interesado at willing na bumili ng books nya but then syempre, I can't blame the company kasi unexpected rin naman. Pero eh? Unexpected nga ba yon? Parang hindi na.

Habang dada ng dada si fristine ay pinapakinggan ko nalang, take down kung may gusto syang mangyari then explain dito explain doon ang kaganapan. Inabot din kami ng mga ilang oras na magkasama. Medyo hindi naman ako iretable sa kanya today dahil may hinahanap akong oras.

Pagpatak ng 11 am, natapos kami and for the first time ever, she thanked me and so I gave her my sweetest smile before we parted. Deretso agad ako sa bahay, naligo ulit at nagbihis. Hindi na ako kumain basta pumunta na agad ako sa Mall kung saan magaganap ung book signing event kahit mamayang 3 pm pa yun. May 2 hours pa ako to wait. Nakaprepare na rin naman lahat ng dumating ako. May long table at mga upuan sa gitna kung saan naroon ang mga pangalan ng mga authors na present today.

Halos tumalbog ang puso ko ng makita ko ung pangalan nya sa pinakagilid katabi ni ate max.

This is it!

Nakakaloka lang din talaga dahil ang dami ng fans dito kahit maaga pa. Willing talaga sila maghintay para sa mga iniidolo nilang writer na sana maaappreciate din ng nga writer na to. Kung sila may sacrifices din, mas malaki ang sacrifices ng nga fans na to dahil pagod at gutom din ang tinitiis nila.

"Ay!" nagulat ako ng may tumulak sa akin. Muntik na akong natumba.

"Sorry ate, sorry." wika nung babae. Tinanguan ko lang ito saka ako umayos ng tayo.

Malimit na naghintay nalang ako after I bought one of his books. Dahil sandali nalang at nagsstart na rin. Feeling ko nga ang bilis lang dumaan ng 2 hours dahil sa sobrang excited ko.

Nang lumabas na sila ay halo halo ang rekasyon ng nga fans pero ako? Deretso lang ang mga mata kong nakatingin sa mukha nya. He's wearing a mask but I can see his real face through it. Naiiyak tuloy ako.

Binuklat ko ung libro at sinulatan ito sa harap para pagbuklat nya mamaya, mababasa nya agad.

"Sorry na kibby ko, alam kong mali ako. Kausapin mo na ako please? Miss na miss na kita."

That's what I wrote.

Habang nakalinya ako at palapit ng palapit ung turn ko ay pabilis din ng pabilis ung tibok ng puso ko.

What if he rejected me?

What if he doesn't care at all?

What if...

Nakakakaba, feeling ko sasabog na ako.

Busy ang lahat sa pagkagaling ng litrato sa bawat isa sa kanila pero ako, nakatulala lang sa kanya at tila ba kaming dalawa lang ang narito ngayon despite of how many people surrounds us today.

When it was finally my turn, pakiramdam ko ay tumigil na ung mundo ko. Bawat steps ko palapit sa kanya ay sobrang kaba ang dala nito sa dibdib ko.

Nang magtama ang mga mata namin ay halatang nagulat sya dahil kita yun sa paglaki ng mga mata nya pero ako, pinipigilan ko ung sarili kong mapaluha.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now