KIB 23

2.7K 135 48
                                    

Confession

Days passed, naayos na rin nila Kai at Terrence ung problema nila. It turns out, Terrence flew all the way from Switzerland to the Philippines para lang kausapin sya personally kasi mahirap daw mag explain pag sa chat or tawag lang lalo pa at pabebe si Kai, hindi sinasagot ang tawag nya so he had no choice but to see her.

Nakakabwisit nga dahil sobrang haba ng buhok ng kapatid ko. Dalawang araw lang nagstay dito si Terrence then umalis din sya pero todo todo sabunot ang natanggap ko kay Kai dahil sa sobrang saya at kilig nito sa effort ng boyfriend. Edi wow diba? Sya na. Epal.

"Sama ka next week ha?" napatingin ako kay Mel ng marinig ko ang boses nito.

"Saan?"

"Lutang te? Di ka ba nagbabasa sa groupchat natin? Or sadyang ung chatbox nyo lang ng future boyfie mo ang care mo?"

"Ha?"

She rolled her eyes. "Nakapasa na si Larry sa board exam. Dream do come true na, may friend na tayong teacher!" natutuwang balita nya.

"Talaga?" napangiti ako. "Wow. That's great! Eh paano yan? Sila Trish at Brando. Wala rin si Austin."

"Hindi ka talaga nagbabasa sa groupchat no? Dadating si Austin sa isang araw. Ung dalawa naman, walang scheduled flight for the next two weeks kaya libre sila. As for you, me and jai. Pwedeng pwede tayo for as long as weekend sya magaganap or kahit weekdays pa, pwede naman makiusap." sabi nya habang pinapaikot ang buhok sa daliri. Napatango naman ako.

Ang out of the world naman yata ng isip ko? Nagbasa ako sa groupchat namin pero bakit di ko alam lahat yon?

"Gising te, nakakaloka ka. Natapos lang ung problema mo kay Ms. Cruz at mabait bait ung kliyente mo ngayon, ganyan ka na. Kaloka."

I pouted.

"Interior Designer kasi ako, hindi ako nagrerenovate. Medyo kabobohan din minsan." napairap ako.

"O ngayon?" tinaasan nya ako ng kilay. I rolled my eyes.

"Lumabas ka nga dito ah, bumalik ka sa Mesa mo at wag mo kong guluhin." Inambaan ko syang babatuhin at nginisian pa ako bago tumalikod. Haliparot.

Dumaang muli ang mga araw at eto kami ngayon, hinihintay lang naman ang pagdating ni Austin. Ewan ko ba naman kasi sa mga ito at naisip pang sunduin namin si Austin sa Airport. Mabuti na nga lang at naging maluwag ang gawain sa trabaho kaya pinayagan kaming tatlo nila jai na sabay sabay mag off from work although napakaweird kasi tatlo kaming sabay sabay na nag off pero pinayagan parin. Ayos lang.

"Anong oras ba sya dadating?" tanong ko.

"Inip na inip te? Sandali nalang." sagot ni Brando. Bwisit talaga tong baklang to, pero infairness. Medyo nabawasan kabaklaan nya. Napansjn ko kasing ang manly nya na talaga gumalaw, ano kayang kaganapan dito for the past months na hindi kami mga nagkita kita.

Pero dahil binara nya ako, bwisit parin talaga kaya umirap ako.

"Ayun na! Ayan na syaaa! Austin!" sigaw nila. Tumunhay naman ako at nakita ko na nga din si Austin na naglalakad habang may hila hilang isang malaking maleta at kumakaway.

Nagsitakbuhan na sila para salubungin si Austin pero naglakad lang ako sunod sa kanila.

"Kamusta pre?" tanong ni Larry.

"Ayos na ayos." sagot naman ni Austin na nakangiti. "Congrats sir Larry!"

Ngumisi naman si Larry at tinapik and balikat nito. "Salamat pre."

"Chai.." tawag nya sakin.

"Welcome back! It's good to see you arrived safely."

"Salamat." lumapit sya at niyakap ako kaya naman niyakap ko sya pabalik.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now