Epilogue

4.2K 201 95
                                    

Epilogue

Chai's POV

Six months later..

Everyone's getting ready. May book signing event kasi ngayon sila kibby. Kasama nya ulit sila kuya sic, ate max and etc. He's asking me to come at syempre, pupunta ako not to ask him to sign a book for me but to support him. Lahat kasi ng books nya, may kopya na ako at lahat, may pirma nya na din. Nung una nga ayaw nya pang pumirma kasi hindi naman na daw ako basta fan lang.

I'm his girlfriend now.

Girlfriend. Gosh! It's been six months and yet I still can't get over it. Parang hindi parin nagsisink in sakin lahat ng nangyari.

Tandang tanda ko pa kung paanong tuwang tuwa si kai ng malaman nyang kami na, maging ang mga kaibigan ko. Gumawa pa sila noon ng celebration and invited him over which made me feel really happy.

"Asan kana?"

Can't help but smile. Just hearing his voice brings butterflies on my stomach.

"Nag iikot ikot lang po mahal ko. Dami na rin kasing tao, but don't worry, manonood ako ng event." I said reassuringly.

I heard him sighed deeply.

"Rest your hands. Mamaya na tayo mag usap, marami rami ka kayang pipirmahan na libro." Bilin ko.

"There you go again with the nagging my love. Hindi mo ba alam na hearing your voice makes me feel energetic?"

Ihh! Enebe.

"Tumigil ka na nga. Baka may makarinig sayo dya--"

"Mahal kita."

Ugh! Ganito nalang sya palagi. Kahit gusto ko syang barahin, wala na akong masabi pag narinig ko na syang nagsalita ng ganito.

I heard him chuckled.

"I see, those words can still shut you up."

"Inaasar mo ba ako?"

"Nah, pang aasar na ba ngayon ang sabihing mahal kita?"

Hindi ko man nakikita tong lalaking to, alam ko nakangiti sya ngayon. What a naughty guy. Tsk.

"Kib, magsisimula na!"

"Mamaya na yan kib! Nagpapainggit pa kasi to eh!"

Nanlaki ang mga mata ko. Whut? Boses yun ni ate nina at kuya sic!

"Kibby!"

"Susunod na!" sigaw nya then he cleared his throat. "We're having early dinner mamaya pagkatapos ng event. Sama ka ha?"

Napanguso ako. Mamaya na ako magrereklamo. "Punta kana. Punta na rin ako. Babye!"

"Mahal mo ko?" tanong nya na ikinatawa ko ng mahina. Parang timang talaga tong isang to. Haha.

"Oo naman." sagot ko.

"Then say it." asus. Ang demanding.

"I love you kibby ko. Now go."

"Nah, mahal mo ko?"

Nangunot ung noo ko. Whut?

"I'm not going unless you say it."

"Mahal kita. Mahal na mahal kita kaya wag ka ng mag inarte dyan at pumunta kana okay? I'll hung up now."

He giggled. Fvck! He sounded so cute.

"Better than I love you. Mahal din kita. Magkita nalang tayo mamaya chubby. Bye."

"Goodluck!"

___

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now