KIB 4

5.2K 249 20
                                    

Seenzoned

"Chai!" Sigaw ng mahadera kong kaklase. Naupo sya sa harapan ko at Nagcrossed legs.

"Oh? Anong problema mo?" Tanong ko.

"May possibility na magkakaroon ng book signing si kib! Well,  may possibility pa lang. Nagpost kasi sya sa FB tapos nagbasa ako ng comments, may nagtanong kung magkakaroon daw ba sya ng book signing and he said may possibility! O diba chai?" Kinindatan nya ako.

Napangiti naman ako ng malakas matapos kong marinig ung sinabi nya.

"Talaga?! Omygosh! Omygosh! Omygosh! Sana dito sa manila. Ang layo kasi ng pampanga at isa pa, hindi ko alam ang pasikot sikot dun and I'm sure, hindi ako makakapunta." I shrugged. Totoo naman eh.

Nginitian ko nalang ulit si angel bago sya bumalik sa upuan nya dahil papasok na ang professor namin.

Isa sya sa mga kaklase kong naimpluwensyahan ko sa pagiging addict sa wattpad specifically pagiging fan ni kibby ko. I told her to read hell university and chasing hell at aba! Nagustuhan ng gaga. Ayan tuloy, naging kaagaw ko na din tch!

Halos magdidilim na ng makauwi ako sa bahay. Anong oras na kami dinismiss sa huling klase namin at hindi naman kami makareklamo dahil napakasungit ng teacher na yon. Pag nagalit, nagbibigay ng quiz, at ang masaklap, kadalasan, ung pinapaquiz nya ay hindi nya pa naituturo. Buti nalang talaga natuto akong maging alerto at nag aadvance reading ako sa mga modules para kung sakali, hindi ako bumagsak sa klase nya.

"Ba't ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Kai pag pasok ko sa loob ng bahay.

"Parang hindi ka naman sanay na tuwing lunes, late akong nakakauwi." Napangiwi ako. "Kapagod. Malapit na midterm namin. Magsusunog nanaman ako ng kilay." Sumimangot ako saka naupo sa couch.

"Tch! Okay lang yan chai. Tiis Tiis,  graduating ka naman na eh." Kinindatan nya ako. "Paano ba yan, Edi magiging busy ka sa pagrereview? No kib for awhile? Kaya mo ba?" Ngumiti sya. Ung ngiting nakakabwisit. Alam nyo yun?

"Hoy! 2 weeks pa naman bago ung midterms namin! Edi kahit ung examination week, no kib. Pero sa ngayon, hindi muna. Hehe.." Ngumiti ako at asusual, ano pa nga bang bago? "Aray naman!" Sinamaan ko sya ng tingin ng batukan nya ako.

"Umayos ka nga chai! Pasalamat ka matataas ang grades mo! Wala kang tres! Kung nagkataon, hahanapin ko yang kib na yan at sasakalin ko sya sa harapan mo." Pinanlakihan nya ako ng mga mata.

"Hahanapin mo sya?" Ngumiti ako. "Sige nga kai, please? Pretty please--Aray!" Lumayo ako sa kanya ng muli nya akong batukan. Ang harsh talaga! Nyeta!

"Wag kang mag pa cute gaga! Hindi ka cute! Tumayo kana dyan at kumain na tayo bago ka magpahinga at ako din. Maaga pa tayo bukas at sya nga pala chai, mawawala ako ng 3 days dahil sa trabaho next week." Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Next week pa? Bakit ang tagal--Aray! Namimihasa kana!" Binato ko sa kanya ung throw pillow sa tabi ko ng muli nya akong batukan.

"Mag iisa ka dito. Hindi pwede. Tinawagan ko si tita marga kanina. I asked her kung pwede bang pansamantala, habang wala ako ay si jai muna ang makakasama mo dito sa bahay at pumayag naman sya maging si jai."

"Ano?!" Sigaw ko. "Kai naman! Sa iyo palang gulong gulo na ang buhay ko eh. Tapos ngayon si jai pa?!" Sigaw ko. Napabuga nalang ako ng hangin ng tumama sa mukha ko ung throw pillow na ibinato ko sa kanya dahil ibinato nya un pabalik sa akin at sakto naman sa mukha ko.

"Wag ka nang umangal. Iiwan ko ung kotse para may service kayong dalawa. Sabay kayo papasok ay sabay kayong uuwi. Gets?"

"Hindi ko gets. Gutom na ako." Ngumuso ako saka ako nagtungo sa kusina para kumain.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now