KIB 18

2.9K 176 36
                                    

Why

"Bakit ka finollow ni kuya kib?"

"How to be you ate girl?"

"Ang swerte mo pooooo! Omygosh! I'm so inggit!"

"Anong ginawa mo? Paano nangyaring finollow ka ni kuya kib??? Omg! Can't believe it!"

"Hi ate! Kaano ano mo po si kuya kib?"

"Ate, ano name mo sa Facebook? Pwede makipagfriends?"

"Wag ka mag assume! baka accidentally ka lang nafollow!"

Ilan lang ang mga yan sa mga mensaheng natanggap ko. Halos lumuwa na nga ang mga mata ko sa dami. Ugh! Bakit kasi nya ako finollow? Huhu... katakot pa mandin mga fans nya pag nagalit, parang lalamunin ka na ng buhay eh.

Ibinaba ko na lang ung phone ko saka ko isinubsob ung mukha ko sa study table. Maloloka na yata ako! Geez! Buti nalang hindi ako nagprofile picture ng mukha ko sa watty at iba rin ung name ko kaya unknown parin ako sa kanila. Atleast I'm still safe a little, mahirap na baka sa facebook naman nila ako dumugin. Hindi naman ako famewhore duh?

Nakasubsob lang ung mukha ko sa study table ko ng tumunog ung phone ko. He's calling. Agad agad ko iyong sinagot dahil naloloka na talaga ako.

"Okay ka lang? Bakit ganyan boses mo?" Tanong nya mula sa kabilang linya. Napanguso ako.

"Sabi ko sayo wag mo ako pansinin eh, bakit mo ako finollow sa wattpad? Ayan tuloy, andami nang nagmemessage sakin.."

"Then don't. Reply. Anyone. Kahit anong sabihin nila, kahit tawagin ka nilang snob. Don't. Reply. Anyone. Understood?"

Napanguso ako lalo. "Paano kung ibash nila ako?"

"Ano bang mga sinasabi nila?"

"Ginayuma raw kita kaya napansin mo ako." Deretsahang sagot ko. Totoo naman eh, puro yan ang sinasabi nila.

Bigla namang may katahimikang bumalot sa pagitan naming dalawa until...

"Pffffft! Hahahahaha." Rinig kong tawa nya mula sa kabilang linya. Halos mamatay na nga sya sa kakatawa eh. I pouted. Nakakaasar talaga! Ugh!

"Tawang tawa ka eh."

He chuckled. "Totoo naman kasi. Ano nga bang gayuma ginamit mo sakin?"

Napangiti na rin naman ako. "Hindi naman ako witch. Where would I get such? Hmm.. siguro, I'm just someone whom you can't resist?"

"Joker ka na rin?"

"Aba! Hindi ka naniniwala?"

"Hmm.. sige na nga, naniniwala na. Totoo din naman, gustong gusto na nga ulit kita makita. Hays.."

"Miss mo na ko no?" Napahahikgik ako. Ambisyosa na ang peg ko pero lampake. Sulitin na haha.

"Aminado naman ako dyan." Deretsahan naman nyang sagot na nagpakilig ng bongga sakin.

Kyaaaaaaaaah! Gusto kong sumigaw pero shocks! Nahihiya ako. Ramdam ko na rin ang pag init ng aking pisngi na alam kong kung narito lang sya ngayon sa harap ko at gugustuhin nyang masaksihan ang pamumula nito. Geez! Naalala ko tuloy ung kalandian ko. Charr!

"Chubby, andyan ka pa?"

Napakagat ako sa aking labi saka ko ibinagsak ang sarili ko sa kama habang pinipigilan pa ang kilig ko. Mygas!

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now