KIB 16

3.6K 200 105
                                    

Nice to meet you

"Let's meet tomorrow! Para naman makilala na namin ang future boyfie mo. Ano girl, keri?"

Yan lang naman ang mensaheng natanggap ko mula kay trish. Alam ko naman kasing kating kati na ang mga bruhang yon na makilala si Ck kahit sila pa ang unang nakita nito. Sa pagkakaalam ko naman kasi, sila lang ang naghatid kay Ck sa bahay and afterwards, hindi na nila ito nakita pa. And according to kai, everything he did on that night to surprise me was all prepared by him. Kung may naitulong man daw si ate ay kaunti lang naman.

Bukas na babalik si kibby ko sa pampanga. Gustuhin ko man na magstay pa sya pero hindi pwede dahil 4 days lang ang paalam nya sa kanila and syempre, hindi rin naman pwede magtagal sya dito. Like duh? I'm not his relative naman para ireason out nya. Mamaya sabihin ng future mother-in-law ko na super landi ng daughter-in-law nya. Charr! T^T

Halos hindi pa nga run ako makamove on sa date namin kahapon eh. Hanggang ngayon yata kinikilig parin ako. Shocks!

Siguro naman okay lang sa kanya na ipakilala ko sya sa friends ko right? Pero syempre, try ko mag inarte muna.

"Nope. Ayaw." I replied. Hindi naman nagtagal nagvibrate na ulit ung phone ko. Ang bilis magreply ng gaga.

"Wag madamot teh. Share your blessings! Minsan lang kami makakilala ng instant sikat slash poging pogi na katulad nya at may great sense of humor. Di katulad mo na shoshonga shonga."

Magrereply na sana ako ng muli syang magtext. Agad namang napataas ang kilay ko ng mabasa ko ito. Bruha talaga ang babaeng to. Ugh!

"At hindi ako nasatisfy nung una ko syang nakita. I want to stare at him more. Gwapo eh! Hihi..."

Kung nandito lang ang babaeng to sa harap ko? Jusko kakalbuhin ko na to eh.

"Alam mo teh? Masyadong majupal ang fes mo. Sarap mong saksakin sa totoo lang. Pinagnanasaan mo na yata ung kibby ko!"

Actually sanay naman na ako kay Trish. Kung sa paghahagilap kasi ng mga gwapo, doon sila nagkakasundo ni brando. Si Mel kasi, kahit may gwapo sa paligid, hindi yun nagpapakita ng reaksyon ng harapan hindi katulad ni trish na kung lumandi, bongga talaga.

"Oh?" Sagot ko sa cellphone ko habang nakataas ang kilay ko. Hindi talaga nakuntento ang gaga at tumawag pa.

"Wag ka na kasing madamot girl! Hindi ko naman sya aagawin eh. Well, depende kung marealize nya nga lang na mas maganda talaga ako sayo."

"Over sa confidence teh?" I rolled my eyes.

"Hmmp! Sige na chaaaai! Don't be so madamot. Tititigan ko lang naman eh. You know." Kahit hindi ko nakikita ang babaeng to, Alam kong ngiting aso nanaman sya. Tch.

"Malandi ka talagang gaga ka. Kung gwapo lang din naman kasi ang hanap mo, bakit hindi mo nalang ligawan si brando?" Natatawang wika ko. "Kung tutuusin, di hamak na mas gwapo pa sya dun sa tatlo." Dagdag ko pa.

Totoo naman eh, kahit pa pinsan ko si jai, hindi ko parin maitatangging mas gwapo si brando sa kanya. Sayang nga lang talaga at lumiko ang direksyon nya. Huhu.. bait na kasi lahat ng gwapo bakla? Except my kibby, of course. 100% lalaki yon.

"Ay Jusko teh? Mas malandi pa sakin ang bruhang yun eh. Alam mo bang halos maubos na ang buhok ko ng sabunutan nya ako dahil hindi manlang daw namin sya ininform nang ihatid namin si kyle dyan sa bahay no? Kaloka!"

"Ganon? So sad." I chuckled. "Fine. Let's meet tomorrow. Lunch nalang. Same restaurant na palagi nating tinatambayan. Okay?"

"Okay! See yah! Make sure to bring him with you huh? Kung hindi, lagot ka sakin. Bye!" At binabaan nya na nga ako ng phone. Gaga talaga ang babaeng yon. Tch.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now