KIB 13

3.4K 161 30
                                    

Surprise

             Fast forward...

"Huy! Ready kana?" Nakangiting tanong sa akin ni kai.

Sinuklian ko rin naman sya ng ngiti saka ko sila nilapitan ni terrence.

"Oo naman yes!" Sagot ko.

"Hindi ka naman excited no?" Tatawa tawang sabi nya pa.

"Hindi naman. Medyo lang." Inayos ko ung suot kong toga.

Gee! Hindi ako makapaniwala na ngayon mismo sa araw na to, ggraduate na ako. Hindi man ako cumlaude graduate na katulad ni jai pero sobrang saya ko parin.

Sobrang saya ko parin kahit pakiramdam ko may kulang.

Tatlong araw ko ng hindi nakakausap si kib, tatlong araw na syang hindi sumasagot sa mga texts ko pati chats. Napansin ko rin naman kasi na tatlong araw na rin syang hindi nag oonline.

Sinubukan kong tawagan pero puro ring lang, walang sagot.

Hindi ko tuloy maiwasang mag alala, ano na kayang nangyari dun?

Sabi nya sya ang unang taong babati sakin sa araw na to pero bakit hindi nya naman ginawa?

PAASA.

Napanguso ako ng maalala ko ung sinabi nya.

Oo promise, ako ang unang taong babati sayo sa araw na yun. Pakiramdam ko nga mas excited pa ako sayo eh.

"You okay?" Mabilis na nabalik ako sa reyalidad ng may tumapik sa balikat ko.

Nakita ko naman si kai na nakasilip mula sa likuran ni terrence.

Ngumiti ako.

"Tara na!" Masiglang sabi ko at bumaba ng sasakyan. Di ko naman kasi namalayan na nandito na pala kami.

"Chaaaaaaai! OMG! Excited na excited na ako!" Salubong sa akin nila Trish with matching talon talon pa si gaga.

"Ehem! Nandito na ang genius!" Naglingunan kaming lahat ng marinig namin ang boses ni Larry. "Jairus Lemuel!" Dagdag nya na para bang emcee. Siraulo.

"Salamat! Salamat!"

"Ano ka? Tatakbong presidente? Pakaway kaway?" Pambabasag ni Mel kay jai na ikinatawa naming lahat.

"Grabe kayo. Wag nyo ngang ginaganyan si jai. Cumlaude yan baka nakakalimutan nyo. At hindi lang basta cumlaude! Magna Cumlaude!" Proud na proud na sabi ko saka ko sya inakbayan. "Congrats!" Bati ko sa kanya.

"Salamat." Sagot nya sa akin.

Sabay sabay kaming pumasok sa hall ng magsimula na ang seremonya. Lahat excited na tanggapin ang mga diploma nila, kahit sino naman diba?

Since wala akong parent na kasama, si kai ang sumama sa akin na umakyat sa itaas. Para bang nagpalitan lang kami dahil noong sya ang nakapagtapos, ako lang din ang kasama nya, at si terrence.

"Hoy, wag kang ambisyosa. Hindi kita nanay kaya wag kang umiyak." Nakangiting pang aasar ko kay kai.

"Gaga! Masaya lang ako no!" Irap nya sabay punas ng luha. Sabay naman kaming tumawa pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit. "Congrats sis! I'm so happy for you!"

"Thank you ate." Bulong ko na hindi na rin nakapagpigil ng luha.

                               ~*~

"Tumayo kayo dyan, kukuhanan ko kayo ng litrato." Sabi ni kai.

"Ako na, sumama ka sa kanila." Sabat naman ni terrence na inagaw pa ung camera sa kanya.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang