KIB 24

2.8K 139 37
                                    

Officially yours

Balik nanaman kami sa dati, Austin went back abroad, balik trabaho naman kami nila jai, Larry's in preparation kasi magtuturo na sya next school year while Brando and Trish left again for another flight kaya eto, balik na talaga sa reyalidad.

Malinaw na rin ung sa amin ni Austin. Nag usap kami before he left at medyo nagulat rin ako ng sabihin nya sa akin na alam pala ng buong barkada na matagal na syang may gusto sa akin. It's just that, I was too numb to feel it? Or hindi ko lang talaga binibigyan ng meaning ung mga ginagawa nya for me? Actually hindi ko na alam.

I confronted jai about it but he just smiled saying, "Kaibigan ko si Austin kaya syempre, if I were to choose kung sinong gusto ko for you. Sya ang pipiliin ko kasi mas kilala ko sya and I know how long he's been inlove with you, I know na aalagaan ka nya at mamahalin. High school pa tayo malakas na tama sayo ng gunggong na yun eh. Torpe lang kasi. Pero hindi naman kasi ako ikaw, sa huli, ikaw parin ang masusunod kung sinong mamahalin mo at sa nakikita ko? You're so into him. Kyle? Lubog na Lubog kana and I don't know how to pull you up anymore pero kahit papaano, hindi ako nagwoworry kasi alam ko at nakita ko rin naman sa mga mata nya na totoo ung nararamdaman nya para sayo and Chai, I'm telling you, maswerte ka din cause you found a great guy like him but of course, he's the luckiest for falling inlove with a woman like you."

When he mentioned about since high school may gusto na sa akin si Austin, medyo nalutang ako. I mean, isip bata pa ako nun eh, as in wala pa sa isip ko ang kahit ano about love before. I'm so obsessed with the thought of being a teenager na puro enjoy lang, walang seryosohan tapos malalaman ko that one of my friends actually likes me before? Wow diba?

"Lutang ka te?"

"Ha?"

"Tulala ka eh, ano bang iniisip mo? Bilisan mo kayang kumain. Nasa trabaho tayo remember?" paalala ni Mel. Napabuntong hininga naman ako.

"Sorry naman, may naalala lang."

"Sus! Narinig ko na, actually nasabi sakin ni Austin." nagkibit balikat sya. Napataas naman ang kilay ko. Sinabi nya? Di rin naman sya proud na basted sya ano? Dejoke.

"Anong sinabi mo sa kanya?"

"Ano pa? Edi move on! Let go, ganern! Wala na rin naman patutunguhan ung one-sided love nya no! Kung di rin naman kasi eng-eng ang isang yun, masyadong torpe kaya ayan, naunahan ng mas matinik."

Napasimangot naman ako.

"Wag kang maguilty, di mo naman kasalanan na hindi ka mapagbigay motibo kaya di mo nalaman na may gusto sya sayo all this time."

"Pero iba ung hindi mapagbigay ng motibo sa manhid diba?"

"Well, tama naman. Pero masisisi mo ba ung sarili mo? Eh ni wala ka namang pake sa iba, paano mo mapapansin kung ung atensyon mo nakatuon sa iba?" she looked at me. "Hays, nabusog na ako bigla. Balik na nga tayo sa loob, mukha namang hindi ka gutom. Wag mo ng isipin yun. Tara!"

Pinilit kong iwaglit sa isipan ko ang lahat. Besides, ano nga bang big deal diba? Maayos naman na, nag usap kami at maliwanag na ang lahat. Bakit pa ako nag iisip ng kung ano? Ugh! Not so me!

Dumiretso nalang din ako sa mall pagkagaling ko sa trabaho. Hindi ko na niyaya pa si Mel o si jai. Gusto ko lang maglibot mag isa, so weird pero I feel relaxed now that I'm strolling alone.

Pumasok ako sa loob ng national book store at hindi ko mapigilang mapangiti when I saw his books placed together in one shelf. Look at that, tch. He already has a million of followers on wattpad and yet sa milyon na yon, ako ung napansin nyang hindi na nakalimutan pa. Isn't it amazing?

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now