KIB 14

3.7K 195 51
                                    

His Precious Name

Sampung segundo na siguro akong nakatitig sa kanyang mukha pero hindi parin ako sigurado kung totoo nga ba ang nakikita ko.

"T-Totoo ka ba?"

Alam ko ang tanga ng tanong ko pero wala na akong maisip na matino!

Ngumisi sya sa akin at naglakad palapit. Ghad! Bigla tuloy akong nanghina, nanginig ang tuhod ko at konti nalang babagsak na ako.

"Ano bang nangyayari sayo? Okay ka lang ba?" Sunod sunod na tanong nya habang nakaalalay sa akin samantalang ako, muntangang nakatitig parin sa kanya.

Itinaas ko ang kamay ko at marahang tinusok tusok ang kanyang pisngi gamit ang aking hintuturo.

Napalunok ako.

Totoo nga sya!

"Hindi ka parin ba naniniwala?" Nakangiting tanong nya.

Napataas ako ng kilay saka ako umayos ng tayo.

I cleared my throat.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusurprise ka, ayaw mo ba?" Napakamot sya sa kanyang batok. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. "Sabi ko na nga ba corny eh, kaya ayokong--"

"Gusto ko, gustong gusto ko." Putol ko sa drama nya.

Nilingon nya naman ako saka sya ngumiti ng pagkatamis tamis.

Dun ko lang narealize na parang may hindi tama sa nangyayari.

"Sure ka bang hindi ako nag iilusyon?" Para makasidurado, kinurot ko na ung pisngi nya at halos matawa naman ako sa naging reaksyon nya.

"Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"P-Paano?" Nagtatakang tanong ko. "Paano ka nakarating sa bahay namin? Paano mo naiprepare lahat ng to?" Itinuro ko pa ung mga inflated letter balloons na nakaform ng 'congratulations chubby ko' sa dingding.

Okay? Pigilan ang kilig.

Chubby ko daw eh. 😍

"Basta paano--"

"Okay, makinig ka.."

                      *flashback*

Third Person's POV

Sa isang araw na ang pinakahihintay na araw ni chai, ang graduation nya. Halata namang excited na ang dalaga pero lingid sa kanyang kaalaman na sa mismong araw na yun ang kanilang pagkikita ng iniidolo nyang manunulat.

Bukas ay bbyahe na is kib patungong manila, hindi man sigurado sa kung anong kahihinatnan ng kanyang plano ay desidido na sya.

Naisip nya, kahit na hindi nya pa noon napapansin ang dalaga ay nag eeffort na ito ng labis para sa kanya lalo na ng maalala nya ang ginawa ng dalaga noon kaarawan nya. Aaminin nya, iyon ang unang beses na napansin nya ang dalaga at hindi nya na ito nalimutan kahit kailan.

Bakit hindi ko naman subukang mag effort para mapasaya sya kahit sa simple bagay lang, hindi ba?

Tiniis nyang hindi mag online sa mga social media accounts nya dahil kahit sa kaunting panahon lang ay kilala nya na ang dalaga, alam nya kung gaano ito kagaling sa pagsstalk sa kanya.

Ilang beses tumawag at nagtext ito sa kanya pero tiniis nya rin na huwag pansinin. Oo, parte iyon ng plano nya.

Pagdating sa manila, hindi malaman ng binata kung saan dapat pumunta, buti nalang wala sa mga nakakasalubong nya sa saan ang nakakakilala sa kanya bilang si kib the fact na wala syang suot na mask o kahit ano sa mukha.

Fangirl's Love (KnightInBlack's) [COMPLETED] Where stories live. Discover now