Epilogue

77 3 0
                                    

(Please listen to Beautiful Liar by Vixx LR)

Tulad nung araw nung aksidenteng yon, dalawang taon na ang nakakalipas, malamig rin ang simoy ng hangin.

Yung mga damong kulay berde, mga ibong maririnig mo, yung mga kakaunti pero makukulay na bulaklak.

Dala-dala ko yung bulaklak, naglakad ako papalapit dun sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng taong minsan rin naging importante sakin. Taong minsan kong kinamuhian, na di ko akalaing malaking parte rin pala ng buhay ko.

---
Kinaya kong dumilat at nakita ko ang mga nakasaksak sa braso ko. Ginusto kong tanggalin yung mga yon. Hindi pa rin nila ko binabalitaan tungkol kay Shan.

Umiyak na lang ako ng kusa. Paano kung hindi sya ok?  Paano kung sa kasamaang palad ay napahamak sya?  Hindi ko kakayanin na ako ang maging rason non.

Ang tagal na naming hindi nagkakausap, tapos nung dumating yung panahon na yon, tsaka mangyayari ang lahat ng to. Habang umiiyak ako ay biglang dumating ng kwarto ko si Gess.

"Jersey, I'm glad you're fine" sabi ni Gess sabay yakap sakin.

"Sinabihan ko na si Henz tungkol dito"

Agad na pumasok si Justin ng kwarto. Tulala syang tumitig kay Gess.

"Si Jacob"

Narinig ko pa lang ang pangalan nya ay kinabahan na ko. Imposibleng naaksidente rin sya, same time na naaksidente kami ni Shan.

"Si Jacob yung driver na nagtangkang pumatay kila Jersey"

Tumingin sakin si Justin na halatang gulat rin.

Napaluha na lang ako. Hindi na ko galit kay Jacob. Pero anong ginawa ko para pagtangkaan nya ang buhay ko?

Wala na kong paki kung hindi nya tanggap na kapatid nya ko. Wala akong paki kung galit sya samin ni mama. Pero sigurado akong hindi ko sya mapapatawad kung may nangyaring masama kay Shan.

"May sasabihin pa ko" nanghihinang sabi ni Justin.

"Patay na sya"

---
Habang papalapit ako sa lapida nya ay kinakabahan ako.

Umakbay sakin si Henz. Hinawakan ko naman yung kamay nya para kumuha ng lakas.

Dahan-dahan kong linapitan ang babaeng umiiyak ngayon sa lapida nya. Alam kong dalawang taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hirap pa rin syang tanggapin ang nangyari.

Nung nakarating ako sa harapan ng lapida nya ay unti-unti akong lumuhod.

Inilagay ko sa tabi nya ang bulaklak.

Niyakap ko ang babaeng nakaluhod rin sa harap ng lapida nya na sa tingin ko ay kanina pa sya iniiyakan dito.

Tinitigan ko ang pangalan na nakasulat sa malamig na lapidang nasa harap ko ngayon.

Jacob Gonzales.

The end.

Bi My SideWhere stories live. Discover now